Prologue

141K 1.5K 19
                                    

Nakakapagod na yung ganito. Sasayaw ka sa gabi. Mang-aaliw. Para bang ang pakiramdam ko ay ang dumi-dumi kong babae.

Iniisip lahat ng kapit bahay ko o ng ibang mga tao na isa akong pakawalang pokpok. Nagamit. Nababoy. Laspag. Salot. Kabit. Pero hindi nila alam na isa lang naman ang pinag-alayan ko ng pagkabirhen ko, kaso ang masakit sa lahat ay hindi ako mahal nito. Ginagamit lang ako para pagselosin iyong babaeng tunay niyang mahal.

Ang sakit lang.

Sabagay sino nga bang magmamahal sa isang katulad ko? Mahirap lang ako. Tagaaliw pa. Hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Madumi sa mata ng madaming tao.

Pabagsak akong humiga sa kama at napatitig sa kisame. Kung hindi ko lang kailangan ng pera para sa Nanay ko sa abroad. Haayy.

Baligtad noh? Kung sino ang nasa ibang bansa ayun ang pinadadalhan. Wala eh. Hindi pa siya ulit nakakahanap ng trabaho doon. Umalis kasi siya sa amo niya dahil pinagmamalupitan siya samantalang ang kapatid ko naman doon ay may sakit kaya kailangan ng pera.

Kaya nga ganito kinahahantungan ko ngayon eh. At wala sila ni kahit katiting na kaalam-alam sa nangyayari sa akin o kung saan galing ang perang pinapadala ko. Na hindi rin nila alam na pare-pareho lang kaming nagdurusa.

Napapitlag ako nang tumunog ang cellphone ko. Iphone na bigay NIYA. Para daw pagkailangan niya ako eh matatawagan niya ako agad at hindi kahiya-hiya sa harap ng iba kapag kasama niya ako.

Napabuntong hininga na lang ako at sinagot ang tawag ni Wage.

"Ano na namang kailangan mo? Alas dos na ng madaling araw oh. Putsa naman." pabalang kong sagot rito. Pagod ako at pakiramdam ko ay magmumukha na naman akong gago nito sa oras na puntahan ko siya.

"Pia, go to my condo. NOW!" at naputol na ang tawag sa kabilang linya. Napapikit na lamang ako ng mariin.

Pagod na pagod na ako! Gusto ko na lang magwala sa inis pero hindi ko ginawa. Masisira lang lalo ang gabi ko atsaka mapapagod lang ako.

Ano nga ba ang talagang deserve ko sa mundong ito? Hanggang kailan ba ako mabubuhay sa ganitong klaseng buhay? Hanggang kailan pa?

Lascivious Series #2: Playmates in Bed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon