Chapter 21Rat Velaroza
"Ano'ng halaman?" tanong ng babaeng praning, halatang hindi mapakali.
Tinuro ko ang nasa paso na halaman pagkalabas namin ng elevator.
She frowned. Ang cute niya tingnan kapag naiirita—nakakatuwang asarin.
"Gusto kong may puntahan kasama ka," sabi niya, medyo seryoso.
"Saan?" tanong ko habang naglalakad patungo sa sasakyan para pagbuksan siya ng pinto.
"Santan," sagot niya sabay labas ng dila, para bang nagbibiro.
"Haha. Funny," sagot ko, sabay irap. Pero sa totoo lang, nakangiti ako sa loob ko.
Narinig ko lang kay Mice ang "Ha? Halaman?" o kaya "Ha? Hakdog?" na madalas niyang sinasabi sa mga tawag niya—na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung sino ang kausap niya. Pero dahil paulit-ulit ko iyong naririnig, napagaya na rin ako lalo na kapag mga lutang ang kausap.
"Oh, 'di ba? Nakakabwisit?" sabi niya, tumatawa pa rin.
"Psh, pasok na," sabi ko habang hawak pa rin ang pinto ng sasakyan. Sumakay siya, natatawa pa rin at halatang enjoy sa kalokohan niya.
Pagkapasok ko sa driver's seat, napatingin ako sa kanya habang sinisimulan ang makina ng sasakyan.
"Baka may gusto kang puntahan o pasyalan, just tell me," tanong ko, sakaling may iba siyang gusto bago umuwi.
"Wala naman, gusto ko na umuwi at magpahinga," sagot niya na medyo kalmado na.
"Okay," sabi ko, saka pinaandar ang sasakyan. Simple lang, pero ang saya niyang kasama kahit wala namang espesyal na ginagawa.
Pareho kami na gusto na rin magpahinga dahil aminado ako na napagod ako sa medical mission kanina. Mga anong oras na kami natapos kaya nga ngayon ko lang siya nasundo pero masaya naman ako nakapagbigay ngiti sa mga nagpuntang mga tao kanina. This is annual at taon-taon ginagawa ng HC. Pero ang makita ko siya matapos ng maghapon na nasa maayos na kalagayan ay parang napapawi ang pagod ko.
Pagdating namin sa unit ay sinalubong kami ni Taleng. As usual ay may nakahanda ng hapunan para sa amin. Pero si Cat ay dumeretso muna sa kwarto niya para yata magbihis. Ako ay parang dito na rin siguro magpalipas ng gabi. Pagod na rin ako upang umuwi sa mansyon.
Pagkapos magserve ng makakain namin si Taleng sa lamesa ay bumalik siya sa panonood sa salas. Mahilig talaga siyang manood ng K-drama.
"Hindi ka ba sasabay Taleng? Kumain ka na ba?" tanong ko sa kanya.
"Ay Ser! Opo, tapos na. Nasa exciting part na po ako ng pinapanood ko eh," sagot niya.
Nagsalin ako ng tubig baso at nakinood sa television. Mukhang sikat nga ang pinapanood niya dahil nakikita ko rin na pine-play ang K-drama na 'yan sa mga TV ng HC.
"Ayan na... Ayan na.... Lagot kang kabet ka!" Hindi maiwasang maisaboses ni Taleng.
Himala yata na tuwid siya magsalita ngayon. May crush siguro siya. Ganyan siya kapag may gustong lalaki. Tinutuwid ang dila.
Na-engross na din ako sa panonood dahil nga mahuhuli na nga ng bida na may kabit ang asawa niya. Pinakahawakan ko lang ang baso.
Nang buksan na nga ng bida ang cellphone ay bumungad nga sa screen non ang asawa at kabit nito. Napatili tuloy si Taleng.
Nailing naman ako. Pagkatingin ko sa gilid ko ay halos mapatalon ako sa gulat dahil nakatayo lang doon si Cat. Naka crossed-arms siyang nakikinood din pala ng K-drama.
BINABASA MO ANG
The Doctor Series 3: Reaching You
RomanceCat Villanueva is the Headnurse of HC Medical City at nabuntis siya ng kinaiinisan at mortal enemy na Doktor. Ito ay si Rat Velaroza, isang OB-GYN. Ayaw sa kanya magpa-prenatal check-up ni Cat. Kaya ang ginawa niya ay pina-blacklist niya ito sa la...