Chapter Six

KRYZEL.

Rinig ko pa rin ang mga paguusap ng mga tao about sa incident kanina. Nakaalis na't lahat si Naomi pero pinaguusapan pa rin sila. Ang sweet sweet daw nilang dalawa.

Pumunta ko sa may bar counter ng bistro namin.

"Give me any cocktail drinks, the strong one," sabi ko doon sa bartender namin.

"How about Pina Colada, ma'am?"

Inangat ko ang tingin ko sa kanya at kinunutan siya nang noo. Seriously? Sabi ko strong and he's offering me Pina Colada?

Alam kong baguhan ang bartender na 'to, pero sabi ni dad magaling daw. Pero ba't hindi alam ang ibig sabihin ng strong.

"Long Island na lang," sabi ko sa kanya.

Nag mix na yung bartender ng cocktail ko then inabot niya sa akin.

"Here's your Long Island, ma'am. I hope this drink will put a smile on your face "

I didn't mind the bartender instead I started sipping my drink.

Bakit ganun? I should be happy kasi alam kong unti-unti nang napapansin ni Stephen si Naomi, but still, ba't ganito ang nararamdaman ko? Nagseselos ako.

Yung atensyon na ibinibigay niya kay Naomi, never niyang ibinigay sa akin yun.

I loved him pero bakit si Naomi...?

I admit na galit ako sa kanya because he used me. But still, mahal ko pa rin siya. Hanggang ngayon siya pa rin. Never pa akong nainlove nang ganito sa buong buhay ko.

Naiinis ako kung bakit siya pa ang minahal ko.

At mas lalo akong naiinis sa sarili ko kasi pinagseselosan ko ang best friend ko.

Naomi is doing this for me. She's in that position because I put her there. Tapos nagseselos ako sa kanya?

I'm a horrible human being.

I heared the bartender rang the bell na nakasabit sa gilid ng bar namin. Ibig sabihin maraming tips. At pag marami ang nakuhang tips, mag f-flairing siya.

Narinig ko na nagpalakpakan ang mga tao nung nag f-flair na yung bartender. I am watching him pero ayaw mag sink-in sa utak ko yung mga routines na ginagawa niya. Masyado akong pre-occupied.

I didn't finish my drink instead, tumayo na ako at umalis na.

~*~

STEPHEN.

Ngiting ngiti pa rin ako habang nagmamaneho ako pabalik sa condo ko.

Yung itsura ni Nami kanina, hindi mawala sa isip ko.

Damn Stephen, you are so great.

She told me I need to fall in love with her bago ko siya mahalikan ulit.

Sorry siya, marami akong alam na moves. Hindi ko siya kailangang habulin. Sanay akong ako ang hinahabol at ayun ang gagawin niya sa akin.

Nakarating na ako sa condo unit ko at nakapag park na nang biglang mag ring ang phone ko.

I saw my dad calling.

Napabuntong hininga ako and I contemplated whether to answer his call or not.

But in the end, sinagot ko pa rin.

"I'm busy, dad," pambungad ko na sabi sa kanya.

"I need you here in twenty minutes."

"Huh? Ano na naman 'to?"

"Basta! Wag ka nang umangal! I will cut your allowance kapag hindi ka pumunta."

"But!!— "

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil ibinaba na niya agad ang telepono.

Nakakakinis!

Dumiretso ako sa bahay namin. Malapit lang ito sa condo ko. Sadyang humiwalay lang ako nang tirahan dahil ayoko siyang kasama. Isa pa, ang daming bagay ang ayoko nang maalala pa kaya ayoko nang umuwi.

Mukhang ganun din naman siya kaya pumayag siyang bilhan ano ng condo.

Pagpasok ko ng bahay, agad ako sinalubong ng isa naming maid and sinabi na pumunta ako sa dining hall.

Dumiretso naman ako agad dun and I saw my dad. He's with a woman around her age.

Nakalagay ang kamay niya sa waist ng babae habang umiinom sila ng wine.

"What the fuck?" sabi ko at pareho silang napahiwalay sa isa't isa at napatingin sa akin.

"Son, you're here."

Tinignan ko nang masama yung babae at ibinalik ko ang tingin ko sa ama ko.

"Marami pa akong dapat gawin, so please tell me bakit pinapunta mo 'ko rito."

Napabuntong hininga si dad at inakbayan niya ang babaeng kasama niya.

"Stephen, I want you to meet Alice—my fiancée. We are getting married soon."

No. This isn't happening.

"Are you fucking kidding me?!"

"Stephen, I—I love her."

Bigla akong napatawa nang malakas dahil sa sinabi niya.

"Love? Do you even know what you're saying? Nakalimutan mo na ba ang nangyari?!"

"Stephen, that was a long time ago and I've moved on. I think it's time you did too."

"No," I said. "This is ridiculous."

Tinalikuran ko sila at dumiretso ako sa kwarto ko.

Love? My family was ruined by love!

When I was a kid, my mom left us for another guy. MAHAL daw niya kasi ang lalaking yun. At dahil MAHAL ni dad si mom, halos mabaliw siya nang iniwan niya kami. Everynight lagi siyang may dalang iba't ibang babae. Hindi na siya halos nagtatrabaho.

Pinabayaan niya sarili niya, pati ang anak niya. Galit na galit ako sa kanila nun, sa dad ko lalo na sa mom ko.

Ipinangako ko sa sarili ko na never akong masasaktan dahil sa lintik na pagmamahal na yan.

Na ako muna ang mananakit bago nila magawang saktan ako.

Dahil ang pagmamahal, pag sineryoso mo, pwedeng pwede ka nitong masira.

My dad should have known better.

Pero hindi ko maintindihan kung bakit magpapasok na naman siya ng panibagong ikakasira niya.

To be continued...

Other parts are still editing! Kindly wait patiently. Thanks!

Operation: Break the Casanova's Heart (Editing)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!