"Elaine... Aren't you bothered that I only stay at home?"

Natigilan ako sa pagpili ng mga tinapay at napatingin sa kaniya. Seryosong nakatingin siya sa akin.

"Ano namang masama kung nasa bahay ka lang? Wala namang kaso sa akin," sabi ko na lang.

Napabuga siya ng hangin saka humawak sa batok niya. "Hmm... I'm aware that I could no longer work as an architect because of my criminal record. Kung makakapagtrabaho man ako, palihim ulit, pero ayoko nang ulitin 'yon. Right now, I'm still thinking of ways to earn money... Pwede rin naman gamitin ko ang pera ko para magpatayo ng business or architectural firm under your name."

Hinaplos ko ang braso niya. " Ikaw naman ang masusunod sa gusto mong gawin, Zamir. Kung gusto mong magtrabaho o magpatayo ng business, wala namang kaso sa'kin. Wala ring kaso sa'kin kahit house husband ka. Saka ano ba'ng masama ro'n? Hindi ka naman basta tumatambay lang. Ikaw ang nagluluto, nag-aasikaso kay Nathan at sa akin, naglalaba, naglilinis..." Yumakap ulit ako sa braso niya.

Wala naman talaga sa'kin iyon. Kahit pa may sabihin ang ibang tao, wala naman akong pakialam. Hindi naman kabawasan sa pagkalalaki niya ang pananatili sa bahay at pag-aasikaso roon.

Napangiti naman siya saka humalik sa noo ko. "I love you, Elaine."

"I love you too, mahal ko." Yumakap ako nang mahigpit sa kaniya.

Nagpatuloy na kami sa pag-iikot. Nagpaalam muna ako sa kaniya at nagtungo sa bilihan ng makeup. Abala pa kasi siya sa pamimili ng mga kailangan sa bahay, pati napkin na ginagamit ko, alam niya na rin at siya ang bumibili.

Pagkatapos kong mamili ng makeup, binalikan ko rin agad siya. Napataas ang kilay ko nang mapansin na may babaeng tumabi sa kaniya. Maganda ang babae... Mas lalong napataas ang kilay ko. Mukhang type pa yata niya si Zamir.

"Hi... You're so hot," nakangiting sabi ng babae sa kaniya.

Tumango si Zamir. "I know," tipid na sabi niya habang patuloy sa pagtingin ng mga kailangan naming stock sa bahay, tila walang pakialam sa babae.

Napakagat ako sa loob ng pisngi ko para magpigil ng tawa. Napaismid naman ang babae.

"Uhm, can I get your phone num—"

"No," agad na sinabi ni Zamir saka kumuha ng gatas para kay Nathan at inilagay 'yon sa cart.

Napatango-tango ako... very good, Zamir Castellon.

"Are you just playing hard to get or—"

"I'm married," sabi na lang ni Zamir saka agad nang itinulak ang cart sa kabilang section.

Napailing na lang ako. Married agad?

Napasinghap ang babae, tila napahiya. "Oh, sorry. I didn't know," sabi na lang ng babae saka agad ding umalis.

Napangiti na lang ako saka lumapit na kay Zamir. Napatingin siya agad sa'kin saka ngumiti. Humalik pa siya sa pisngi ko. "You're done buying makeup?" tanong niya.

Tumango ako. "Yup. By the way..." Ngumiti ako sa kaniya. "You're hot."

Natigilan siya sa biglang sinabi ko. Bahagya pang namula ang magkabilang tainga niya. Napangiti na lang ako dahil ibang iba ang reaksyon niya noong ako ang nagsabi sa kaniya no'n... Grabe, mahal na mahal niya talaga ako.

SIMULA nang dumating si Zamir sa buhay namin, wala na yatang araw na hindi kami masaya ni Nathan.

"Ingat ka sa trabaho, mahal ko... Ano palang gusto mong kainin mamayang gabi?" tanong ni Zamir saka sinuotan ako ng suit na siya mismo ang nagplantsa.

Flawed Series 1: Lost in His FireWhere stories live. Discover now