For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

Chapter Nine

NAOMI.

"Oh my goodness, Naomi! 'Di ko alam na keribells mong magpakilig ng bonggacious!" sabi ni France nang maka-alis si Stephen at ang ibang tao.

"Nice job Naomi!" sabi naman ni Yannie.

"Thanks, wait lang muna saglit."

Tumakbo ako palayo sa kanila. The moment na nakahanap ako ng pagkakataon, sinundan ko agad si Drew.

Tama ba ang nakita ko? Nagalit ba siya? Nagselos? Kinakabahan ako na kinikilig. Kinakabahan kasi baka galit nga siya. Kinikilig kasi...ibig sabihin kapag galit siya ay dahil may gusto rin siya sa akin? Gulay! Paano kung magtapat na siya saa kin ngayon at ibunyag ang kanyang undying love? Sasagutin ko na ba agad? Or magpapaligaw muna ako? Syempre! Dapat magpaligaw muna at pag sinabing ligaw kailangan niyang dumaan sa butas ng karayom! Hindi naman siya sa'kin mahihirapan kundi sa apat kong kuya.

Pero saan na nga ba nagsuot ang aking future boyfriend?

"Grabe ang lakas ng loob niyang kantahan si Stephen, ah! But infairness nakakakilig!"

Napahinto ako sa pagtakbo. Nakalimutan ko si Stephen. Oo nga pala, hindi ako pwedeng magkaroon ng boyfriend dahil sa kanya. 'Di ba nga inlababo dapat ako kay Stephen? To the point na head over heels ako sa kanya kaya ako ang nanliligaw? Pero paano ang love life ko? Paano kung gusto nga talaga ako ni Drew? Ano gagawin ko pag nagtapat siya sa akin? Anong palusot ang sasabihin ko samantalang parang ipinagsigawan ko na sa buong mundo na mahal na mahal ko si Stephen?

Hay buhay! Kung si Stephen ay isang taong marunong magmahal, hindi sana ako nahihirapan ngayon! Ba't pa kasi may ipinapanganak sa mundo na mga manloloko eh.

At bakit ba ako pumayag dito?!

Napahinga ako nang malalim at naalala ko ang mukha ng best friend ko nang makipag break sa kanya si Stephen.

Si Kryzel muna ang dapat kong isipin.

Tatalikod na sana ako at wala nang planong sundan si Drew nang makita ko siya bigla sa basketball gym. Siya lang magisa ang naglalaro ngayon.

I watched him threw a three point shot.

Ang gwapo talaga nang lalaking 'to kahit pawis na pawis na. Kahit saang anggulo ko tignan naiinlove pa rin ako sa kanya. Sa buong pagkatao niya.

Walang taong perpekto. Pero parang siya na yung almost.

Napalingon bigla sa direksyon ko si Drew at bago pa ako makapag-tago, nag tama na ang mga tingin namin.

"Oh, Naomi!" Nginitian niya ako at tumakbo siya papalapit sa akin. "Ba't ka napunta rito?"

"Uhmm, ano, o-okay ka lang ba?"

"Oo naman bat mo na-itanong?" ngiting ngiti niyang sagot.

So guni-guni ko lang ang nakita ko? Hindi siya nakasimangot nun? Hindi siya nagselos? Or baka naman talagang hindi siya ang nakita ko? Ano yun doppelganger niya?

"W-wala naman. Sige alis na 'ko. Babalik na 'ko sa classroom."

Tinalikuran ko na si Drew nang bigla niyang hatakin ang kamay ko. Nagulat ako nang makita kog seryoso siyang nakatingin sa akin. Yung expression niya na nakita ko kanina.

"Naomi, I don't want you to get hurt"

"Drew.."

Shit. Ba't niya sinasabi 'to? Shit.

Operation: Break the Casanova's Heart (Editing)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!