"We're not close. Baka mamaya ma-expelled ako dahil sa nagawa ko." Tumaas ang aking kilay at umiling.



"What a mindset."



"Nasagot ko na ang tanong mo, maaari ka na ring tumigil sa paghalik mo sa akin." Inalis ko ang bulak sa ilong ko bago siya tiningnan.



"I won't do that. Hindi mo ako maaaring utusan, Ms. Ross."



"I'm straight."


"Me too."


"Baka kapag ipinagpatuloy mo ang bagay na 'yon pilitin kita na panagutan ako." I smiled at her.



"Then pananagutan kita."



"Babae ako at babae ka rin."



"So?" Natigilan naman siya. "Love has no gender."



Isa pa narinig ko siyang may kausap sa restroom kanina. May gusto siyang iba. ’Yon ang pagkakaintindi ko.


“She loves you too.”


Sino? ’Yong babaeng kausap niya sa grandstand? Straight? Gano’n ba ang straight?



Bakit affected?



I'm not affected. I hate liars.








FLAIR







Napalunok naman ako dahil sa sinabi niya. Ibang klase. Ano na naman bang tumatakbo sa utak niya? Baka kapag tumagal pa ang bagay na ’to, mas mahulog ang loob ko sa taong ito.


Umiwas ako ng tingin. Naiiling na tinalikuran ko siya. Nang malaman ko ang bagay na ’yon bigla na lamang akong nakaramdam ng sakit na hindi pamilyar sa akin.



"Natatakot ka ba?" Natigilan ako. "Natatakot ka ba na baka—"



"Hindi ako natatakot." Saad ko bago siya nilingunan. "Ayaw ko lang umasa." Natigilan siya. "I mean hindi ba’t may isang tao kang hinihintay? Ano na lang ang mararamdaman niya kapag nalaman niya o nakita ito? Isa pa magkaibigan tayo."



"We're not friends." Napaawang naman ang labi ko. "Kung mahalaga ako sa kanya bakit umalis siya ng hindi man lang nagpapaalam?"



"Paano kung may dahilan siya?" Napatikom ang kanyang bibig. "Siguro may dahilan siya. Bakit hindi mo siya hintayin?"



"Para saan pa?"



Napakuyom naman ako. Bakit ko ba nararamdaman ang bagay na ’to? Bakit nakakaramdan ako ng matinding guilt?




Dinambahan ako ni Hailey sa likuran kaya naman muntik na akong mapaluhod buti na lamang at napakapit ako kay Felix bilang alalay.



"Anyari sa ’yo? Natulog ka ba, Flair? Tingnan mo 'yang eyebags mo. Para ka tuloy panda d’yan." Inirapan ko siya.



"Hindi ako makatulog kagabi. Namamahay ata ako."



"Sabi ni President palit na ulit kami ng room. Nag away ba kayong dalawa?" Natigilan naman ako pero umiling din pagkalaan ng ilang minuto. "Eni-enjoy ko pa namang asarin si San Diego." Pinitik ni Felix ang noo niya. "Ouch!" Daing niya’t hinampas ang braso si Felix.



"May kasabihan ang matatanda na kung sino pa ’yong magkaaway noong kabataan niya 'yon daw ang magkakatuluyan." Ngumiwi si Hailey. "Kung baga the more you love the more you hate."


"Baka the more you hate, the more you love." Pagtatama ko naman.



"Binago na." Napailing naman ako.



"Kalokohan. Naniniwala ka sa mga gano’ng bagay? Hindi naman sana mabu-bwiset ’yang si San Diego kung hindi siya ang nauna." Nilapitan ako ni Hailey.



"Totoo ’yon. Ang mga grandparents ko doon siya nagsimula." Patuloy pa ni Franz.



"Ano ’yon enemies to lover? Nakakadiri ha." Aniya pa.



"Kapag talaga na-fall ka kay San Diego tatawanan kita. Gusto mo ba magpustahan tayo?" Humalukipkip naman ako. "Kapag nahulog ang loob mo sa kanya isang buwan akong kakain sa restaurant mo pero walang bayad."



"Tangina! Ang buraot mo naman." Natawa naman ako. "Sige, pero kapag hindi ako na-fall sa babaeng ’yon babasagin ko ang window glass ng kotse mo."




"Hoy, foul!"




"Deal! Felix, walang atrasan." Nilingon niya ako. "Ikaw sali ka?" Ngumisi naman ako.



"If you fall pakakasalan mo siya."



"Hoy, bet!" Pumalakpak si Felix. "I love you na talaga." Aniya bago ako niyakap ng mahigpit.



"Gago?" Hindi makapaniwalang saad niya."Pero sige pero kapag hindi ako na-fall hahalikan mo si Felix." Naglayo kami ni Felix at tumaas ang kilay ko.




"For real?" She nod.




"For real, Flair." Nagkatinginan kami ni Felix. "If you can't we can't —"


"Deal."


"Ayaw ko—" Hinawakan ko si Felix sa braso. "Yakk! Lumayo ka sa akin, makasalanan!" Itinulak niya ako pero may humigpit ang kapit ko.


"I bet you. Maf-fall ka sa kanya, Hailey. Hindi pa nabibigo ang instinct ko."





Sana ma-fall siya kay Sheana. Ayaw kong humalik ng bading. Parang awa mo na lord.





"Humanda ka Felix Franz."


_________________________________

:)

She Owns My Lips || (Completed) ||Where stories live. Discover now