TOTS 1

48.1K 543 64
                                        

one

Have you ever heard of a trophy boyfriend? Noong bata ako, hindi ko alam na may nag-e-exist na gano'ng bansag. Lumaki akong mag-isa, wala akong kapatid na lalaki at hindi rin ako nagkaroon ng mga malalalim na encounter sa mga kaklase kong lalaki.

I am not always fond of them, kahit naman ngayon. I don't hate them; I was just really not that interested. Siguro dahil din bata pa, hindi pa paghanga ang focus. Pero lahat ng iyon ay nagbago nang lumipat ako ng school ng high school.

Kumagat ulit ako sa mansanas habang walang ganang nakaharap sa malawak na field ng school. Katulad ng mga bored na estudyante ay nakaupo akong mag-isa sa bench, naka-ekis ang mga binti, suot-suot ang backpack, habang nanunuod ng mga naglalaro ng football.

Nanunuod ba ako? Hindi ko alam. Baka palusot ko lang 'yon para naman hindi ako awkward dito.

"Nice one, Wyatt!"

"Galing! 'Wag ka na mag-out ha? Para manalo tayo!"

In-apir ni Dan si Wyatt na pawis na pawis, tsaka ito tumakbo at bumalik sa laro. Pero imbis na si Dan ang sundan ko ng tingin, ay nanatili ito sa lalaking nakatayo sa 'di kalayuan ko. Parang nagpapahinga at hinahabol ang hininga. I stared at him for too long trying to examine him.

Nakapamewang ito at halos yumuko na sa pagod, his jet-black hair was already damped because of sweat, beads of it ran from his face down to his body. Face as white as paper, but his cheeks were pinkish, maybe because of the sun earlier. Lips parted because of loss of breath, and he crunched his high bridge nose because of that.

I looked down and his chest is already moving up and down. Halatang-halata 'yon dahil kumapit na ang gray na t-shirt nito sa katawan niya dahil sa pawis. Revealing the muscles and shape of his body, maliban sa magandang mukha ay maganda rin ang katawan nito.

I don't know if he goes to the gym, but his body is just good enough for his age. His muscles are in the right places, his biceps are bigger than those of my other classmates, and he's also a bit taller than they are.

Dahil hindi naman masyadong malayo sa akin, at hindi ko naman itinago ang pagtitig sa kanya, napalingon ito sa akin, naramdaman niya yata na may nakatingin sa kanya. Our eyes met, his deep, alluring eyes felt like it was staring into my soul, because of his prominent brow bone overshadowing his gaze.

Hindi ko siya pinupuri, sa dami ng sinabi kong magaganda sa kanya, tunog nga na pinupuri ko siya.

Pero iyon talaga ang description niya. He is famous for his strong and alluring visual. Nasa dugo ata nila, kaya marami ang nagkakagusto. Pero hindi lang siya sa pisikal anggat, dahil kung basehan lang ng talino ay hindi siya matatalo dito sa school namin.

He's also very famous when it comes to academics, always requested by the school to join quiz bees, mind contests, and even as our student president. And he does all that, like all at the same time; he excels in math, science, literature, and more. He is a genius, they say.

Mabilis din niyang iniwas ang tingin sa akin at tumakbo na pabalik para maglaro. He ran fast, and I noticed his shoes, nanlaki ang mata ko. Hindi ako mahilig sa sapatos, pero pamilyar iyon dahil bumili ng gano'n si Daddy last week. I think it's around fifty thousand?

At ano? Pinanglalaro niya lang? Pinangtatakbo sa field na marumi, pinangsisipa lang ng bola. Like he doesn't care if it gets ruin or what.

Pero hindi na rin nakakagulat 'yon. The whole school was aware that his family was rich. Like, rich-rich. They owned a car company that ships around the world. Hindi naman sikreto iyon, dahil pati ang background ng mga pinsan niya ay gano'n rin.

Trophy of the Sunsets | Tonjuarez Series IIMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon