*Psst* Notice anything different? 👀 Find out more about Wattpad's new look!

Learn More

Babala: Medyo SPG ang chapter na 'to. HAHAHAHA!

Special Chapter

Van is not Perverted Anymore?!

Kisha's POV

Lahat ay nagulat. Lahat ay nagtaka. Lahat ay hindi makapaniwala. Nagising na lang kami, isang araw, hindi na manyak si Van.

Pinagmamasdan ko si Van habang nakangiti at nagbabasa ng libro. Nakaupo siya sa aming kama. Nakasandal din siya sa headboard nito. Ilang beses na akong napapamura sa isip ko dahil matatapos na naman ang isang araw na wala siyang ginagawa o sinasabing kamanyakan. Magugunaw na ba ang mundo?! Ito na ba ang katapusan ng lahat?! O isa itong malaking himala?!

"Van," bulong ko. Tumabi ako sa kanya. Hinaplos ko ang kanyang dibdib. Tiningnan ko ang reaksyon niya pero hindi man lang niya inalis ang tingin niya sa binabasa niyang libro. "Pansinin mo naman ako."

Napanguso ako nang ngumiti lang siya sa 'kin. Mayamaya ay muli niyang ibinalik ang kanyang tingin sa libro. Ni hindi ko na napansin kung ano ba 'yong binabasa niya dahil nakafocus lang ako sa kanya. Ano ba kasing nangyayari?! Bakit biglang nawala ang kamanyakan ni Van?!

Hinila ko ang libro mula sa kanyang kamay at itinapon ito. Gulat naman siyang napatingin sa 'kin. 'Ayan, napansin mo din ako, sa wakas!

Napabuntong-hininga siya. "What's the problem, Kisha?" Malumanay ang kanyang boses na mas lalong nakadagdag sa iritasyon ko. Hindi dapat ganyan ang reaksiyon niya sa ginawa ko! Dapat ngayon ay pinaparusahan na niya ako ng yakap at halik dahil alam niyang kailangan ko ng atensiyon na nanggagaling sa kanya! Naiinis na ako! 'Nyeta!

"What's happening to you?! Bakit...b-bakit...'di ka na per--" Hindi ko na dinugtungan pa ang sasabihin ko. Tumayo na ako. Hindi ko na siya inantay pang makapagsalita at padabog akong lumabas ng pinto.

"That's fucking impossible." Ngumunguyang sabi ni Victoria. Nasa harapan niya ang isang bowl na punong-puno ng caramel flavored na popcorn. "Van? Nawala ang pagka pervert? Baka masyado ka lang praning."

Umakbay naman sa 'kin si Jullia. "Pero kung totoo nga ang sinasabi mong 'di na manyak si Van, 'di ba okay na din 'yon kasi hindi ka na maaaburido sa mga kamanyakan niya?"

Humalumbaba ako sa lamesa. "Nasanay na kasi ako sa mga perverted remarks niya araw-araw. Tapos 'yong mga gestures niya na kahit nakakairita, nagiging okay na din sa huli kasi nga sanay na ako. Hindi ko alam na hahanap-hanapin ko din pala 'yon."

Sa araw-araw, 'di mawawala ang kamanyakan ni Van pero ngayon wala na. Parang biglang tumahimik ang buhay ko.

"Your breast really looks good today, can I have a better look?" He wiggled his eyebrows.

Binato ko naman siya ng unan. "Shut up, perv!"

"Baka nag-iinarte lang si Van. 'Wag ka nang masyadong magpaapekto." Kumuha si Farrah ng popcorn mula sa bowl na nasa harapan ni Victoria.

Dumating naman si Jick. Imbis na kay Farrah dumeretso ay sa lamesa siya nagtungo para kumuha ng saging. Umupo siya sa tabi ni Farrah.

"Strange. Hindi ko naririnig ang SPG'ng bunganga ni Van." Kinagatan niya ang saging.

Napatingin ako sa saging na hawak ni Jick. Namimiss ko na ang saging ni Van--Ay, leche! Ano ba 'tong mga naiisip ko?! Ako na yata ang nagiging manyak ngayon!

"'Yon na nga ang inirereklamo ni Kisha. Nawala na yata ang kamanyakan ni Van." ani Farrah.

"You're so beautiful, Kisha. I think I won't use condom tonight."

The Perverted Vampire (PUBLISHED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!