#BGFAG

Gabriel's POV

"Oh my gosh! Ae, you are so cute talaga!" Belle said while hugging my cutiepatootie bebe.

Oh my momay! Parang mas natatalbugan pa ako ng baklang itech! Ugh! The Barbie should be the only one who's beautiful here!

"Yah, bitch. Ae is cute. Like a Chihuahua," sabi ni Jade sabay irap kay Ae. Hala! Anyareh sa kanya? Pansin ko lang ha, ang sungit niya palagi kay Ae bebe ko.

And Pleazze! My Gawd, this life! Hindi pa ata siya nasanay sa akin na kung ako o kung sino mang may dugong berde na gaganyanin niya or iirapan, war kung war ang peg namin niyan teh!

Nagpamewang ang aking Ae at nag flip ng kanyang buhok. "Jade, darlin' I know you are being a jerk to me because I know your secret,"

See? I told you so. Don't you dare start a fight with us, kasi wala naman kaming buhok na makakalbo if ever na magkakaroon ng fight.

But wait! Ano ang pinagsasabing secret ng cutiebebe ko?

Nako! Kinakabahan na ako kay Jade! Paano ba naman kasi, itong si Ae super siya kung makatuklas ng mga sikreto. As in! Kahit yung deepest and darkest secret mo na itinago mo sa baul ng deds na lola mo nahahanap at nalalaman niya!

"Wh-what secret? Excuse me no! Hindi kita friend para sabihan ng secret ko,"

Nag smirk lang sa kanya ang aking bebe at nagpatuloy na siya sa pag drink ng kanyang mango shake, totally ignoring her. Kaya naman walang nagawa si Jade na kulitin na lang si Gem na N.R. naman sa pinag-uusapan namin.

Tiningnan ko ang buong table namin. Nasa may upper right front portion kami ng canteen or should I say resto? Ewan ko teh, abnormal ang school namin. A restaurant within a university? What the eff right? Pero okay lang naman kasi may reason behind that. And that is, to serve as a training ground for HRM students.

Pero anyway highway, my way, along the way, wala pa ang aking dalawang pinakamamahal na mga papabebes na sila Justin at Kendrick. Where na kaya nagsuot ang mga gwapings na yun?

"Hey, isang taon ka na nakauwi sa Pilipinas, right? Hindi ka pa din sanay mag salita ulit ng tagalog?" Biglang singit sa usapan ni Belle. Teka nga lang, ewww much ang attire niya ah. Ang ganda kaya ng almost see through blouse niya kaso bakit may black leather jacket na nakapatong? Pauso si ateng?

"Konti. But I prefer to speak in English muna eh,"

Umismid si Jade. "Psh. Sabihin mo nagiinarte lang yang Chihuahua na yan."

Awwts naman why is Jade like that? Naaawa na ako kay Ae, feeling ko magiging bullied na siya forever.

Ang tagal na naman nilang magsagutan at bored na bored na ako sa away nila bago ko makita si fafa Ken sa may pinto ng resto. Hindi niya pa kami nakikita kaya at palingon-lingon kung saan-saan. Gosh, ang awkward ng tindig niya dun sa may pinto dahil hindi niya alam ang gagawin niya. Hihi! Si hunny Kenny my labs talaga!

I noticed too na madami na ang nakatingin sa kanya especially ang mga etchoserang froglets na girlalu. Siguro nagtataka sila kung sino ang gwapong boylalu na ditey since bawal ang outsiders inside Brent. Gusto ko silang belatan lahat. Che! Maglaway kayo ngayon! Naku dati pinagtatawanan niyo lang ah!

But hard as I ignore it, hindi lang ata yung mga etchoserang froglets ang naglalaway dahil O to the Em to the Gee! Ako din! Yung saliva ko kasi super kung tumulo! Nako naman kasi eh! Si fafa Ken, ang gwapo! Parang bad boy ang porma eh. Kahit naka simpleng white shirt lang siya and pants, OMYGOLLIBELS! Shet na malagkit pa din! Bakat ang korte ng katawan mga ateng! As in! The Abs baby! Ang masasabi ko lang habang no reaction pa din ang peg niya ng makita niya kami at nagsimula nang lumapit sa amin ay ...Oh, Fantastic baby!