kabanata 3

676 17 2
                                    

⚠️🚨 trigger warning 🚨⚠️

Pagpapatuloy.....

Ang malakas natugtug na bumabalut sa loob ng silid ay walng tigil sa pagtugtug ngunit sa tatlong binata ay tila nabibingi sila sa mabilis na pagtibok ng kanilang puso.

Ang kaninang katawanan ,kakulitan at kakwentuhan lang nilang mga kaibigan ay ngayon ay wala nang buhay na nakabulagta sa harapan at likuran nila.

Lumandas ang malamig na ng butil ng kanilang pawis sa kanilang noo at namamasa narin ang kanilang palad .

Ang kaninalang na mainit na katawan ay ngayon ay naging malamig na ng bangkay.

Ang pailaw na kulay pula at asul na barabang nakikipagsayawan sa isat isa ay syang nagsisilbi nalang na ilaw ng silid ngunit kitang kuta nila ang dugo sa kanilang paanan.

Kalaunan ay naging tahimik ang boung silid ng itigil na ang tugtug.

Naging mabigat ang kanilang hininga ng lumapit ang isang bulto kubg saan sila na katayo.

Habang papalapit ito ng papalapit at nagiging malinaw na sa kanila ang kurba ng katawan ng umatake sa kanila at isa nga itong babae.

Ang mapulang mga mata nito na walang buhay na nakatingin sa kanila,ang buhok jito na hangabewang ang haba ,at ang pumukaw sa kanilang attention ay ang hawak nitong dalawang espada na nababalutan na ng pulang likido na alam nilang nang galing sa mga kaibigan nilang wala ng buhay..

"Ikaw!sino ka?!"kahit na takit man ay sinubukan parin bi Benji na tanongin ang kaharap na nila.

Kalmado lang itong nakatayo at hindi man lang natinag sa lakas ng boses nya.

At bakit namn sya matitinag kung alam naman nyang nagtatapang tapangan lang ito dahil kahit gaano kalakas ang boses nito ay halos mautal utal naito at garalgal ang boses.

Dahil sa pag aakalang makakalaban na sila dahil babae lang ang kaharap nila ay naging malakas ang loob nila at kinuha ang dalawang bote at binasag ito.

Hawak na nila ang hawakan ng bote at dahil sa pagkakabasag ng babang parte ng bote ay maari na nilang gamitin ito upang gamiting armas.

Naging malakas ang loob nila ngunit hindi rin nagtagal iyon nang biglang tumilapon sa gilid si Fred..tumama ang ulo nito sa pader na naging fahilan nang pagkawalan ng malay nya.

Salakas nag pagkakasipa ay rinig nila ang pagkadutog ng buto ni Fred na tumama sa pader.

Ang kaninang puting pader ay namantyahan agad ng pulang likido.

Agad na napaluhod si Miro dahil nawalan na sya ng lakas sa kanyang tuhod.

"I'm begging you,pls spare me!!" Umiiyak nyang pagmamakaawa.

Hindi na nya makaya pa ang lahat ng nakikita nya...at sa unang pagkakataon ay naramdaman nya ang takot at kawalan ng pag asa....

Alam nyang ganito rin ang naranasan ng mga naging biktima nila...kung noon ay natutuwa syang makita sila sa situation na kagaya nya ngayon...ngayon ay nagsisi na sya...sobrang hirap pati na ang huminga ng maayos...

Dahil ano mang oras na magkakamali sya nanggalaw o sasabihin alam nyang hindi malabong magaya sya sa mga wala ng buhay nyang mga kasama..

At dahil sa pag aakala na baka sakali na maawa ang walang awang taong kumitil ng buhay ng kanyang mga kaibigan ay kahit na labag sa kanyang loob ay sinubukan parin nyang magpakababa o magpakumbaba para lang sya ay mabuhay.

Akala lang pala nya iyon...nang marinig nya ang isang mahinang tawa nang galing sa bibig ng dalaga....ay alam nyang malabo ang kagustohan nya at ang kanyang inaakala.

Nakatakip ang kanyang kalahating mukha na ang tanging makikita lang ay ang kanyang mata.

Alam nya kung anong klaseng tawa ang pinapahatid nito sa kanya dahil kadalasan nila itong ginagawa sa mga nabiktima rin nila,na magmamakaawa ang mga ito na patakasin at huwag silang patayin ngunit sa huli ay mawawaln din sila ng buhay.

Napakuyom sya dahil sa kawalan nang pag asa,alam nyang malabong may makarinig sa kanila sa labas dahil soundproof ang napili nilang silid.

Habang si Benji ay napako na ito sa kanyang kinatatayuan ,hindi malaman kung ano ba ang dapat nyang gawin para maka survive.

Napayuko sya at napatitig sa kangang paa...wala na syang magagawa pa kundi ang magpakumbaba.

Gaya nang ginawa nang kaibigan nya ay lumuhod narin sya...

"N-agmamakaawa ako sau..pakawala-"

Hinfi na sya nabigyan pa nang pagkakataon na magsalita ng sumalungat ang isang malamig na boses..

"Choose one"

Agad na naiangat ni Benji ang kanyang ulo sa pagkakayoko at ganon narin si Miro,na kanina lang ay nawalan na nang pag asa..hindi sila makapaniwala sa kanilang narinig..kaya kahit na naiintindihan na nila ay nagtanong parin sila...

"What,what do you mean?" Utal na tanong ni Miro..

Lumandas ang pagkairita sa mata ng dalaga ngunit hinfi rin un nagtagal at bumalik rin ito sa dating walang emotion na tingin..

"Only One can survive and the rest will going to die."

Nagkatinginin ang dalawang magkaibigan

Napakuyum sila ng kamay at determinadong tumingin sa mata ng dalaga..

Ngunit ang dalawa ay mag kaiba ang iniisip na nagpagulat sa isa...

"Sure!" Benji

"No!" Miro

Magkasabay nilang sagot

Nanlaki ang mata ni Miro dahil sa sinagot ni Benji..

Si Benji na kaibigan nila papatayin sila!!! Nag apoy sa galit si Miro dahil sa makasariling sagot ni Benji.

Gusto nyang mabuhay ganon narin ang mga kaibigan nya ngunit dahil sa pangyayaring ito hindi nya malaman kung anong unang emotion na mararamdaman nya ,kung magagalit ba sya o matutuwa na malamang hindi pala tunay ang tingin na kaibigan sa kanila ni Benji...

Matalim na titig ang ipinukol nya sa kanyang taksil kaibigan,nag aapoy sagalit ang kanyang puso dahil lubos itong nasaktan sa pagkakalulu sa kanila ni Benji...

"Don't waste my time and move ..or no one of you will survive"

______________________________________
To be continued...

Edited:01/18/2023
Publish:01/20/2023

Anti Romantic Girl reincarnated to a Romance Book (18+)Where stories live. Discover now