02/2019

280 39 22
                                    


__________________________________________

Photo

Captured with a high-quality camera. Erasme, hair casually tied up in a messy bun, sitting in front of a wooden table, completely engrossed in a book while holding a piece of fried chicken skin. The rays of the setting sun create a gentle halo around her. 

______________________________




Today. Ikaw. Abala kumain ng chicken skin habang nag-si-skim ng reading sa isang major subject mo. Hinahangin ng electric fan ang buhok, namumula pinsgi, at walang kamalay-malay na namomroblema ang kumuha ng litratong ito dahil sa Valentine's Day.

Pinoproblema ko talaga ngayon kung ano ang ibibigay o gagawin para sa 'yo sa araw na 'yon. Hay.

Last year, binigyan kita ng bulaklak na galing sa garden ng seminaryo. Alam ko na hindi ko na p'wede ulitin 'yon, kasi baka mahuli na 'ko ng hardinero namin. At isa pa, nasabi mo na rin noon na ayaw ng bulaklak. Ayaw mo dahil sayang sa pera, nalalanta lang... at hindi ka rin talaga mahilig sa bulaklak.

Tinanong ko na kanina si Ayn kung ano sa palagay niya ang gusto mo sa Valentine's kasi namomroblema na talaga ako. Wala na sa listahan ang bulaklak, e. Ang sabi niya lang sa 'kin, wala ka naman talagang gusto in particular—kahit nga raw daganan na lang kita, matutuwa ka na.

Kaya hindi na ako magtatanong kay Ayn kahit kailan.

Ano kaya talaga ang p'wede kong mairegalo sa 'yo sa 14? (Maliban sa sarili ko, siyempre. Gagalingan ko sa araw na 'yon.)

😔

LongingOnde histórias criam vida. Descubra agora