Chapter One


NAOMI.


TWO WEEKS AGO.

It's Monday morning. Lutang ang isip ko habang naglalakad ako papapunta sa classroom namin. Kulang na kulang ako sa tulog dahil nag marathon na naman ako ng TV series.

Papasok na ako ng classroom naming nang biglang may bumangga sa aking babae.

"Look where you're going!" iritang sabi nung babae.

Wow! Ako ang nabangga! I should be the one saying that!

Tumingin ako dun sa babae at ready nang makipag gyera nang mapansin kong umiiyak siya. Tinalikuran niya ko at tumakbo papalayo.

Napabuntong-hininga ako dahil mukhang alam ko na ang nangyari.

Here we go again.

Pumasok ako sa loob ng classroom at doon sa gitna ng classroom, nakita ko na naman ang pinaka-nakaka-bwiset na lalaki sa balat nang lupa na pinaliligiran ng mga babae.

Si Stephen Cruz. Playboy. Casanova. Gwapo sa tingin nang nakakarami pero sa paningin ko, mukha siyang cassava cake.

Cassava cake = ang nagiisang cake na hindi ko gusto.

"Hindi mo ba hahabulin ang girlfriend mo?" tanong sa kanya ng isa naming kaklase.

"Ex-girlfriend," pag co-correct ni Stephen sa kanya. "Malaki na siya. Kaya na niya sarili niya."

Ang jerk. Bwiset.

"Anyway, are you free this weekend?" tanong ni Stephen doon sa girl. "Do you mind if I ask you on a date?"

Pucha. Kaka-break lang may niyayaya na agad. Ibang level ka tsong!

Naglakad ako papunta doon sa seat ko at padabog kong inilapag ang gamit ko. Napatingin sila nang bahagya sa akin but since masyado silang busy sa isa't-isa, hindi nila ako pinansin.

Operation: Break the Casanova's Heart (Editing)Free Stories You'll Love