Chapter 15

4.7K 202 90
                                    

Chapter 15

My attention was drawn to her lips, but her phone rang before I could move closer.

Napamulat kaming pareho at tumingin sa phone na nasa sa center console. Kukuhanin niya sana ito pero hinawakan ko siya sa batok at pumikit, tuluyan nang inilapat ang mga labi ko sa labi niya.

My heart was pounding in my chest. I started moving slowly until I could no longer contain myself.

Hinalikan niya ako pabalik. Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at kinagat ko ang ibabang labi niya.

I had never felt so nervous like this before.

She pushed me onto the headboard and bit my upper lip. Napasabunot ako sa kanya nang pumasok ang dila niya sa bibig ko.

We kissed under the stars and moon. Our lips parted, and we gasped for air, her forehead pressed against mine.

"Rain," I whispered almost inaudibly.

Pumasada ang hinlalaki niya sa ibabang labi ko bago siya tuluyang lumayo sa akin. Napalunok ako, hindi makapaniwala sa nangyari.

Matagal kaming napagitnaan ng katahimikan. Hindi ko alam kung paano ako kikilos.

"D-dito ka na matulog," nauutal kong sabi.

"I'm not drunk." Nilingon niya ako, pumasada ang tingin niya sa mukha ko at tumigil ito sa mga labi ko. "I need to go home."

Gusto kong sampalin ang sarili para siguraduhing hindi ako namamalikmata sa nakikita.

"Stop staring at me like that, or else I might have to ask for another kiss."

My cheeks turned hot due to her straightforward honesty. Lasing talaga ako dahil hindi ko rin mapigil ang mas bumilis na tibok ng puso ko.

Nanginginig ang kamay ko na binuksan ang pinto. "Ingat ka!"

Nagmamadali kong binuksan ang gate. Nasa porch pa sina Sol at Yan, nagliligpit ng mga gamit at kalat pero iniwan ko na sila.

Si Reika? Hindi ko alam kung nasaan.

"Akala ko sasama ka na kay Rain!" natatawang sigaw ni Sol sa akin.

Hindi ko siya pinansin. Paakyat ng hagdan ay nasalubong ko si Reika.

"Okay ka lang? Sobrang pula ng mukha mo." Hahawakan niya sana ang pisngi ko pero iniwasan ko siya at nilagpasan.

"Okay lang ako. Naparami lang ng inom." Nginitian ko siya. "Antok ka na? Tara na sa room."

Sumunod siya sa akin. Ramdam kong pinanonood niya ako habang inaayos ko ang kama.

"You and Rain seem to be very close."

Napatigil ako. Lumapit siya sa akin saka umupo sa kama.

"Mag-ingat ka sa babaeng 'yon. Lahat pwede niyang kunin sa 'yo."

Awkward akong ngumiti. "Mukha namang harmless si Rain. Saka ano'ng kukunin niya sa akin?"

"Kung kayo pa ni Benj, posibleng agawin niya sa 'yo si Benj."

Binalewala ko ang sinabi niya saka ipinagpatuloy ang pag-aayos ng higaan. "Ayokong pag-usapan si Benj. He's not worth my time."

Natahimik siya.

Inginuso ko ang kama pagkatapos ko itong ayusin. Aalis na ako pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

Nilingon ko siya.

"Can't you stay?"

Ngumiti ako. "Hindi tayo kasyang apat sa kama." Binawi ko ang kamay, saktong bumukas ang pinto.

Raindrops on Flowers (Muse Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon