Chapter Three

STEPHEN.


I can't believe what had happened.

Hinawakan ko ang ilong kong parang ni-regla kanina sa dami ng dugong umagos dito dahil sa pagkakasuntok niya sa akin. Kung anu-ano pa ang idinahilan ko doon sa school nurse namin kung ano ang nangyari sa akin.

Ang hapdi, ang sakit.

But I don't know why I cannot stop my self from grinning.

That girl is fiery. Interesting.

She's been my classmate ever since highschool but never siyang nagpakita ng kahit katiting na interes sa akin.

She's weird. Yung tinitignan ako ng mga kaklase kong babae na may pagnanasa while she's looking at me with disgust.

Dahil nga hindi siya interesado sa akin, ako ang naging interesado sa kanya. I tried searching for her background which is napaka dali naman dahil sa dinami-rami ng mga babaeng nakakasama ko na tsismosa.

I found out that when she was still a child, her mom died because of cancer. But now, may stepmom siya, which is yung second wife ng dad niya. She has three older brothers at siya ang bunso sa pamilya. Nag p-part time job din siya sa bistro nina Kryzel. Kumakanta siya dun every weekend. Dahil sa na-curious ako one time kung magaling nga ba siyang kumanta, nagpunta ako dun para kumain at mapakinggan siya. In all fairness, she's good. Great, even. I love her voice. Nakaka relax. Kabaligtaran sa personality niya na sobrang taas ng energy at parang palaging naghahanap ng away.

Bali-balita na nagmula siya sa magandang lahi. Yung isang kuya pa nga niya eh nagmo-model pa raw. Pero mukhang hindi siya nabiyayaan ng magandang genes dahil sa paningin ko, mukha talaga siyang tibong nerd.

Pero nagsawa rin ako sa pang i-stalk sa kanya dahil napagtanto ko na she is not my type. Baka mapikon lang ako kapag sinubukan kong pormahan ang isang yun.

Feeling ko nga dati tibo siya at may gusto siya kay Kryzel.

Pero kanina, nung nakita ko kung paano siya maapektuhan nang dahil sa akin.. yung reaction niya nung hinalikan ko siya, alam kong hindi siya tibo.

Damn, that kiss.

Hindi mawala sa isip ko.

I want to kiss her again. I want to stare at her eyes again.

I want her.

Lahat na lang madali kong nakukuha... but her? She's a challenge.

At gusto ko ng challenge.

So brace yourself, Naomi Mikael Perez.

You'll be mine, I swear.

Operation: Break the Casanova's Heart (Editing)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!