45. Escaping the Evil Queen

60.4K 2.3K 320
                                    

Thank you for reading this story. The story is also available on www.dreame.com. You may download the Dreame App for more awesome stories.


The Keepers is also published by Psicom and the book is already out on all leading bookstores (National Book Store, Book Sale, Expressions, and Pandayan) nationwide. You may also order your copy via Shopee and Lazada.


***


Chapter 45- Escaping the Evil Queen

"Amber, jump!". That was the last sound I heard before Kaiser pulled me down. I felt the gravity of the earth pulling me afterwards. Parang buong kalamnan ko ay hinihila pababa ng isang mabigat na kadena at wala akong ibang pwedeng gawin kundi tumili.

"Babagsak tayo! Babagsak tayo! Ayoko pang mamatay! Hindi ko pa napapakasalan ang lalaking pinapangarap ko!" Malakas kong sigaw upang labanan ang takot at kaba na nagbubunguan sa aking dibdib.

Naramdaman ko namang hindi bumibitiw ang kamay ni Kaiser habang kami'y pabagsak na sa lupa. I felt his grip tighter as I scream. Napakalakas ng hampas ng malamig na hangin sa aking mukha at halos hindi ako makahinga ng normal dahil sa magkahalo-halong emosyon. I was breathing a chilling fog.

Hindi naglaon ay narinig kong pumito si Kaiser gamit ang kanyang dalawang daliri at bibig. Malakas ang pagpito nito na tila may tinatawag sa kung saan. "Hold me tight Amber."

"Huh? A-ano?"

Kinabig ako nito palapit sa katawan niya. Close. So close that I had hard time breathing. Saka ito nagsalita uli. "Mamamatay na tayo. Huwag ka nang maarte." Then I felt his deep breathing on my nape as he held me closer to his warm body.

Napapikit ako habang hinihintay ang pagsasalpukan ng patpatin kong katawan at ng lupa. Tiyak na sa sobrang taas ng tinalon namin, madudurog ang buong katawan ko pagbagsak ko sa lupa o sa bato o kung anumang naroon sa ibaba. Shocks! Mamamatay akong deformed ang katawan! Ililibing akong bali ang katawan o kaya'y nakahiwalay ang kamay at mga paa ko sa katawan ko. Ayokong mamatay na pangit!

"Amber! What are you afraid of?" Dinig kong bulong ng lalaki mula sa aking bumbunan.

"Honestly, ayokong mamatay na pangit ang itsura ko!" Singhal ko sabay habol sa aking paghinga.

Bahagya namang natawa si Kaiser. Nang lingunin ko siya'y nag-iba ang ekspresyon ng mukha nito. Mas naging maaliwalas ang mukha nito at mas nadagdagan ang kaguwapuhan.

"We're safe." Mahina nitong sabi as she held my hips highter.

Bago pa ako makapagsalita ay naramdaman ko ang bahagyang pagtigil ng pagbagsak namin sa lupa na parang lumutang kaming bigla sa ere. Kasunod no'n ay ang pag-usli ng aking kasuotan na parang hinahawakan ng isang malalaking kamay. May nakahawak saakin na siyang nagligtas saamin sa kamatayan. Halos mapatili ako nang makita kong bitbit na kami ng isang malaking puting kuwago. Its claws were gently wrapped around us.

"Silex?" mahina kong bulong. Nang tignan ko ng reaksyon ni Kaiser ay bigla itong bumaling sa ibang direksyon at halatang umiwas ng tingin. Hindi ito nagsalita man lang at nagpaliwanag.

Nararamdaman kong si Silex nga ang higanteng ibon na 'to. A-nong ginagawa niya dito at bakit biglang naging parang may kasunduan na sila ng prinsipe? Hindi ba't magkaaway sila?

"We're not yet safe. Siguradong hindi ito palalagpasin ng reyna at ng dark master. Hindi magiging madali ang lahat Amber lalo na sa'yo at kay Lara." lumingon uli ito sa direksyon ng tore at tila sinusuri kung nasundan kami. "I'll do everything in my power to protect you and my future."

The Keepers [TKS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon