Chapter 13: The Vampire Hunter

Third Person's POV

BANG!

BANG!

BANG!

Sunod-sunod ang pagputok mula sa baril ni Cross Falcon, ang Vampire Hunter. Kasalukuyan niyang hinahabol ang Insane na nambiktima na naman. Hating-gabi na pero nasa madilim na kalsada pa rin siya na halos wala ng tao at sasakyan na nadaan. Humahangos siya sa pagtakbo dahil sa paghabol sa Insane hanggang sa macorner niya ito sa isang madilim na eskinita....

Itinapat niya ang kanyang baril dito at agad itong pinaputok pero nakailag ito.Nagulat na lamang siya ng sumugod ito sa kanya at iniwasan niya ang bawat pagkalmot nito sa kanya. Hindi niya namalayan na nasugatan pala siya sa pisngi at tumulo ang dugo mula dito...

"Shit!" isip nya dahil maaamoy ng ibang Insane ang dugo at siguradong magpupuntahan sila ngayon dito. Kapag minamalas nga naman, iisang baril pa man din ang dala niya. Akala niya kasi ay magiging madali lang ang gabing ito para sa kanya pero nagkamali siya. Nagsisisi tuloy lang hindi siya nakapagdala ng madaming armas…

Gaya ng iniisip niya, nagsidatingan na nga ang mga Insane at sa hindi niya inaasahan ay hinawakan siya nito sa magkabilang braso. Nagpupumiglas siya pero lalong dumami ang mga Insane sa paligid at humawak sa kanya. Wala na talaga siyang kawala.

"B*ulshit! Get off me! Fuck it!" he growled pero hindi naman naiintindihan ng mga Insane ang sinasabi niya, kahit anong gawin niya ay hindi siya nito pakawalan. Nagpumiglas muli siya at naalis ang pagkakahawak ng mga ito sa isa nyang braso at ginawa niya itong pagkakataon upang kuhanin ang kanyang dagger. Sinaksak niya ito sa ulo ng Insane na nakasampa sa likudan niya pero bago pa niya masaksak ang iba ay nahawakan na naman ang braso niya kaya sa huli ay siya na din ang sumuko...

Sa ilang minuto ng pagpupumiglas niya ay naramdaman niya ang paglamig ng paligid na hindi naman niya naramdaman kanina lang. Narinig niya ang yabag ng sapatos na para bang nakasuot iyon ng high heels hanggang sa tumapat ang ilaw sa mukha ng isang babae...

"Vampire Hunter...." malamig ang boses na ito na nagdala ng kilabot sa buo nyang katawan…

"Victoria Cray...." nasambit na lamang niya. Hindi niya inaakala na buhay pa ito. Ang alam niya kasi ay patay na nga ito. Bakit kaya ito nagbabalik? At anong kailangan nito sa kanya?

"Anong kailangan mo sakin?" tinapatan niya ang intensidad ng tingin nito sa kanya. Para bang nabalot ng yelo ang buong paligid dahil sa lamig ng titigan nilang dalawa…

Ngumiti ito sa kanya... "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, gusto kong makipagtulungan ka sa akin, patumbahin natin si Van Walker"

He smirked. Ganoon pala ang gusto niya? Bakit pa kailangang makipagtulungan sa kanya? Kayang-kaya na niyang talunin si Van na hindi humihingi ng tulong kahit kanino. Hindi niya kailangan ng tulong sa isang bampira. Hindi siya tanga para makipagtulungan sa halimaw na kinamumkuhian niya…

"Ayoko. Alam mo ba, nakakatawa ka, isang bampira humihingi ng tulong sa isang Vampire Hunter? Hahaha! Hindi ako makikipagtulungan sayo dahil kaya kong gawin iyon ng mag-isa, kung natatakot ka kay Van, gumawa ka na ng sarili mong hukay at doon ka na lang habangbuhay"

Mas lalong lumamig ang paligid at nakita niyang pumula ang mga mata nito at humaba ang pangil...

"Lapastangan ka! Sinong natatakot?! Hindi ako natatakot sa bampirang iyon!" dumagundong ang boses ni Victoria sa buong lugar.... "Kung ayaw mong makipagtulungan sakin, hayaan mong bigyan kita ng maliit na parusa" lumapit siya kay Cross at unti-unti nitong ibinaba ang mukha niya sa leeg nito...

The Perverted Vampire (PUBLISHED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!