Chapter Four

NAOMI.

"There are two things in life you must keep in mind: don't make any promises when you are happy, and don't make any decisions when you are mad." ~ Anon.

Sana nung mga panahong pinipirmahan ko yung contract, naalala ko 'tong quote na 'to. Hindi yung nagyon na nagsisisi ako.

Busying busy ako makipaglaro sa kuya kong si Nico ng Tekken nang biglang bumulaga sa bahay namin sina Kryzel, Yannie, at France at kinaladkad ako papunta sa mall.

Naistorbo tuloy ang paglalaro namin ni kuya! Matatalo na sana ng Lili ko ang Jin ni kuya kung hindi lang sila sumulpot! Isang bar din yun ng hersheys kung nanalo ako!

"Teka nga, ba't ba tayo mag m-mall, ha? At ba't ba bigla bigla na lang kayo sumusugod sa bahay namin ng walang pasabi?"

"Ano ka ba loka! Syempre immake over ka namin! Paano mo mapapaibig si papa Stephen sa ganyang itsura ha!" sabi ni France. "At maiba nga tayo ng topic! You're so mean talaga! Ba't 'di mo sinabi sa amin na kuya mo pala yung sikat na model!!"

Hindi ako aware na sikat ang kuya ko. Basta nakapaskil lang ang mukha niya doon sa branches ng isang sikat na clothing brand.

"Oo nga! Ang gwapo niya!" pag-agree ni Yannie. "Nabigla nga ako nung makita ko siya eh. So can I have his number?"

"Ako rin! Ibigay mo rin sa akin!'

"Five letters. A-Y-O-K-O."

"Damot mo, bruha!" inis na sabi ni France.

"Haha naku masanay na kayo kay Naomi, ganyan talaga yan pagdating sa mga kapatid niya. Masyadong madamot!" natatawa-tawa namang sabi ni Kryzel.

Naman! Kung gusto nilang makilala kuya ko, gawin nila nang nagsisikap! Baka mamaya katawan at mukha lang ni kuya ang habol nila, lalo na ni France!

Nang makarating kami sa mall, idineretso nila ako sa isang salon at iniharap sa isang babae doon. Naka-uniform na pang salon yung girl. Pink polo shirt and white skirt. Ayos na ayos ang buhok niyang unat na unat. Pantay na pantay rin ang kilay niya. Mamula mula ang pouty lips. Walang bakas ng pimple sa mukha (o baka nadaan sa concealer. I don't know)

Pero isang bagay ang kapansin-pansin sa kanya---meron siyang adam's apple.

"Hi Ginger! I'm here again! May bakla kang aayusan!" sabi ni France sabay turo sa akin.

"Ay truelly? Badingersy yan?"

Aba't--!

Lumapit ako doon kay Ginger, kinuha ang kamay niya at ipinatong ko sa boobs ko.

"Tunay!" irita kong sabi.

Napangiti siya, "magkakaroon din ako niyan!" ibinalik niya ang atensyon niya kay France. "Anong gagawin ko sa baklang 'to?"

Hinila ako ni Ginger at pinaupo sa chair sa harap ng salamin.

Tinanggal ni Yannie ang pagkakatali ko sa buhok.

"Bagay sa kanya ang perm," sabi ni Yannie.

Napalingon ako bigla sa kanya. "T-teka! Ikukulot niyo ang buhok ko?!"

"Yes, dear."

Lumapit si Kryzel, "ba't hindi na lang ipa-rebond?"

"Halos walang pagbabago kung ipapa-rebond lang niya since natural namang straight ang buhok niya. Believe me, bagay sa kanya."

Operation: Break the Casanova's Heart (Editing)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!