"I'm sorry, Lev. May emergency lang kasi kanina sa opisina kaya hindi ako nakapunta."

"Fine, but you have to treat me kasi hindi ka pumunta kanina," nakangisi niyang saad.

Umawang ang aking bibig dahil uutakan na naman ako nitong kapatid ko. Talaga naman. Pero wala akong magagawa kung iyon ang gusto ng kapatid ko. Mabuti na lang ay may natitira pa akong pera.

"But I'm with someone."

"And who is it?" Taas-kilay niyang tanong.

"My boss."

Kita ko ang gulat sa kan'yang mukha ngunit hindi na siya nagsalita pa kaya nagpatuloy na lang kami sa paglalakad.

Nang makarating kami sa parking lot ay nakita ko si Thunder na nakaupo sa hood ng kotse. Ang parehong kamay nito ay nasa kan'yang bulsa habang nakatingin sa mga estudyanteng nasa parking lot din. Halos lahat ng kababaihan ay nakatingin sa kan'ya ngunit siya ay parang walang pakialam sa gilid. Nakakunot pa ang noo nito kaya hindi ko maiwasan na mapatawa ng mahina. Parang naiinis siya na pinagtitinginan.

"Thunder..."

"Oh, you're here na," aniya at umayos na ng tayo bago tinignan si Levin na nasa aking likuran.

"Hi, I am Levin Harris Nicks Imperial. Levana's little brother," pakilala ni Levin.

Ito ang unang pagkakataon na makita ni Levin ang boss ko.

"I am your sister's boss. Thunder Razelle Ferrer," seryosong pakilala ni Thunder.

"Ate Levana didn't attend the meeting and she said there was an emergency in your company. You're her boss so technically, it's your fault why she didn't attend the meeting. Kailangan mong ilibre ako ng pagkain," saad ni Levin.

"Levin!"

Jusko! Ano ba itong hinihingi ng kapatid ko? Ang kapal ng mukha. Hindi naman makapal ang mukha ko at ganoon din ang mga magulang namin kaya kanino nagmana ang batang 'to?

"It's okay, Hera. He's right naman, it's my fault. Is that all you want, kiddo?" Tanong ni Thunder.

"Yes, that's all," sagot naman ni Levin na tila ba ay walang narinig sa pagtawag ko sa kan'yang pangalan.

"Wait, wait, wait. Lev, mahiya ka naman. He is my boss, you should give him respect."

"I said, it's okay, Hera. I like your brother. Magpapalakas na rin ako," nakangising sagot ni Thunder.

Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig sabihin noong huli niyang sinabi. Hindi na ako nakaangal pa nang bigla na lamang pumasok si Levin sa loob ng kotse ni Thunder. Mamaya nga ay babatukan ko si Levin pagkauwi. Kahit naiinis ay sumakay na lang din ako.

"Where do you want to eat, kiddo?" Tanong ni Thunder.

"Hmm, Mang Inasal para unli rice" simpleng sagot ni Levin.

Paborito niya ang Mang Inasal. Masarap daw kasi ang chilli oil do'n. Ako rin naman.

"Saan 'yon? Is that a luxury restaurant? I've never heard that before," kunot-noong tanong ni Thunder.

Levin laugh.

"Hindi iyon sikat na restaurant, Thunder. Pumunta na lang tayo sa mall, mayroon din 'yon doon."

Sumimangot siya ngunit hindi na rin umangal. Pagkarating sa mall ay agad kaming pumasok.

"Why aren't they using spoon and fork?" Mahinang tanong sa akin ni Thunder nang makapasok kami sa Mang Inasal at nakita ang mga taong kumakain.

"Ganito talaga rito, Kuya Thunder. Mas masarap magkamay," si Levin ang sumagot.

