Chapter 3

41 2 0
                                        

CHAPTER 3

"Woohooo! Go kuya Jomel! Bilisan mo pa!" tuwang-tuwang sigaw ni Charie Ann habang pinapanood ang mga kaklaseng naglalaban-laban.

"Sinisid, baka Jomel 'yan!" hiyaw ni Roxanne.

Unang round pa lang ng activity ngunit kitang-kita na nag-eenjoy ang lahat. Kaniya-kaniya nang cheer sa bawat grupo.

"Liane," lumingon-lingon si Ma'am Antonette at natagpuan ang basang-basa na si Liane, kanina pa kasi tapos ang grupo nito sa unang round.

"Bakit po Ma'am?" tugon nito. "Pakitignan mo nga muna sila, magbabanyo lang ako. Kapag natagalan simulan niyo na ang round two 'no, humihilab ang tiyan ko ay." sambit niya at nginitian ang dalaga.

Kaagad na tumango si Liane alam niyang bilang class president ay isa siya sa responsable para sa buong klase. "Sige po Ma'am,"

Tuluyan nang umalis si Ma'am Antonette para magtungo sa banyo. Ilang segundo pa lang ang nakakaraan nang matanaw ni Liane sila Maria at Edlyn na mukhang papasok din sa mansyon.

Kaagad siyang naglakad palapit sa dalawa. "Tapos na kayo sa first round?"

"Oo, magbabanyo lang kami." sagot ni Maria sakaniya.

Ngumiti siya sa dalawa bago hinayaan ang mga itong umalis.

"Ohhh feeling ko talaga kami na panalo rito!" malakas na sigaw ni Jomel habang binibilang ang mga gamit na nakuha ng grupo nila.

Hindi lahat nakasisid lalo na ang ilan sa mga babae ay may buwanang dalaw at ayaw ng mga itong lumusong sa tubig.

"Oy gagi tie lang tayong tatlo!" hiyaw ni Amor at nagtatalon sa tuwa.

"Sinong tie?" kaagad siyang lumapit sa mga kaklase.

Doon nalaman ni Liane na ang grupo niya, grupo nila Jomel, at kala Amor ang siyang pare-parehas ng dami ng nakuhang bagay.

"Aba, palaban ah." sambit niya.

"Simulan na ang round two!" sigaw ni Roxanne na siyang kagroup ni Amor.

Halos magsigawan ang mga kaklase niya dahil sa pagkasabik sa aktibidad na ginagawa nila.

They start the round two without Ma'am Antonette who's currently busy on something. Lahat sila a focus sa laro kahit ang mga grupong natalo na ay tutok na tutok sa mga grupong naglalaban pa rin.

And when the second round finally ended Jomel's group and Liane's group won again.

"Wooo 'di niyo kaya." pang-aasar ni Adrian kay Amor.

"Nayshii iniinggit ka oh, kung ako 'yan lulunurin ko na 'yan." sambit ni Jocelyn. "Mamaya sa'kin 'yan 'nak." sagot ni Amor na tinawanan lang ni Jocelyn.

"Alam kong pagod kana pres, pahinga kana." sambit ni Jomel dahilan upang matawa ang ilan sa mga nakarinig.

"Ay ginaganon ka pres oh, payag ka no'n." sambit ni Charie Ann dahilan upang matawa si Liane.

"Hindi 'te walang mapapagod sa pamilyang 'to." sagot ni Liane at muling natawa sa dahil sa sinabi.

"Hooo! Go Jomel kahit ang asim mo na!" sigaw ni Kathlyn na tinawanan nila Jomel.

"Oh anong round na?" lahat sila ay napalingon kay Ma'am Antonette na kadarating lang.

"Dinaya kami Ma'am! Sila nalang tuloy sa round three."

"Aba mga palaban ah, tinalo sila Amor." nakangiting sambit ni Ma'am.

Naupo si Jomel sa gilid ng pool habang tila pini-flex ang mala-tower na gawa. "Ay hindi para mandaya Ma'am, kitang-kita naman." bakas ang pabirong pagyayabang na sambit niya.

BLOCK B Where stories live. Discover now