Chapter 1

33 2 0
                                    

City lights. Gives me euphoria and assurance that I am safe and secure. It is very pleasing to the eye. A crowded place. It's what I needed, the noises! Being with people and socializing with them has been a lot easier than before. I never imagined living in this city before.




Overall, I love the city, especially at night when it is most alive. It feels like home.




"Kumusta ka naman dito anak?" tanong sa akin ni mama habang abala siya sa pag aayos ng mga gamit ko dito sa boarding house na titirhan ko hanggang makapagtapos ako.




Sinimulan kong e kwento sa kanya ang mga nangyari sa akin. It's been one week since I transferred in this place. Noong unang araw ko dito, abala lang ako sa pag aayos ng mga gamit ko. At sa mga sumunod na araw ay nag-ikot ako sa siyudad. Gustong-gusto ko gumala sa gabi dahil nakapaganda nito tuwing gabi ngunit kapag lumabas ako ng gabi, ako lang din ang mahihirapan umuwi.




I live here alone since my mom is working outside the city. Malayo din dito ang mga kamag-anak namin. Ang tanging malapit lang ay si Ate Cassia dahil dito niya itinayo ang kanyang business.




Nang matapos si Mama ayusin ang mga gamit ko ay napag-pasyahan naming kumain sa labas. Pinasyal ko din si Mama ng kaunti bago kami bumalik sa boarding house.




As expected, wala na si mama sa tabi ko pagkagising ko. Nag iwan lang siya ng note sa bedside table na maaga siyang umalis dahil may trabaho pa siya pero pinagluto niya na ako.




"Good morning!" I smiled at the lovely morning city view as I opened the curtains. It's so relaxing. Kaya sobrang bet ko din ang nakuha naming room dahil kapag binuksan ko ang kurtina ko sa umaga ay nakikita ko kaagad ang sunrise! tapos ang gaganda pa ng buildings kahit na medyo natatakpan ng mga kahoy.




Despite the fact that I enjoyed being here in the city, I couldn't deny the fact that I am missing my province life. Living in a simple yet elegant place. Province, my home town.




After breakfast, lumabas ako para mag grocery dahil kailangan kong mag-stock ng mga pagkain at iba pang pangangailangan ko dahil pasukan na sa lunes.
Nang makarating sa mall, dumiretso kaagad ako sa coffee shop to buy my go to drink which is the Iced Matcha Latte. Also my all time favorite!



Matapos ko mag grocery ay nag abang na ako ng taxi sa labas ng mall. Isa ito sa magiging problema ko kapag mag-aaral na ako. Wala kasi masyadong jeep dito, kung meron ay puno lalo na pag mag-gagabi na. Tapos yung taxi naman sobrang bigat sa bulsa! Ayaw ko namang maubos kaagad ang allowance ko.



Monday came at ramdam na ramdam ko ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Kinakabahan ako lalo na at wala akong kakilala. Inayos ko yung t-shirt ko bago ako naglakad papunta sa gate ng school. Wala pa akong uniform dahil bagohan pa lang ako kaya naka plain white t-shirt ako at maong na pants kasi ayon ang required suotion kapag wala pang uniform.




Mas lalo akong kinabahan nang hindi ko makita sa phone ko ang class schedule ko. Ayon kasi ang ipapakita para makapasok dahil wala pa kaming I.D.
Buti nalang naalala ko sinend ko iyon kay Mama sa messenger kaya may naipakita ako.




Napaawang ang labi ko nang makapasok. Ang ganda at ang laki nga ng B.U! Akala ko sa picture lang iyon.




Naglalakad-lakad ako kung saan, sinusubokang hanapin ang building ng SHS sa pamamagitan ng pag-iikot sa campus dahil mahaba pa naman ang oras ko pero di rin nagtagal ay may natagpuan akong grupo ng magkakaibigan na isang tingin mo pa lang ay alam mo ng madaling lapitan. Ni hindi sila nag dalawang isip na ituro sa akin kung saan matatagpuan ang Senior High na building.




Surf Through The WavesWhere stories live. Discover now