43. Fake

62.5K 2.2K 111
                                    

Thank you for reading this story. The story is also available on www.dreame.com. You may download the Dreame App for more awesome stories.

The Keepers is also published by Psicom and the book is already out on all leading bookstores (National Book Store, Book Sale, Expressions, and Pandayan) nationwide. You may also order your copy via Shopee and Lazada.

***

Chapter 43- Fake

(Silex)

Tama ako nang masamyo ko siya kanina habang hawak ako ng dark master. Her scent. Her perfect scent that never failed to fascinate my senses was one of the clues that made me discover that the brave girl who was making a deal with the dark demon was Amber.

It was her duty. It was her clan's duty to protect, guide and fight for the bearer of hwy. Matagal na niyang nasabi 'yon saakin at tanging ako at siya lang ang nakakaalam na bahagi 'yon ng kanyang tungkulin bilang itinakdang gabay sa tagapagsilang ng cyfrin, si Lara.

I never expected it could lead to something even worse. Ang masaklap, hindi si Lara ang naging dahilan ng pagkakadakip niya kundi ako. She bargained with the demon. She tried to save my life. How could she make such dicisions without everyone's approval? Without my approval? Damn.

Wala akong karapatang magalit. Ang totoo'y sinisisi ko ang sarili ko kung bakit ko hinayaang talunin ako ng kahinaan ko at gapiin ng dark master. Hindi na sana niya ginawang magpanggap bilang si Lara kung hindi siya binalaan ng dark master na papatayin ako. There could have been better ways. Sana'y lumaban pa ako at napatagal pa ang bakbakan habang hinihintay si Master Uran. Damn! This is shit!

Napasuntok ako sa kamang kinahihigaan ko habang tulog na ang mga kapwa ko estudyanteng dinala sa healing house dahil sa malalang sugat na tinamo na kahit si Mistress Fhaun at ng ibang healer ay hindi na nalunasan. Ganoon daw talaga kapag galing sa isang tenebris ang tinamong sugat -matagal maghilom.

Hahanapin kita at ibabalik sa academy sa oras na gumaling ako. Bulong ng utak ko.

Hindi na ako makatulog simula ng magising ako. Naroon parin ang kirot sa buo kong katawan dahil sa pakikipaglaban sa mga tenebris. Naroon ang sakit pero mas masakit ang nangyari kay Amber. Magbabayad ang mga tenebris sa oras na may mangyaring masama kay Amber.

Nawalan uli ako ng ulirat. Isang malalkm na pagtulog na kaakibat ng magkakasunod na masamang panaginip.

Hindi ko alam kung ilang beses akong nagising at ilang beses akong nakatulog uli. Basta ang alam ko'y pasulpot-sulpot ang tulog at gising ko. Binabangungot ako at napapabalikwas ng 'di oras. Minsan naabutan kong nagbabantay saakin si Laurent. Minsa'y si Lara at ruru. Minsan nama'y si Laurent at si Tanya, ang mgaa kapwa ko initiates ng monceros, o kaya'y si Lara at si Alvis. Hiniling ko nga na sana naman paggising ko si Amber na ang makita ko pagbukas ng mga mata ko. Pero ilang beses akong nagising mula sa hindi ko mabilang na pagtulog at bangungot; walang Amber ang nakamasid saakin pagmulat ng mga mata ko. She's gone. It hurts that she's gone and it hurts me too much thinking that I can't do anything to bring her back.

Ilang gabi ng pananaghoy. Ilang pigil na paghikbi ang pinalipas ko. Pagkatapos ng mga araw na 'yon nakapagdesisyon na ako. Tatakas ako at hahanapin si Amber sa oras na maipon ko ang lakas ko. I swear.

(Amber)

Madilim. Malamig. Tahimik. Tanging ang liwanag ng hinog na buwan ang nagsisilbing ilaw sa madilim na lugar kung saan ako dinala ng mga tenebris. Tila nasa isang guwardiadong silid ako. Isang masikip na piitang ako lang ang naroon.

Hindi ko alam kung ilang araw na akong tulog. Napansin kong nasa anyong Lara parin ako. Hindi ko sigurado kung hanggang kailan tatagal ang bisa ng ininom kong potion. Sa oras na malaman ng mga tenebris na hindi ako ang tunay na Lara, katapusan ko na. Siguro'y sa isang pitik lang ng kamay ng dark master ay babawian na ako ng buhay at hindi ko na makikita ang mga kaibigan ko at ang pamilya ko. Kailangan kong makatakas. Kailangan kong makaalis dito bago pa mawala ang bisa ng copy potion. Pero sa papanong paraan? Ni hindi ko maigalaw ang aking mga binti ng maayos. Naghihina ako.

The Keepers [TKS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon