TEASER

26.5K 506 28

Eh sa bored ako, at wala akong maisip na i-update sa ibang stories...kaya may bago na naman akong naisip...isn't amazing? isn't exciting? Wahahahahahaha! Yun lang, hindi ko alam kung matatapos ito. Gusto ko kasing isali ang sarili ko at ang ibang OP. Walang basagan ng trip! Salamat sa mga nag try gumawa ng cover.. ipo-post ko siya sa FB, saka dito pag hindi mahina ang wifi ng kapitbahay namin. About sa title, hindi pa final, wala lang talaga akong maisip. So, here it is, walang definite update, walang plano, corny na kung corny, cliche na kung cliche, pero ito ang gusto ko. Happy reading at happy typing sa akin! Wahahahahahhaha! Goodluck to myself!


******************************************************

Nababagot na sa kakahintay ng kanyang take si Keion Herrera kaya napagdiskitahan niya ang tablet ng kanyang PA/Driver na si Alken. Kanina pa siya naiirita sa notification sounds nito. Dahil walang password, nakita niyang hindi ito nakapag log-out sa Facebook account na siyang huling ginamit . Out of curiosity dahil sa dami ng naririnig niyang notifications, pinakialam niya ito. Nagulat siyang picture niya ang profile picture na ginamit nito at iba ang pangalan.

Ginagamit ba ng PA niya ang mga larawan niya sa Facebook? Nung hingan niya ng paliwanag ang binata, hindi niya akalaing may ganoon.

"So, isa kang artista sa Facebook? At ginagamit mo ang information ko?" Tanong nito.

"Hindi naman information Bossing, mga pictures mo lang. Bakla naman ang character na ito sa Wattpad."

"Bakla? Mukha ko ang ginagamit mo, pagkatapos bakla ako sa Facebook na yan?" Hindi siya makapaniwala.

"Bossing, fictional character lang naman sa Wattpad. Kunwari nag-eexist ang character na yun, may facebook account at nagrereply sa gustong makipag-usap sa kanya. Para feel na feel ng writer ang pagsusulat."

"I can't believe this. That is bullshit! Sino ba ang nagsulat niyan? Let me talk to him, wala siyang karapatang gamitin ang mga pictures ko!"

"Kalma naman, Bossing! Mawawalan na ako ng career bilang Elvin, sikat pa naman ako, Bossing, at nag-eenjoy ako lalo kapag naghihintay kung kailan matatapos ang taping mo. Makinig ka muna sa akin, Bosing. Ganito yun..."

"Please Bosing, marami namang gumagawa nito ngayon, tignan mo sa FB, maraming mga gumagamit ng pictures mo bilang sila. Ganito na lang, subukan mo, Boss, baka mag-enjoy ka. Masaya, nakakawala ng stress."

"That's insane. Pakisabi sa Director na hindi na ako magta-taping ngayon. Tatlong oras na akong naghihintay." Biglang nabuhay lalo ang inis niya.

Dali-daling tumalima si Alken, mahirap nang mapagbuntunan ng init ng ulo ng Boss niya.

Nung mawala sa paningin niya si Alken, Keion opened his facebook account. Napakunot noo siya nung may dalawang mensahe na lumabas, isa galing kay Kathryn na sinasabi nitong partner niya sa story, at isa galing sa nagsulat.

Dahil ayaw niyang masira ang araw niya dahil sa haba ng paghihintay, nireplayan niya ang dalawang mensahe. Agad namang sumagot ang kanyang kapartner pero hindi sa writer. Hindi niya namalayang nakabalik na si Alken kasama ng Director.

"I'm sorry, Keion, masyadong pa prima donna ang partner mo, you can go home ang take your rest now."

"Okay." Hindi siya tumitingin na sumagot, naagaw ng atensiyon niya ang pagsagot sa mensahe."

"Ah, Bossing, mukhang tablet ko yang gamit mo." Napakamot ang ulong sabi ni Alken.

"Oo, umuwi na tayo. Bakit ako pinapakanta nitong Kathryn ng Pen Pen De Sarapen na pang bakla? At itong writer, bakit hindi ako sinasagot?"

"Boss? Sumagot ka sa mga messages nila?" Sa sobrang gulat ay hindi mai-start ni Alken ang van na gamit nila.

"Oo. Pati sa group chat." Seryoso niyang sagot.

"Anong sinabi mo 'dun boss?" Halos pasigaw na ang tanong ni Alken, nakalimutan na niya kung sino ang kaharap niya."

"Humingi sila ng selfie." Nakapikit na sagot nito. Inilagay sa tabi ang hawag na tablet.

"Tapos?"

"I took one and I sent it to them."

"Ano?!"

"I also replied to the writer."

"Kay Catarina Naveen?"

"Oo, siya ang writer hindi ba?"

"Patay!" Halos himatayin na siya. "Boss! Tapos na ang pagiging artista ko sa facebook!"

Dear Mr. OperatorBasahin ang storyang ito ng LIBRE!