Kasalukuyang mahimbing ang tulog ng isang dalaga na parang wala nang balak bumangon sa mundo. Hindi siya ordinaryong tulog yung tipong kung gugustuhin mong ipabagsak ang buong bubong, baka ni hindi pa rin siya magising.
Ilang beses nang tumunog ang alarm clock niya, pero mas malakas pa rin ang powers ng kanyang “Five minutes pa, Lord” mantra.
KRRRRRRIIIIIIIING!!!
KRRRRRRIIIIIIIING!!!
KRRRRRRIIIIIIIING!!!
“ARGHHH! SINO BANG NAG-IMBENTO NG ALARM CLOCK!!! MAPATAY KO NGA!” reklamo niya habang nakayakap sa unan, parang iyon ang tunay niyang jowa.
Kung iniisip mo na exaggerated ang scene, nope. Ganyan talaga araw-araw si Femi Rhian Mendez. Boyish, sporty, matalino (kunwari), at certified tulog-queen.
Pero dahil parang World War III na ang ingay ng alarm, pumasok na ang kanyang ultimate kontrabidang si Ate Grace, ang kapitbahay na naging guardian, nanay-nanayan, at number one taga-bangon.
“FEMI!!!” sigaw nito habang sabay hila ng kumot. “GISING NA! Alam mo ba kung anong oras na? BUMANGON KA NA DYAN, papasok ka pa!”
Parang zombie na napaangat si Femi, pulupot pa rin ang kumot sa ulo. Doon lang niya napansin ang uniform na nakasampay at doon biglang bumalik ang malupit na realidad.
“HAIST! MAY PASOK NGA PALA!!! BAKIT NGAYON KO LANG NAALALA?!”
Sa loob ng sampung minuto, nagmukhang bagyo ang kwarto. Naka-toothbrush habang nagsusuklay, nagme-meditate habang nagsusuot ng medyas, at halos isumpa ang alarm clock sa bawat segundo.
Pagkababa niya, halos sabay nilang nasira ang katahimikan ng mesa.
“Good morning po, Ate Grace!” bati ni Femi habang sumubo ng hotdog. “Anong oras na?”
Walang pasakalye, sinampal siya ng sarcasm ni Ate Grace. “6:45 pa lang naman. Aba, hindi ka uli male-late sa first class mo, Ms. Scholar!”
Nanlaki ang mata ni Femi. Hindi na nalunok ang hotdog.
“6:45??? MALE-LATE NA NAMAN AKOOOO!!!”
Ayun na. Grab-and-go ang breakfast. Isang hotdog, tinapay, sabay takbo palabas. Para siyang action star na may slow-motion effect habang humahabol ng jeep ng tadhana.
Pagdating niya sa academy, halos kaladkarin na siya ng sariling bag sa bigat. Kung pwede lang mag-teleport papasok ng classroom, ginawa na niya.
FEMI’S POV
=___= Ako nga pala si Femi Rhian Mendez. Sixteen years old, scholar, part-time model, full-time tulog champion.
Apat na taon na ako sa Lotiny Academy pero parang first time pa rin lagi. At wag kayong mag-expect na may special powers ako gaya ng mga rich kids dito. Normal lang ako. May mata, ilong, bibig. At oo, marunong din akong mag-timpla ng Milo.
Scholar ako kasi valedictorian nung elementary. At syempre, dahil kay Ate Grace na halos ginawang mission impossible ang makapasok ako rito. Bonus na lang yung part-time modeling ko para may pambayad ng ibang kailangan.
Anyway, fast forward. Tumakbo na ako papunta sa classroom. Seryosong takbo, level superhero. At sa pagbukas ko ng pinto...
“AS I EXPECT… LATE KA NA NAMAN!!!”
BOOM. Si Ma’am Adviser. Cross-arms. Deadly glare. Para akong tinusok ng libo-libong karayom.
“Sorry po!” taas-kamay agad ako, pikit-mata pa, parang nagrorosaryo.
Pero teka—hindi lang pala ako ang late. May katabi akong ibang kriminal.
“Mr. Villanueva!!! Ikaw na naman?! Ilang beses ba kayo pinanganak para palagi kayong late??”
Ayun. Kasama ko ngayon si Gian Jay Villanueva. Ang mokong.
Pinatayo kami sa labas. All subjects long.
=___= Kaya nga sabi ko, OUT-STANDING ako sa school. Gets niyo? OUT—nasa labas. STANDING—nakatayo. Out-standing.
After ng punishment butu nagrecess na agad kamieehhehe Gutom na ako. Nasa pila. Tubig lang afford kasi tight ang budget.
Habang naglalakad, biglang nagsayaw ang sintas ko. Parang may sariling concert. Tinamad akong ayusin.
Big mistake.
“AHHHH!”
Naapak ko yung sintas ko, sabay bagsak ang balance ko. Yung hawak kong tubig, nagparabola sa ere, parang physics project.
BOOOOOOGSH!!!
Nabangga ako sa isang “pader”. Pero teka, mainit yung pader? Mabango?
Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko. At doon ko nakita...
“Gian…???”
Oo. Si Gian Jay Villanueva. Yung kasabay kong late kanina. At ngayon, hawak niya ang braso ko para hindi tuluyang sumubsob sa sahig.
“Hey, ayos ka lang?” malumanay niyang tanong. Yung boses niya, parang lullaby na biglang nagpatigil sa kaba ko.
Napatitig ako sandali. Hindi kasi ako sanay na may nag-aalala sa akin. Usually, ako lang ang nagbabangon sa sarili ko. Pero heto si Gian, nakaalalay, parang automatic reflex.
“A-ah… Oo, okay lang.” pilit kong sagot sabay iwas ng tingin. (Bakit ba kasi ang lapit ng mukha niya?!)
Ngumiti siya ng konti. Hindi yung mayabang na ngiti. Yung tipong genuine lang. Yung ngiting parang nagsasabing “Huwag kang mag-alala, safe ka.”
“Ingat ka sa susunod. Baka madapa ka ulit. Ikaw pa naman yung scholar ng section natin.”
Bigla akong nahiya.
YOU ARE READING
Maid for Him (UNDER EDITING!)
Teen FictionSi Femi Rhian Mendez ay isang boyish at athlete na babae. Maganda sya kaya nag sideline sya bilang model na rin. Tinutulungan sya ng kapit bahay nila para makapagtapos sa isang sikat na Academy. Nagkataon na naging matindi ang pangangailan nya sa p...
