For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

Chapter Two


NAOMI.






It's been 2 weeks since nalaman kong si Kryzel na at si Stephen. Ilang beses  ko ring kinumbinsi si Kryzel na hiwalayan niya na si Stephen but hindi pa rin siya nakinig.


Sadyang matigas ang ulo ng best friend ko. I tried talking to Stephen Cruz pero wala naman akong makuhang magandang pagkakataon kasi lalapit pa lang ako sa kanya, ang sama na agad ng tingin sa akin ng mga babae.


Pero nung lumagpas naman ng two weeks ang relationship nila ni Kryzel, kahit papaano nakahinga ako ng maluwag.


Aba, diba 4 days lang ang pinaka matagal na naging relationship ng babaerong yan? Siguro naman dahil umabot ng two weeks ang relationship nila, ibig sabihin seryoso na siya kay Kryzel? Isa pa, nag palit na ng status si Stephen and si Kryzel sa Facebook na in a relationship at naka list ang name ng isa't isa. Baka nga nakahanap na ng true love si babaero.


Sana...


Dahil 2 weeks nang in a relationship ang status ng loka kong best friend, mag isa na akong kumakain sa cafeteria.


Bruhang yun pinagpalit ako sa lalaki! Pero kung sabagay, blessing in disguise siya kasi madalas kong nakakasabay ngayon si Drew sa pagkain ng lunch at maging sa pag-uwi.


Yun lang, nakakamiss pa rin si Kryzel.


But today is another lonely day for me. Hindi kami sabay ng break ni Drew kaya mag-isa akong kumakain sa cafeteria.


As usual, dun ako sa favorite table namin ni Kryzel umupo. I'm in the middle of eating my lunch when someone caught my attention.


Sa far left corner ng cafeteria, nandun si Stephen Cruz, laughing boisterously with his friends.


Teka, akala ko kasama niya si Kryzel ngayon? Napatingin si Stephen sa direction ko and he caught me staring at him. He winked at me then tinuloy niya ang pakikipag tawanan sa mga friends niya.


Nakakasuka naman yun.


After lunch, dumiretso muna ako sa comfort room. Nung nasa loob na ako ng cubicle, aksidente kong narinig ang paguusap nung dalawang babaeng nagpapakapalan ng make-up sa harap ng salamin.


"I pity her. Grabe, iyak siya nang iyak. Nandoon pa rin ata siya sa gym hanggang ngayon at nagmumukmok. Ayun na ata ang pinaka malalang pinaiyak ni Stephen---so far."


"Ang daming naka-witness, eh."


"Actually, I kinda expected it. Iniintay ko lang kung kailan. Knowing Stephen? Sus."

Operation: Break the Casanova's Heart (Editing)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!