Chapter 14
Mahigpit akong napakapit sa edge ng dressing table. Inilapit niya ang mukha niya na nagdulot sa akin ng halu-halong pakiramdam. Para akong nahihilo sa bango ng hininga niya at sa kakarampot na distansya sa pagitan namin dalawa.
Her eyes lingered on my lips, and I closed my eyes.
Bigla akong napamulat at napaatras siya dahil may kumatok sa pinto. She cleared her throat and walked towards the door casually, as if nothing had happened.
Was she just about to kiss me?
"Miss Rain, ito na po 'yong susi na pinakuha n'yo," boses iyon ng isang babae.
"Thank you, Ate Jana."
Dinig ko ang muling pagsara ng pinto. Taranta kong hinanap ang bag ko, at nanginginig ang mga kamay na dinampot ito. Umupo ako sa kama dahil sa panghihina ng mga tuhod ko.
Kinuha niya ang bag niya sa kama. Hindi ko siya magawang tingnan.
"Let's go?"
Inunahan ko siya palabas ng kwarto. I was walking towards the door when a woman, who appeared to be a maid in her mid-30s, approached me.
Inabot nito sa akin ang brown paper bag pero kinuha ito ni Rain. "Thanks again."
Lumabas siya ng bahay. Sinundan ko siya sa malawak na parking lot. Namangha ako sa nakita pero hindi ko ipinahalata. Hindi ko mabilang ang luxury cars dito, pati na rin ang mga motorsiklo na lahat ay kulay itim.
Binuksan niya ang passenger door ng BMW VBX6. Nabasa ko ang model ng sasakyan sa likod nito.
Sumakay ako at isinara niya ang pinto. Pagkasakay niya ay napagitnaan ulit kami ng nakakabinging katahimikan.
May kinuha siya sa paper bag at iniabot ito sa akin.
"Hindi ako nauuhaw," sabi ko.
"You have a cut on your lower lip." Inilapit niya pa ang bottled water sa akin kaya napilitan na akong tanggapin ito. "You should drink more water."
Nag-init ang pisngi ko. Kinuha ko ang phone sa bag at tiningnan sa camera ang ibabang labi.
I closed my eyes and silently cursed myself.
Ibig sabihin ay hindi niya ako balak halikan kanina. Titingnan lang pala niya ang labi ko pero bakit ganoon kalapit? Bakit ako pumikit?
Binuksan ko ang bottled water at napainom dahil sa init ng mukha ko. Ini-start niya ang sasakyan.
Nakarating kami sa school na occupied ang isip ko ng maling akala. Naubos ko rin ang tubig.
Bubuksan ko na ang pinto nang hawakan niya ang kamay ko. Mabilis ko siyang hinarap.
"What?" I asked irritably.
Tumingin siya sa seatbelt ko at parang gusto ko na lang kainin ng lupa. She unbuckled my seatbelt, and I stepped out of the car.
Dinig ko ang pagsunod niya sa akin. I mentally cursed myself, wondering why in the world she would kiss me.
Pareho kaming babae!
Nakarating kami sa Nursing Building. Hinarap ko siya bago ako umakyat sa ikatlong palapag. "Thank you for last night. See you later!"
I was so consumed by shame that I did not even look at her.
Tinawag ako nila Sol at Yan papasok pa lang ng room. Napangiti ako nang makita si Reika.
Papasok na ako nang may humawak sa braso ko. Paglingon ko ay si Rain
