Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
***
GASTADORA GC
Mavs: HOY NAKITA KO YUNG REPLY NI NATHAN.
Isha: AKO RIN HUY!! @Andie papunta ka na ba sa kanila?
Andie: AHDLSGFKJSGFKGDGFDJF
Andie: Nginang buhay 'to, tumatawid ako sa kalsada tapos papakiligin ako nang ganun nung hayup?! 😫
Mavs: Bakla, what if crush ka rin niya? I mean kahit ako mapapa assume diyan. HAHAHA.
Isha Oo nga! Sinabihan kang blooming! Sabihan mo kaya na siya dahilan kung bakit? 🤣
Andie: Please lang wag niyo na i-ignite ang feelings ko baka di ako makapag turo nang maayos mamaya!
Isha: What if magka moment kayo mamaya? Lam mo yun, yung sabay niyo madadampot yung wire whisk. Or maglalagayan kayo ng chocolate sa mukha. Mag babatuhan ng harina.
Mavs: Shuta Isha kaka wattpad mo yan.
Andie: ISHA PARANG AWA HAHAHAHAHA. Pero huy kinakabahan ako. I comfort niyo ako please. Sabihan nyo ko ng relax, just be yourself, or kung ano mang words of encouragement.
Mavs: Huy wag. Wag munang be yourself. Baka ma-turn off siya.
Isha: Oo nga. Wag mo muna i-reveal ang baho mo. Tsaka na pag hulog na hulog na siya.
Mavs:
Panggap ka munang mabait at kamahal mahal ka.
Andie: SALAMAT SA ENCOURAGEMENT HA?
Mavs: HHAHAHAHA pero de jk. Galingan mo diyan. Sa pag babake at sa pang aakit.
Isha: Make sure he'll fall for u. Gusto ko nang mag suot ng bridesmaid gown!