3 Months After...

Akira's POV

"OMG! Ang lamiiiiig." sabe ni Candy ng makalabas kami ng Airport.

Nakita ko namang inakbayan siya ni Lucas para di lamig. Tong dalawang to. Bumalik lang sila galing honeymoon e napaka sweet na.

"Sino ba susundo satin, Akira?" tanong ni Sully.

"Driver namin." sagot ko. Yes, nandito na kami sa Japan for our wedding photoshoot.

Marami ka ng makikitang snow dito. Living in the Philippines for years e, medyo di na nga ako sanay sa gantong temperature.

"Ma'am Akira." napatingin ako sa tumawag sakin. Yung driver namin.

Nang makalapit siya samin ay nagbow siya.

"Wow ah. Ganito talaga buhay mo dito no, Akira? Parang prinsesa." natutuwang sabe ni Candy. Napailing nalang ako.

"Not really." sagot ko.

"Paki pasok nalang ho yung mga bag sa van." sabe ko dun sa driver.

"Teka, tinagalog mo so ibig sabihin...." sabe ni Candy. I nodded.

"Guys, meet kuya Dan. Driver siya ng parents ko kapag nagste-stay dito. Siya din nagba-bantay ng bahay namin dito." sabe ko. Naghello naman sila kay kuya Dan.

Nagbow lang naman si kuya Dan as a sign of respect. Dito sa Japan, talagang ganyan.

Tinulungan nila KJ si kuya Dan na ipasok ang mga maleta sa Van. Kami namang tatlo e pumasok na.

Matapos nila ilagay lahat ng maleta, pumasok na rin sila at nagdrive na paalis si kuya Dan.

"Ma'am. Nasabe po ng mama niyo na ikakasal na kayo." nakangiting sabe ni kuya Dan. I smiled.

"Yeah. Si Jiro nga pala kuya. Fiance ko." pagpapakilala ko kay Jiro.

"Nako, ma'am. Di ba po siya din yun dati niyong kasintahan? Kayo po pala nagkatuluyan." sabe niya. I nodded.

"Masaya po ako para sa inyo. Congratulations po ma'am Akira at Sir Jiro." sabe niya.

"Thank you, kuya Dan." sabay naming sabe ni KJ.

Tumingin ako sa bintana. Nothing changed. Ganun parin kaganda ang Japan.

"Namiss mo?" bulong ni KJ. I nodded.

"Maraming memories dito." sabe ko. He sighed.

Ilang minuto lang e nakarating na din kami sa bahay ko.

"Ganda ng bahay niyo ah. Pero parang mas malaki parin yung nasa pinas." sabe ni Rain. I nodded.

"Di naman kasi malalaki ang bahay dito. Basta may sarili kang bahay, mayaman ka na." sabe ko. They nodded.

Tinulungan na nila ulet si Kuya Dan na ilabas ang mga maleta at ipasok sa bahay.

Umupo kami nila Candy at Sully sa sofa. Nakakapagod.

"Saan ba kwarto namin?" tanong ni Candy.

"May apat na kwarto dito. Isa sa baba at tatlo sa taas. Dun kami ni Jiro sa kwarto nila mama." sabe ko.

"E saan yung samin?" tanong ni Candy.

"Mamaya na. Pagaakyat na." sabe ko. Nagpout siya.

"Wooh! Kapagod." sabe ni Rain sabay upo sa sofa.

"Kuya Dan, kami na bahala dito. Magpahinga ka nalang muna." sabe ko.

"E ma'am di ho ba kayo nagugutom?" tanong ni kuya Dan.

Sweet DespairBasahin ang storyang ito ng LIBRE!