Napasinghap ako ng makitang nagbago ang kulay ng mga mata ni Sage. Ang kulay chocolatebrown na mga mata ay naging pula. Tila isang apoy na nagbabaga at kapag tiningnan ka'y mapapaso ka.

"Let's go! Kailangan kitang ilayo kay Sage."

Travis grab my wrist at wala akong nagawa kundi magpatianod na lang ako sa paghila n'ya.

"Sa kwarto mo tayo. Hindi roon makakapasok si Sage ng wala kang pahintulot. It's better to stay there until thw morning comes. I can't risk your safety, Arissa."

"Anong nangyayari Travis?"

"Ipapaliwanag ko kapag nasa kwarto mo na tayo. Sa ngayon, magmadali muna tayo. Hindi ka titigilan ni Sage, ngayon pa't natikman na n'ya ang dugo mo."

Naramdaman ko ang paghigpit ng kapit ni Travis sa palapulsuhan ko.

"Damn those two f*cking bast*rd! I'm sure I gonna reck their neck next time they touch what's mine."

Pinamulahan ako ng pisnge sa inusal nito.

Gag*! Hindi ito ang tamang oras para kiligin ka. Sa ngayon, ikalma mo muna.

Nang makarating kami sa tapat ng kwarto ay binuksan ko agad iyon at pumasok na. Akala ko'y kasunod ko si Travis pero hindi pala, kaya naman nilingon ko ito.

Nakasimangot ito sa akin.

Hindi ko alam kung tatawa ba ako o maku-cute-an sa ipinapakita n'yang ekpresyon.

Ang cute kasi eh.

Parang bata na hindi pinahiram ng paboritong laruan.

At ngayon ko lang naalala na kahinaan pala nila iyon. Kailangang imbitado muna sila sa pamamahay na nakapangalan sa iba, bago sila makapasok dito. At dahil nasa pangalan ko ang kwartong ito, hindi na ito parte ng pag-aari nila. Kaya naman kailangan muna nilang maimbitahan na pumasok , upang makatapak na nang tuluyan sa loob.

Bumalik ako at mahinang tumawa.

"Pasensya na, nakalimutan ko. You want to come in?"

"I'd love to." Sarkastikong sagot ni Travis na mas ikinatawa ko.

Na sana ay hindi na lang n'ya narinig dahil mas lalo lamang itong sumimangot.

Nakakatacute!

"So, ano na ngang nangyayari? Bakit kailangang ilayo ako kay Sage?"

"Bagong buwan ngayon kaya malakas ang pang-amoy namin sa dugo. Tumakas si Sage sa hacienda dahil na naamoy n'ya ang dugo mo. Hindi ko naman napansin ang pag-alis ng gag* dahil kailangan ko ring pakalmahin muna si Tyron. Napagalaman ko lang na naririto s'ya dahil sa pagtawag mo."

"Ganoon pala. Si Tyron, nasaan s'ya?"

"Hacienda."

"'Kung malakas ang pang-amoy n'yo sa dugo katulad ng sinabi mo, meaning sensitive rin kayo kapag nakaamoy at nakakita ng dugo. P-paano ka? Kasama mo ako."

"I think I can control my thirst. Or...."

"Not."

Sa pagsikat ng liwanag ng bilog na bilog na buwan sa nakabukas na bintana, ay s'ya ring pagbabago ng kulay ng mga mata ni Travis. At ang paglabas ng kanyang matitilog at matalas na pangil.

Thirst and lust is visible on his beautiful but dangerous eyes.

"Travis..."

Kung kanina kay Sage nakaramdam ako ng takot at pag-aalinlangan, pero bakit pagdating kay Travis ay hindi ako nakaramdam ng ganoon. Bagkus ay kumabog ng malakas ang dibdib ko, hindi dahil sa kaba, kundi dahil sa kakaibang pananabik na nararamdaman ko.

Contract with the Young Master ( CVS #1 ) Completed ✓Where stories live. Discover now