PBAP 15

4.2K 98 2

France Miller's Pov

It been 2 weeks since i was discharge at eto ako nasa Library nagrereview.

"Grabe friend merong babaeng nabuntis dun sa Batch ng HRM"

"Ang landi naman niya"

Yan ang lagi kong naririnig pero hinahayaan ko na lang kasi One Month na lang at next month Graduation na namin...

And i know they know that i'm the one who's the pregnant though.

March na march nakasweater ako, pero okay lang kasi aircon naman tong St. Luke University.....

Lumabas na ako ng Library kasi di ko na kaya yung mga naririnig ko.

"Malandi"

"Slut"

"Feeling innocent pero nag pabuntis"

Kainis! Sino ba ang nagkalat na buntis ako?! Aaargh!!! Ayoko na!!!

"Magna Cum Laude tapos Buntis"

"Such a slut"

Naiiyak na ako... Di ko na kaya! Argh!!! Ano ba naman toh..

"Ate France don't mind them" Sabi ni.... Shane kasama niya si Noemi.

"Ate France wag mo silang pakinggan, makakasama sayo yan" Sabi ni Noemi at hinila na lang ako ng dalawa at dun kami sa Fields..

"Ate Walangya talaga yung babaeng yun" Galit na saad ni Shane

"Huh? Bakit?" Tanong ko, sino namang babae yun?

"Si Lauren, Lauren Diamante. Kuya Jhake's one of his Flings" Sabi ni Noemi

So siya pala yun tumulak sa akin, kasi di naman ako lagi nakikita ng mga ibang Flings ni Jhake sadyang yung Lauren lang.

Napatingin ako kay Shane... Anlaki ng pinagbago.

Her loose curls has Color Blue on it, and her lips has a Lip Ring sa right side, he became more punk. She is called now the Punk Queen while Noemi the Punk Princess.

"Ate, don't look at me like that" Naiilang na sabi ni Shane.

"You're a Punk Queen" Sabi ko.

"Yeah, nasaakin yung trono na yun, hays" Sabi nito "Gutom ka na ba?" Tanong nito

Ngunit umiling ako kasi kakakain ko lang... Nagtaka naman ako kung asan si Grace "Shane, asan si Grace" Tanong ko.

"Si Ate, kasama si Ate Geordie pero sandali lang daw babalik rin sila, andyan si Kuya Jarred pwede mong puntahan, kasi sabi ni Ate Geordie pagmay kailangan ka at ayaw mong ipautos kay Kuya Jhake iutos mo na lang kay Kuya Jarred" Sagot ni Shane at inaya na ako maglakad.

Ako na ang pinaguusapan dito sa Campus na toh, lagi ko na lang naririnig sa kanila Nerd, Slut, feeling innocent, Slutty Bitch, dinaig ko pa daw yung mga babae sa Bar.
Nabuntis ako by accident di ko naman intensyon magpabuntis.

Buti na lang naka sweater ako at di masyado kita umbok ng tiyan ko.

"France" Jhake, "May class ka pa ba?"

"Dalawang subject na lang" Sabi ko at nilagpasan na lang siya, I don't blame Jhake kung bakit ako nabuntis kasi una sa lahat ako rin may kasalanan.

"Ate okay ka lang?" Punong pag aalala ni Shane "You look pale"

"Oo nga ate, pahinga ka muna sa clinic" Sabi ni Noemi.

"Hindi, Okay lang ako kaya ko pa naman toh, dalawang subject na lang tatapusin ko" Kaya ko naman e, hindi naman ako nahihilo

|From: Jhake|
After class see me at the parking lot

Ng makita ko text ni Jhake ay agad ko itinabi phone ko... Sana Graduation na para makapag pahinga na ako.

Lagi akong stress, pagod kaya minsan di ako nakakapasok.

******

Tapos na mga classes ko kaya tumungo ako sa Locker ko at kinuha yun ibang gamit ko na iuuwi ko.

Parking Lot.

Yeah pupunta pa ako dun.

Pagpunta ko sa parking lot nakita ko na kotse ni Jhake pero siya asan?

Nilibot ko yung parking lot para mahanap ko ng....

Sana hindi ko na lang siya sinipot dito.. Kung ganito lang makikita ko, ayoko na nasasaktan na ako, dun pa nga lang sa Condo niya lagi siyang nagdadala ng mga babae niya pati ba naman dito sa parking lot makikipag halikan, Argh! I Hate this Maniac!

Dali dali akong umalis sa parking lot at agad na pumara ng Taxi at dali daling sumakay.

Babalik na ako sa Condo ko, hindi naman niya alam kung saan ako nakatira kaya okay lang.

Baby, sinaktan na naman ako ng Daddy mo, not physically but emotionally Yes.

"Toh po" Sabi ko at dali dali lumabas, kailangan ko ng mag empake ayoko na sa Poder ni Jhake!

Habang nasa Elevator ako di ko naiwasan ang pagbuhos ng mga luha ko naguunahan ang mga luha ko.

Jhake, alam mo ng mahal kita bakit patuloy mo parin akong sinasaktan? Kahit ng madischarge ako ganito ka na naman nagdadala ng mga babae mo.... Bakit mo ko sinasaktan?

Ng bumukas yun elevator agad ako pumasok sa Unit niya at sa kwarto ko.

Kinuha ko yung mga bag ko at dali dali na nag ayos lahat as in lahat maliban sa cover ng mga kama di ko na inabala yun ang gusto ko lang ang umalis na dito.

6:01 pm palang naman sigurado na ako na mamaya na ang uwi nun.
Ng matapos akong mag empake nagluto muna ako ng makakain, kare kare lang ang niluto ko, medyo matagal din naluto, natapos na akong magluto, kumain narin ako pagkatapos kong kumain hinugasan ko lahat ng pinagkainan ko, nilagay ko sa isang Tupperware yun ulam para kay Jhake, at nag walis walis ako ng konti.

9:21 pm na ako natapos sa gawain ko.

Bitbit ko na yung mga bag ko at nasa pinto na ako nang bumukas ito at si Jhake ang iniluwa na lasing.

"Saan ka pupunta?" Lasing na lasing ito.

"Aalis na" Seryoso kong sagot dito.

"Hinde, hinde kaaalish!" Galit na ito.

"Jhake! Aalis na ako! Sa ayaw't gusto mo! Pagod na ako! Nasasaktan na ako!" Pigil na pigil ko yung mga luha ko ayokong umiyak sa harap niya

"Bakit?! Bakit ka nasasaktan?! France naman! Ayokong umalis kayo ng Anak ko" Sigaw nito.

"Anak mo?! Jhake naman! Wala kang anak sa akin kasi una sa lahat ayaw mo itong panagutan, kahit na responsibilidad mo toh!" Tuluyan na akong Naiyak

"Aalis kayo?! Ha?! Iiwan niyo ko?!" Sigaw nito.

"Oo! Aalis kami!"

"Sige umalis kayo!" Pagtataboy nito na mas lalong nagpasakit sa akin "If that's what you want! Go! Leave me"

Talagang aalis ako!

Umalis na ako sa unit nito ng luhaan....

Baby tayong dalawa na lang uli, tahimik na tayo wala na tayong maririnig na ungol ng iba..

**************

Ng madatnan ko Condo ko ay walang alikabok kasi di naman nakabukas yung mga bintana ko kaya wala akong lilinisin, namiss ko tong condo ko SOBRA.

"Ay, nakakamiss itong buhay mag-isa ulit" Sabi ko sabay salampak sa kama.

Na di ko namalayan na nakatulog na ko.

Pregnant By A PlayboyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!