Chapter Eleven

KRYZEL.

I got drunk. Nawala ako sa sarili. I laughed like a manic person. I told my love story to our bartender. I laughed again like a manic person. Then I remember signing something. Nilapit ko ang mukha ko sa kanya. And then... and then...

Damnit! I can't remember a thing!

What the hell happened before I passed out? Did I kiss him? Did we... did we have a one night stand?

I'm a freakin' virgin at ngayon hindi ko maalala kung na-isuko ko baa ng v-card ko sa isang complete stranger.

Hindi naman masakit ang 'ano' ko. Sabi nila masakit daw yun kapag first time? Pero sabi nung iba may ibang hindi naman nasasaktan.

How should I know? May signs ba? Kung magpatingin kaya ako sa doktor?

Napailing ako.

No no no no.

Wrong idea.

Tingin ko mas okay nang hindi ko alam.

Tama. Mas mabuti nang hindi ko naalala. Oo. Tama yun. Tama. Tama.

Kryzel, ano bang pinag gagagawa mo sa buhay mo?!

I better talk to my dad at sabihin kong patalsikin na sa bistro namin yung bartender nay un. Alam niyang lasing ako and yet, he took advantage of me! Wala na talagang mga lalaking mapagkakatiwalaan sa mundong ito!

Pero paano kung sabihin niya sa daddy ko ang nangyari? Paano kung may nangyari nga sa amin pero hindi naman ako pumiglas.

And I kind of remember na ako ang humila sa kanya papalapit kagabi...

I'm doomed.

"Best!!"

I saw Naomi running towards me.

"Best!!" tawag ko sa kanya at nang makalapit siya sa akin, we both hug each other na para bang ang tagal simula nung huli naming pagkikita.

"Ilang araw kang 'di nagpapakita sa akin! Ano bang nangyari, ha?" tanong niya.

Na-upo kami sa bench in front of our university quadrangle.

Busy sa pagiging broken hearted kay Stephen.

Hay, namiss ko 'tong best friend ko! Nakokonsensya tuloy ako na pinagselosan ko siya. I admit that I still love Stephen and that I'm jealous of Naomi kasi nakukuha niya ang atensyon nito but still, hindi ko magawang magalit sa kanya kasi in the first place, ako ang nagsabing gawin niya ito.

Though I still want to hurt Stephen, part of me is saying na sana pala hindi ko na lang pinush si Naomi sa ganitong sitwasyon.

Nagkwentuhan kami saglit ni Naomi. Buti na lang at hindi niya nababanggit si Stephen. Nang marinig namin ang bell, naghiwalay na rin kami para pumunta sa kanya kanyang mga klase.

Hindi ko ma-ikwento sa kanya yung nangyari last night. Alam ko rin naman na magwawala yun pag nalaman niya. Another thing is, I feel ashamed for what I did. Naglasing ako dahil kay Stephen at nakakainis.

"Oh, malungkot ka na naman."

Napalingon ako sa nagsalita at ayun nakita ko si Mr. Bartender sa harapan ko. Nag flashback na naman sakin ang mga pinaggagagawa ko kagabi. Gusto ko siyang sapakin at paluin ng bote sa ulo. I want to confront him sa nangyari last night but I am too scared to know kaya naman tinalikuran ko na lang siya.

Operation: Break the Casanova's Heart (Editing)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!