The Billionaire's Obsession

602K 6.8K 379
                                    

Pakibasa po. Guys kung masyado kayong allergic sa mga wrong grammar o kaya naman mispellings. Please, h'wag niyo ng subukang basahin. Wala pa akong time na ayusin ang mga mali nito. Kung wala naman kayong masabi na maganda mas magandang ialis niya na sa library niyo. Hindi ako PATOLA pero nakaka-down minsan ang mga critics niyo. Kung anu-ano pang sinasabi niyo. Alam ko namang may mga mali ang story na 'to. Newbie pa nga lang hindi ba?

Kiber ko naman sa may mga ayaw. Marami daw mali tapos umabot pa sa dulo. BITCH!

And si Demon at Damien po ay iisa. Kasalukuyan ko ng pinapalitan ang name niya.


























Masuyong hinalikan ni Timothy ang gilid ng ulo ng babaeng kayakap niya ngayon. Ibinaba niya ang tingin sa maganda nitong mukha.

She was staring at him. Magsasalita sana siya ng may mapansin siyang kakaiba sa mga mata nito.

Nababanaag niya ang labis na kalungkutan roon. He cupped her face and made her look directly to his eyes.

"What's the problem, agapí mou?" tanong niya rito.

Imbes na sumagot ay mas yumakap sa kanya ang kasintahan at nagsimula itong humikbi. Napabangon tuloy si Timothy.

"Agapí, why are you crying?" natatarantang tanong niya. Inabot niya ang tissue sa bedside table at pinunasan ang luha ni Abigale Marie.

Bumangon naman ang dalaga at hinila ang kumot upang tabingan ang hubad nitong katawan. Patuloy pa rin siya sa pagpunas sa luha nito.

"I'm sorry. I just can help it. Nalulungkot ako kasi aalis ka na bukas. Iiwan mo na ako." mas lumakas ang pag-iyak nito.

Napabuntong-hininga lang si Timothy. Masakit na makitang humahagulhol ng iyak ang kasintahan niya. Ngunit anong magagawa niya? Kailangan niya ng umalis bukas.

Hindi niya alam ang salitang makakapag-pagaan ng loob ng kasintahan. Alam niya kasi sa sarili niya. Matutuloy at matutuloy ang pag-alis niya kinabukasan. Siya lang ang inaasahan ng mga magulang at ng lolo niya. He's the only heir of their empire.

"Sumama ka na lang kasi sa amin, agapí mou?" hinawakan niya ang kamay nito at dinala sa kanyang pisngi. Hinalikan niya ang kamay nito. "Nalulungkot rin ako na maiiwan kita dito. Kaya please, be with me. Sumama ka na lang sa amin sa Greece."

Binawi ni Abigale ang kamay niya at tumungo.

"Hindi ako pwedeng sumama sa'yo, Tim. Kailangan ako ni papa. May sakit siya at ayaw ko siyang iwan mag-isa rito." pagtanggi nito sa kanya.

And again, he feel rejected again. Ilang beses niya na bang sinubukan na pilitin itong sumama na lang sa kanya at iwan ang walang kwentang ama nito. Pero paulit-ulit siyang nirereject nito at pinipili ang ama nitong walang ibang ginawa kundi saktan ang damdamin ng kanyang kasintahan.

"He doesn't love you, Abigale Marie. Kami lang ang nagmamahal sa'yo. My mom and my dad."

"Tim! Napag-usapan na natin 'to. I'll stay here for my papa. Mahal niya man ako o hindi. Aalagaan ko pa rin siya. Wala na si mama, ayaw kong pati si papa ay mawala rin. Siya na lang ang pamilya ko. Siya na lang ang kadugo ko."

Tumayo na si Timothy at isa-isang pinulot ang damit niyang nagkalat sa sahig ng kwarto. Isinuot niya ang mga iyon.

Hindi niya mapigilan ang pagsama ng loob sa pagtanggi na naman nito. Hindi naman para sa sarili niya ang dahilan kung bakit niya ito gustong isama. Para iyon sa kasintahan. Ayaw niyang mas masaktan ito. Gusto niyang ilayo ito sa sariling ama na hindi naman ito pinahahalagahan.

"You're unbelievable, Abigale Marie!" galit na wika ni Timothy. Matalim ang pagtitig niya sa kasintahan na nanatiling nakaupo sa kama. "Lalo mo lang pinatutunayan sa akin na mas mahal mo ang walang kwentang iyon kesa sa akin." sumbat niya.

Sinubukang abutin ni Abigale ang kamay niya pero kaagad niya iyong iniwas.

"Tim, hindi ganoon 'yon. My point is, I don't want to leave my papa. Baka kapag iniwan ko siya ay wala ng mag-alaga sa kanya. He needs me."

Sarkastikong tinawanan ni Timothy ang sinabi niya, "He needs you? O baka mas kailangan niya ang half-sister mong nasa Japan? Bakit hindi mo na lang hayaan na si Rio ang mag-alaga sa kanya? Total siya naman ang paborito ng magaling mong ama!"

"Ayaw ni Rio na alagaan si papa. Hindi niya gustong mag-alaga ng isang taong mamamatay na."

"At anong papel ng tunay na anak ng papa mo? Ang ate Analyn mo?"

Napaiwas ng tingin si Abigale kay Timothy.

"Hindi ba't iniwan ng legal na anak niya ang ama mo dahil sa kalupitan nun. Si Rio lang naman ang mahal ng papa mo. Just let him die kung ayaw siyang alagaan ni Rio."

Hindi nagustuhan ni Abigale ang narinig. Oo nga't malapit na mamaalam ang ama niya, pero mali pa rin ang sinabi nito laban sa kanyang ama.

Dinampot niya ang unan sa tabi niya at ibinato iyon kay Timothy.

"How dare you to say that! Alam kong ayaw mo sa papa ko! Pero wala kang karapatan na pagsalitaan siya ng ganyan."

"D*mn!" sinipa niya ang bedside table bago lumabas ng kwarto.

That was the last time they saw each other. Nilisan ni Abigale nang gabing iyon ang tahanan ng mga Vidales ng mabigat ang puso. Hindi sila nagkaayos ni Timothy bago ito umalis. Dahil lumipad sila ng ama papunta sa Japan upang hanapin ang kapatid niyang si Rio.

Pinagsisihan ni Timothy ang mga nasabi niya ng gabing iyon. Pero dahil na rin sa kailangan niya na talagang pumunta sa Greece ay hindi niya na nagawang ayusin ang relasyon nila ng kasintahan.

He buried himself to his work. Mas pinili niyang mag-focus sa trabaho.

He promised to himself, na kapag nagawa niya na ang mga dapat niyang gawin sa Greece ay babalik siya. Susuyuin at babawiin niya si Abigale.












●-●-●

Copyright © SushiLoves, 2016, All right reserved.

This story is originally created by author's imagination, any similarities to other stories such as name, characters, business, places, events, story plot, incidents and etc. is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, create or display derivatives works from or exploit the contents of this story in any way.

Please obtain permission of the writer.

Title of Story: The Billionaire's Obsession
Author: SushiLoves (RL. Rodriguez)
Date Started: July 27, 2016
Date Finished: February 14, 2017

TBS#1: The Billionaire's Obsession (Completed) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon