Chapter Twelve

NAOMI.

"Mika, where the hell are you?!" inis na tanong ni Kuya Nico mula sa kabilang linya ng telepono. Ayan pa lang ang sinasabi niya, ramdam ko na ang galit niya.

"Kuya relax! Nandito ako sa bahay ng kaibigan ko. Hindi ako makauwi, ang lakas ng ulan"

Tumingin ako sa bintana ng condo unit ni Stephen, walang humpay pa rin ang ulan. It's already past ten in the evening at mukhang wala talaga akong choice kundi ang mag-stay dito sa condo niya.

"Saang bahay 'yan? Kaninong kaibigan? Anong address? Babae ba yan? Don't tell me lalaki 'yan ha!"

Napatingin ako sa lalaking nasa harap ko na busying busy kumain ng cup noodles.

"It's not a guy... b-babae ang kasama ko ngayon."

Stephen looked up and he gave me a questioning look. Tinignan ko naman siya ng masama na para bang pinagbabantaan ko siya na wag siyang magsasalita.

He grinned.

"Siguraduhin mo ha Naomi Mikael! Anong pangalan niya?!"

"Y-yannie. Her name is Yannie. Yung sumundo dati sa akin sa bahay, yung may kasamang bading." Pagpapalusot ko. Mahirap na pag sinabi kong si Kryzel. Mamaya tumawag doon si kuya bago ko pa ma-warningan si Kryzel. Mabubuko pa ko.

Napatingin ulit ako kay Stephen and---I don't like his smile. Parang may gagawing masama. Sapakin ko kaya 'to?

"Come here babes! Kainin mo na 'tong cup noodles mo bago pa lumamig."

Nanlaki ang mata ko nang magsalita siya.

"Babes?! Sino yan, ha Mika?!"

I glared at his direction and he just gave me a wink.

Bwiset! Pahamak talaga ang lalaking 'to sa buhay ko!

"Ah, y-yung kuya ni Yannie yun. Nandito kasi girlfriend niya."

"Give me her contact number! Now!"

"Okay, wait lang nag sho-shower yung kaibigan ko! 'Di ko alam number nila, ite-text ko na lang sa 'yo."

"Sige, magaantay ako ng limang minuto. Make sure mag text ka agad ha! Kung hindi kakaladkarin kita pauwi rito kahit gaano pang kalakas ang ulan! Naintindihan mo ba Naomi Mikael Perez?!"

Tatay ko ba 'to? Mas malala pa siya magalit eh!

"Opo naiintindihan ko NICOLAI PEREZ!"

Binabaan ko siya ng telepono. Bwiset. Ang hirap maging bunso at nagiisang babae sa magkakapatid!!

Hinarap ko si Stephen na ngiting ngiti pa rin at mukhang ang saya saya niya na naipahamak niya 'ko.

"So when did you decide that I had a vagina? And I didn't know I was your friend's older brother...o pwede ba akong maging kuya ng kaibigan mo kung meron akong...you know... vagina?"

"Shut up and will you please stop saying vagina! This is all your fault!"

"Ang alin? Ang bagyo? Sa sobrang gwapo ko umiiyak ang langit---"

"Wag mo 'kong matawag tawag na babes kapag kausap ko ang mga kuya ko!"

"Relax, babes. Highblood ka na naman. Why didn't you just tell your brother the truth anyway?"

Operation: Break the Casanova's Heart (Editing)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!