*Psst* Notice anything different? 👀 Find out more about Wattpad's new look!

Learn More

Joke Joke Lang!

30.7K 128 17

Man #1 : O pare bat may Tali yang Paa mo?
Man#2: Eh gusto ko kasing mag bigti eh.
Man#1: E bakit sa paa diba sa Leeg yan nilalagay?
Man #2: Oo nga pare e sinubukan ko na yan kanina eh ………hindi ako maka hinga pare eh

----------------------------------------------

Isang Araw may isang guro na nagtanong sa kanyang mga estudyante…

Guro:Magandang Umaga Class!!!Class, ano ang gusto niyo maging???

Girl 1:Gusto ko po maging nars!!!Para po makagamot po ako ng KAPWA!

Girl 2:Ako naman po ay ang pagiging Chef!!!Gusto ko pong busugin ang aking KAPWA!

Girl 3:Gusto ko naman po maging Presidente!!!Para po matulungan ko po ang aking KAPWA!

Guro:Wow!Ang gagaling niyong sumagot!O iho, ikaw naman ano ang gusto mo maging?

Boy:Ummm…Alam ko na!!! Gusto ko maging KAPWA!!!

----------------------------------------------------------------------

Habang naguusap ang magkaibigan na sina Juanito at si Ramon, nagtanong si Juanito kay Ramon…

Juanito: Ramon, anong mga salita ang may Pie sa dulo?

Ramon: Ummm.. ah alam ko na Egg Pie… Ikaw naman!

Juanito: O sige,uhhh… Buko Pie!.. Ikaw ulit!

Ramon: Aha! Pineapple pie! Ikaw naman ulit!  Tignan natin kung may masasabi ka pa? hahaha! ang galing ko talaga!)

Juanito: (Hala pano nato!Ayokong maliitin ako ni Ramon..Ummm..Ah Alam ko na!) Meron nako!

Ramon:HA! Ano?!

Juanito: E di pamayPIE!!! Yehey!Wala ka na masabi no?!

Ramon: Akala mo ah! Meron din ako! Pieyapa! >:P

Juanito: Andaya mo at ang taba mo! Papieyatin kita dyan eh…

Ramon: Gusto mo pieiyakin kita dyan eh…

-----------------------------------------------------------------

Ang makatang sampay-bakod

Here’s something for your coffee break……….

BUTI PA SIYA

Buti pa ang kalendaryo, may date Buti pa ang Hersheys, may kisses Buti pa ang probability, may chance YUNG IBANG TAO, WALA.

Buti pa ang Paranaque, may BF Buti pa ang farm, may chicks Buti pa ang halaman, may nagaalaga YUNG IBANG TAO, WALA.

Buti pa ang nitso, may bulaklak Buti pa ang patay, may dumadalaw Buti pa ang prisoner, binabantayan YUNG IBANG TAO, BALIWALA.

Buti pa ang tennis, may love Buti pa ang bees, may honey Buti pa ang Chemistry, may lab YUNG IBANG TAO, WALA.

Buti pa ang telepono, hini-hello Buti pa ang film, nadi-develop Buti pa ang typewriter, nata-type-pan YUNG IBANG TAO, HINDI.

Buti pa ang exams, sinasagot Buti pa ang problema, iniisip Buti pa ang assignment, inu-uwi YUNG IBANG TAO, HINDI.

Buti pa ang panyo, nadadantayan ng pisngi Buti pa ang baso, dinadampian ng labiButi pa ang unan, inaakap sa gabi YUNG IBANG TAO, HINDI PUEDE.

Tagalog Pinoy JokesBasahin ang storyang ito ng LIBRE!