Chapter Two

7.6K 100 84
                                    

Gulat na gulat si MJ sa nakakakilabot na balitang narinig mula sa ina. Magkahalong takot at lungkot ang kanyang nadarama. "Si William ba talaga ang naka usap ko kagabi?", tanong ni MJ sa sarili. "Hindi! imposibleng patay na si William. Ang mahal kong si William patay at iniwan ako?", patuloy nyang tanong sa sarili.

"O, anak, alam kong masakit para sa iyo ang nangyari kay William. Alam ko kung gaano nyo ka mahal ang isa't isa at sa tagal ng pagsasama nyo anak, nakita ko naman kung papano ka nyang inalagaan at minahal.", wika ng ina sabay hawak sa kamay ng anak na natulala sa masakit na balitang narinig. 

"Paghahain nalang muna kita ng tinola habang mainit pa at ng magkalaman ang sikmura mo anak",  wika ni manang Lily. Tok! Tok! Biglang nanlaki ang mga mata ni MJ sa tunog na narinig. "Si William, mama andyan na si William! pagbuksan nyo po mama si William.", sabi ni MJ na magkahalong tuwa at kaba ang nararamdaman sa taong kumakatok sa labas ng kanyang kuwarto. Hindi na lamang  kumibo si manang Lily at binuksan na lamang nya ang pinto.

"Mam, magbibigay lang po ako ng gamot saglit", paalam ng nurse ky manang Lily na syang nagbukas ng pinto. "Sige, iha", sagot naman ni manang Lily. Bago paman makalapit sa kanya, tinanong ni MJ ang nurse na naka duty, "Nurse, yung nka duty ba kagabi ay on duty ulit mamaya?". "Ah, si Feb po? Opo, sya po ulit ang night shift mamaya maam. Bakit po?", balik na tanong ng nurse ky MJ. "Wala naman, may itatanong lang ako sa kanya mamaya kasi.", sabay pasalamat ni MJ. Binigyan ng nurse ng mga paalala si MJ pagkatapos nitong maiturok sa dextrose ang dalang gamot.

Nang makalabas na ang nurse, napa buntong hininga ang ina nyang si manang Lily. "Alam ko kung ano nasa isip mo anak. Yung nurse kagabi, yung sinabi mong pumasok habang andito ika mo si William, gusto mong sya mismo magsabi sa akin tungkol sa nakita nya kagabi, ano?", medyo naka simangot na sabi nya sa anak. "Oo mama. Alam ko pong  buhay pa talaga si William mama at siguradong sigurado ako na hindi isang multo  ang naka-usap at naka sama ko kagabi.", tugon ni MJ.

Pagkatapos mananghalian, maya- maya ay nakatulog ulit si MJ. Dahil na rin siguro sa sakit ng katawan, bukod pa ang bigat na kanyang nararamdaman sa masamang balitang dala ng mama nya.

Sabado. Alas 10- ng gabi.

Nagising si MJ dahil sa sobrang lamig ng kwarto. Madilim at tanging ilaw lang ng banyo ang naka sindi. Napalingon bigla si MJ sa isang silya sa may paanan ng kanyang kama. Kahit medyo madilim ay kita pa rin nyang may taong naka- upo dito. Nagsalita ito, "MJ, mahal ko. Pasensya kana at ngayon lang ako naka bisita ulit.", wika ni William. "William? Ikaw ba talaga yan, mahal ko?", sabi ni MJ sabay upo sa kanyang kama. Tumayo si William at lumapit kay MJ. Naka patay pa din ang mga ilaw kaya medyo madilim pa din ang paligid noong tumabi si William kay MJ. Niyakap nito ang nobya at hinalikan niya ito sa labi. Hindi na pumalag si MJ at niyakap na rin nito ang kanyang nobyo. Maya- maya nagsalita na si MJ, " Mahal, may sasabihin ako sa iyo. Sabi ni mama, patay ka na daw talaga mahal ko. Hindi ako nakakaramdam ng takot sayo William. Mahal kita William. Sabihin mo sa akin ang totoo. Kung patay kana at isa ka ng multo, sabihin mo sakin mahal ko. I deserve to know.", sabi ni MJ. Tinitigan ni William si MJ. "Hindi mo ba naaalala mahal?", wika ni William. "Ang alin William?", sagot ni MJ. "Nung araw na ma aksidente tayo, diba galing tayong simbahan?", patuloy ni William. "Ah, oo mahal.", sagot ni MJ habang inaalala ang mga pangyayari bago sila ma aksidente ng kanyang nobyo.


