Chapter 11: Family Circle

96 9 12
                                                  

Allyson's POV

Pagkadating namin sa ospital ay andoon na si Mama at Gio. Mangiyak-ngiyak na niyakap ako ni Mama. Si Gio naman ay cool lang pero alam ko, nag-aalala din siya.

Si Makki naman ay sinalubong ng ate niya at yung mga matalik niyang kaibigan.

Pagkatapos na makapagbihis ako ng damit at sabihin ng doktor na okay lang naman ako ay ipinasok na ako sa isang pribadong kwarto.

Walang masyadong injury sa ibang bahagi ng katawan ko pero may mga pasa ako. Ang kaliwang kamay ko ay may benda, just inches before my armpit. May sugat kasi, buti na lang 'di napilayan. Masakit pa rin yun kaya di ko nga maigalaw ng mabuti. Buti na lang talaga at kaliwa kasi kapag 'yung kanan ay hindi ako makakapagsulat.

Ngayon ko lang naramdaman ang sakit sa buong katawan ko nang makahiga na ako. Pwede naman na daw akong makalabas bukas.

Ngayon, nasa loob ang buong pamilya. Habang nakahiga ako ay tahimik lang kaming lahat. Nagtitinginan na parang naghihintayan kung ano ang gagawin. Nakakabingi 'to. Para kaming mga tanga na nagtititigan lang.

Pero alam kong hindi kaya ni--

"Argh! I can't do this anymore!"

Muntik na akong tumuwa ng malakas, buti na lang nakagat ko ang labi ko at napigilan ko ang kahindikhindik kong tawa.

Tiningnan siya ng masama ni Mama. Si Papa naman ay iiling-iling.

"Gio! Ano ba, nagpapahinga ang ate mo," saway ni Mama sa kapatid ko.

Yeah, kapatid ko nga. Hindi niya kaya ang katahimikan, eh.

"Way to go, lil' brother," sabi ni kuya na nasa sulok. Alam ko, ayaw niya rin sa katahimikan. Aba! Lalo naman ako, well, except kung nag-aaral o nagbabasa ako.

My brother snorted and to my surprise he held the side of the bed tight and spoke, "Ate! Sino ba'ng may gawa sa 'yo nito?! Sabihin mo lang, bubugbugin ko siya!"

"Gio, 'wag ka ngang sumisigaw...hindi bingi ang ate mo," nakakunot ang noong saway ni Mama. Nasa kanan ko siya, nakaupo sa isang stool. Nasa likod niya naman si Papa na nakasandal sa pinto.

Si Gio naman na kanina nakatingin sa bintana sa kaliwa ko ay nakatunghay na sa 'kin dito sa kaliwa ko. Nakawak pa rin sa gilid ng kama.

At parang walang narinig 'tong si Gio kaya sumigaw na naman, "Kung sana ate sumabay ka na lang sa 'kin, eh!" aniyang pareklamo.

Anyong palingon ako sa kanya at sasabihin ko na okay lang, "Gi-"

"Aray!" napatingin akong hinihimas niya ang ulo niya at nasa tabi na niya si kuya.

"Kuya!"

"O, ayan ka na naman, sumisigaw ka na naman. Gusto mo bang mabagok ang ulo mo?" masama ang tinging banta ni kuya kay Gio.

Napapangiti ako sa dalawang kapatid kong ito.

Itinaas ko ang kanang kamay ko kasi nga injured ang kaliwa at medyo tumagilid ako ng konti. Inabot ko ang ulo ni Gio at ginulo ko. "Okay lang ako, Gio," sabi kong ngumiti sa kanya.

"Ate, ano bang nangyari sa 'yo?"

"'Yang pasa mo sa katawan mo, hindi okay 'yan," my older brother said, annoyed.

"Allyson, ok bang masasabi 'yang kamay mo?!" di makapaniwalang sita ni Mama sa sinabi ko.

Napatingin naman ako kay Papa nang magsalita siya. "Yung damit mo, punit-punit, masasabi mo bang okay yan?" seryosong tanong ni Papa.

Help, Nalulunod Ako!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon