Chapter Thirteen

NAOMI.

"Bes, ikaw talaga! Ba't hindi mo naman sa'kin sinabi na boyfriend mo na si Rence Reboredo ha?!" tanong ko kay Kryzel.

Nandito kami ngayon sa cafeteria at kumakain ng lunch. Tahimik lang siy Kryzel samantalang ako, todo tanong sa kanya tungkol sa bago niyang boyfriend.

Rence Reboredo. Matunog ang pangalan niya sa university gawa ng siya ang nag champion sa flairtending competition. May itsura naman 'tong si Rence. Maganda ang tindig. Malinis tingnan. Kaso parang tahimik lang siya, laging mag-isa at nakikiblend sa mga tao. Madalas may nakasabit na headset at meron siyang mysterious vibes.

At hindi ako aware na close sila ni Kryzel. Kaya naman gulat na gulat ako nang malaman kong sila na. I mean, bakit parang ang dami ko nang hindi alam dito kay Kryzel? Masyadong na o-occupied ni Stephen Cruz ang isip ko!

Kasalanan talaga ng lintek na cassava cake yun!

"Pati ba naman ikaw Naomi?! Ang dami niyo nang nagtatanong sa'kin niyan ngayon, honestly ano bang meron? Bakit parang sikat siya dito? At bakit lahat na lang nang nakakasalubong ko sinasabi sa'kin 'yan?"

Napa-iling na lang ako, "seriously Kryzel? You don't have any idea?"

"Well, okay I know he won that goddamn flairtending competition but so what? He's just a bartender in our bistro."

"Yeah right. Just a bartender in your bistro na pinagaagawan ng iba pang malalaking bistro at hotels in and out of the country. Kaya for sure mag re-resign siya sa inyo after graduation. But that's not the point! So kelan pa kayo naging close ni Rence? Is he a good guy?"

Napairap si Kryzel, "you have no idea."

"Then tell me. I'm curious."

Napangiti si Kryzel, "I badly want to. Pero next time na lang."

"Huh? Bakit? Ba't hindi ngayon? Or mamaya after class!"

"Because someone's here to see you," mas lalong lumawak ang ngiti ni Kryzel at napatingin siya sa likuran ko. Napatingin din ako at nakita ko si Drew na papalapit sa table namin.

"D-Drew..."

"Hi girls!"

"Kumusta ang practice?" tanong ni Kryzel sa kanya.

"Ayos lang. Medyo stressing kasi pinepressure kaming lahat ni coach sa darating na competition. Kaya ito, plano ko mag unwind mamaya sa mall. Sama kayo? Treat ko kayo ng meryenda."

Nagkatinginan kami ni Kryzel at kahit hindi kami nagsasalita, alam kong gets namin ang isa't-isa.

"I want to come but I have to do something after class. Maybe Naomi?" tinignan niya ulit ako, "free ka naman later 'di ba? Sumama ka na kay Drew. Manlilibre, sayang naman."

"Oo nga Naomi, sayang naman! Okay lang ba tayong dalawa lang?" tanong ni Drew at halos lumundag ang puso ko.

Anong okay?!

Hindi lang okay kundi go na go ako diyan!

"S-sayang naman Kryzel, hindi ka ba talaga pwede?" tanong ko sa kanya.

Kryzel gave me a 'wag ka nang maginarte' look.

"Hindi, eh. Sumama ka na!"

Operation: Break the Casanova's Heart (Editing)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!