"Hindi ba pumunta tayo ng simbahan bandang hapon ng araw na iyon mahal ko?", simula ulit ni William. "Napakalungkot mo nung araw na iyon mahal ko, kaya nag desisyon tayong magsimba upang himingi ng gabay at lakas mula sa Kanya." Napa isip si MJ. Sinusubukan nyang maalala ang kinu-kwento ng nobyo pero wala. Hirap syang matandaan ang rason kung bakit sila pumunta ng simbahan o di kaya'y bakit sya malungkot nung araw na iyon. Napansin ni William na tila hindi maalala ni MJ ang mga pangyayari. Nagsalita ulit ito, "Hindi mo ba talaga maalala mahal ko?". " Hindi talaga William. Kahit anong pilit ko ay wala talaga akong maalala bago tayo maaksidente mahal.", sagot ni MJ sa nobyo. "Pero mahal, di mo pa rin sinasagot ang tanong ko kung isa kanang multo gaya ng sabi ni mama.", patuloy ni MJ. "Si mama Lily mo ang may itinatago mahal ko.", sambit ni William. "Ayaw ko sanang ipaalam sa iyo sa ganitong sitwasyon, pero si mama mo ang may itinatago mahal.", patuloy ni William. "Ano yun, William? Sabihin mo! deretsahin moko! Gulong- gulo na ang isip ko sa mga nangyayari sa palibot ko. Una, sabi ni mama at ni mang Conrad ay patay kana. Nakita ka raw ni mama na naka burol sa inyo William! At ngayon naman, sinasabi mong si mama ang may sekreto? Ano ba talaga?!", sigaw ni MJ sa nobyo. Nairita na rin si MJ dala na rin ng pagod at sakit ng ulo sa pag iisip sa mga bagay na nangyayari sa kanila.


"Mahal, kumalma ka muna. Baka mapano ka mahal ko.", sambit ni William sabay pag alalay sa nobya upang maihiga ulit ito sa kama. Kinuha ni William ang silya  at umupo ito sa gilid ng kama ni MJ. "Huwag ka sanang mabibigla mahal ko, pero sa tingin ko dapat mong malaman din ito.", patuloy ni William. Medyo kinakabahan si MJ sa sasabihin ng  Nobyo. Ano ba talaga ang sekreto ng mama niya at bakit hindi masagot ni William ng deretso kung isa na ba syang multo o hindi. "Nung araw na pumunta tayong simbahan mahal ko, halos buong araw kang umiiyak. Hinang hina kana noon kaya nag desisyon tayong magsimba.", kwento ni William. Tutok na tutok ni MJ ang bawat salitang lumabas sa bibig ng nobyo. "Ipinagdasal natin na sana ay bigyan ka ng Diyos ng lakas at tibay ng loob sa parating pang mga araw mahal.", patuloy ni William. Napansin ni William na blanko pa rin si MJ sa nais niyang ipaalam kaya nagpatuloy ito sa pagsasalita, " Diba, umaga nung araw na iyon, galing tayong morgi, at aayusin ang paglalagyan ng labi ng mama Lily mo." Nanlaki ang mga mata ni MJ. Nanlamig ang kanyang buong katawan sa narinig. Nag- flashback bigla lahat kay MJ ang mga pangyayari.

I  Love You, Now Rest In PeaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon