Hindi ako mapakali sa puwesto ko. Panay ang kagat ko sa pang-ibabang labi habang nakatingin nakasarang pinto 'di kalayuan sa akin.
"Bakit hindi pa sila bumabalik?" mahinang tanong ko at naglakad na naman pabalik sa sofa kung saan ako nakaupo kanina. Maingat akong naupo at napahugot na lamang ng isang malalim na hininga. "Five minutes. Kapag wala pa sila, aalis na ako sa lugar na ito," sambit ko sa sarili at isinandal na lamang ang likod sa backrest ng sofa.
Abala ako kakatitig sa wall clock noong marinig ko ang pagdating ng sasakyan ni Stanley. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na tumayo sa kinauupuan ko. Akmang hahakbang na sana ako noong biglang bumukas ang pinto 'di kalayuan sa puwesto ko. Unang nakita ko si Lorenzo, seryoso at dere-deretsong naglakad papalapit sa akin.
"Si Stanley?" tanong ko noong hindi nakita ang lalaki. Mag-isa lang itong bumalik galing sa lakad nila! "Lorenzo, where's Stanley?" naalarmang tanong ko sa kanya.
"Kompleto iyong mga pinabili mo sa amin," anito at inabot sa akin at isang plastik bag na puno ng mga kailangan ko. "Hindi ako maaaring magtagal dito. Kailangan kong umuwi muna sa amin at baka pati ako ay pagduduhan nila."
"What?" gulong tanong ko. "What's happening out there, Lorenzo? Anong-"
"Mananatili ka sa lugar na ito hanggang sa maging maayos na ang lahat. Here, take this," seryosong sambit nito at may inabot sa aking isang cellphone. Wala sa sariling tinanggap iyon at muling tiningnan si Lorenzo. "Ito ang gamitin mo. Use this to contact us, me and Stanley. Huwag mo munang subukang i-contact ang pamilya mo. They're after you too. Alam ng daddy mo na buhay ka kaya naman mas makakabuting huwag mo muna itong kausapin para hindi ma-trace ang bahay na ito."
"So... my dad's fine," mahinang turan ko na siyang ikinatango naman ni Lorenzo sa akin.
"Yes, he's fine, Aurora. Kaya naman ay huwag mo na itong alalahanin pa. Mas mahalaga ngayon ang kaligtasan mo."
Napakunot naman ang noo ko sa narinig mula sa kanya. "What do you mean by that? Mas mahalaga ang kaligtasan ko? Paano nangyari iyon? Hindi ba target ng mga kalaban sila daddy?" Hindi agad sumagot si Lorenzo sa naging tanong ko kaya naman ay napaayos ako nang pagkakatayo sa harapan niya. "Why are they targeting me?"
"We have our own investigation regarding the situation, and we can't just conclude things without concrete evidence. For now, you stay here. Ligtas ka sa lugar na ito, Aurora." Napahigpit na lamang ang pagkakahawak ko sa cellphone at wala sa sariling napatango kay Lorenzo. Mayamaya lang ay nagpaalam na ito sa akin at umalis na sa safehouse na kinaroroonan ko ngayon.
Nanlulumo akong napaupong muli sa may sofa at inilapag sa mesa ang plastik bag at cellphone na ibinigay nito sa akin. I sighed and stared blanky at the wall in front of me.
Sa tono pa lang ng boses ni Lorenzo, mukhang hindi maganda ang nangyayari sa labas ngayon. But... my father's fine. Iyon ang mahalaga sa akin ngayon. If he's fine... then, I think I'll be fine too. Soon, maayos na rin niya ang gulong mayroon ngayon.
I sighed again.
"Mukhang matatagalan pa ako sa lugar na ito, ah." Napangiwi na lamang ako at tumayong muli. Dinampot ko ang plastik bag at nagsimula nang maglakad papunta sa kusina. Inilabas ko ang mga pagkaing binili ni Lorenzo at natigilan na lamang noong makita ang iba pa nitong pinamili. "Mabuti at binili nila ito kahit na wala ito sa listahang binigay ko sa kanila kanina," sambit ko at tiningnan ang personal hygiene kit na kasama sa mga pinamili nila Lorenzo at Stanley.
Stanley.
Bakit kaya hindi ito sumama pabalik dito? May nangyari ba sa kanya?
"Sana okay lang ang lalaking iyon," malungkot na wika ko at nagpatuloy na sa pag-aayos ng mga pinamili nila.
BINABASA MO ANG
The Beauty's Trap
ActionFairy Tale Series #3 Aurora Miracle Ynerez Acuesta's story. Started: December 01, 2021