Hinila niya si Thunder sa bakanteng table kaya umorder na ako ng kakainin namin. Halos ilang minuto pa kaming naghintay para sa kakainin namin. Nasa tabi ko si Thunder at nasa harapan naman namin si Levin. Palinga-linga ito sa kan'yang paligid na tila ba ay nasisiyahan. Paanong hindi masisiyahan gayong libre 'to?

"Oh, here it is!" Masayang saad ni Levin.

Isinuot na namin ni Levin ang plastic gloves at nagsimulang kumain. Napansin kong hindi ginagalaw ni Thunder ang pagkain niya kaya lumingon ako rito. Nakatitig lang siya sa akin at kita ko ang saya sa kan'yang mukha.

"Bakit hindi ka pa kumakain? Masarap ang pagkain dito kaya kumain kana."

"I don't know how to kamay the foods," conyo niyang saad.

Natawa ako dahil para siyang bata dahil sa tanong niya. Kunsabagay, mayaman itong si Thunder kaya baka nga hindi siya marunong magkamay.

"Suotin mo iyang plastic gloves mo at tuturuan kita."

Sinunod naman niya ang sinabi ko kaya nagsimula na akong turuan siyang kumain.

"Baby, I really can't," mahina niyang reklamo dahil nahuhulog ang kanin kapag isinusubo niya.

"Here."

Inumang ko sa kan'yang bibig ang kanin sa aking kamay. Ngumiti siya na parang bata bago ito sininubo. Tumango-tango siya nang malasahan ang karneng manok.

"It's delicious," masaya niyang saad.

Nagpatuloy akong subuan siya dahil nga hindi marunong. Mayroon namang kutsara at tinidor pero umiling siya dahil mas gusto raw niyang sinusubuan ko siya. Para talagang bata.

"Ate, Kuya, sabihin niyo nga sa akin. May relasyon ba kayo?" Biglang tanong ni Levin nang makita kami na nagsusubuan.

"Levin! Ano ba iyang sinasabi mo? Wala kaming relasyon."

"Tigilan mo nga ako, Ate. Sekretarya ka, hindi taga-subo ng pagkain sa boss niya," katwiran niya at nagpatuloy lang sa pagkain.

Gusto ko na talaga siyang batukan ngunit pinigilan ko ang aking sarili.

Matapos naming kumain ay nag-aya na akong umuwi. Gusto pa nga sana ni Thunder na ipasyal kami ngunit pinigilan ko. Masyado na akong pagod para sa araw na ito at gusto ko na lang mahiga sa kama.

"Madilim ang langit, mukhang uulan pa yata," saad ni Levin kaya napatingin ako sa langit.

Tama siya, madilim nga at nagulat pa ako nang biglang kumulog at bumuhos ang malakas na ulan. Mabuti na lang ay malapit na kami sa bahay. Hindi kami nabasa.

"Mukhang hindi ka makakauwi sa inyo, Kuya. Malakas ang ulan," saad ni Levin nang makaupo sa sofa.

"Yeah, mukhang hindi nga," sabi ni Thunder at nakangising lumingon sa akin.

Ano'ng ibig sabihin ng tingin niyang iyan? Para siyang may binabalak na masama.

"Why are you looking at me like that?"

"Can I stay here?" Maamo niyang tanong habang nakatitig pa rin sa akin.

"What? You can't!"

"And why is that?" Tanong niya.

"Ate, pauuwiin mo talaga si Kuya kahit sobrang lakas ng ulan sa labas? Baka maaksidente siya. Isipin mo naman, nilibre niya tayo ng hapunan tapos pauuwiin mo lang kahit malakas ang ulan?" Pangongonsensya ni Levin.

Bumuntong-hininga muna ako bago tinitigan si Thunder na parang haring nakaupo sa sofa. Ngumisi siya sa akin na para bang sinasabi niyang panalo siya. Talagang kinampihan pa siya ng kapatid ko.

"Fine, you can stay here pero you have to go home first thing in the morning."

"Yes, boss."

*****

Hanse_Ferrer

Ferrer Series #2: Loving You, Secretly✓Where stories live. Discover now