Ika-limampu't walong Kabanata

Magsimula sa umpisa
                                    

"Magandang Umaga rin sayo Lily, kumain ka na mukhang nahuli ka ata ngayon" wika niya

"Oo nga po kuya eh, sige po kakain po muna ako" paalam ko sabay punta sa may harapan para kumuha ng pagkain.

Sa ilang araw na pagtuloy ko rito ay nakilala ko na ang mga staff ng resort, lahat sila mababait at sakanila ako nagtatanong tuwing lumalabas ako at pumapasyal sa mga tourist spot dito

"Lily Magandang Umaga! Wala kang pupuntahan ngayon?" Tanong ni Ate Karla, isa ring staff ng resort

"Gusto ko sana pumasyal ulit ate kaso wala na akong alam na pwedeng puntahan"

"NagSand Dunes ka na kahapon na isa noh? Saan kaya pwede?" Wika nito at nagisip pa kaya naman natawa ako.

"Sa Paoay Church nalang po ate bibisita po ako atsaka babalikan ko po yung Dragon fruit Ice cream"

"Ohsige mag-iingat ka ha" wika niya kaya napangiti ako.

"Lily sa Saud Beach di ka pa nakakapunta dun, naku maganda dun promise"

"Baka po last day ko na rito bukas kaya sige po puntahan ko po yan" wika ko.

-----------

"Ma'am turista lang po ba kayo rito? Parang pamilyar po kasi yung mukha niyo" wika ni kuya habang nagi-scoop ng ice cream.

Alas kwatro na ng hapon at kalalabas ko lang galing sa Paoay Church, pinili kong hapon na magpunta rito para hindi na gaanong mainit at maenjoy ko ang ganda ng view dito.

Kahit pala ilang beses kang paulit ulit na balikan, di ka nakakasawa.

"Opo kuya"

"Tama ikaw nga ata yun, kilala mo ba ang mga Marcos? Para kasing ikaw yung kasama nila nung Fiesta dito eh, yung sa Flash Mob" wika pa niya. Napalaki naman ang mata ko, naaalala niya?

"Ho?" Di makapaniwalang tanong ko.

Kinalkal nito ang bag niya at kinuha ang cellphone pagkatapos ay kinalikot ito.

"Diba ikaw ito?" Wika nito sabay pakita sa akin ng cellphone niya.

Nakita ko sa litrato na kasama ko sila Ms. Irene, Tito Bong, Tita Imee at isang batang maliit na kumakain ng Ice cream.

Naalala ko ito yung pagkatapos ng Flash Mob at pagod na pagod kaming sumayaw, pauwi na kami pero inaya kami ni Tita Imee na magice cream muna.

"Shhh kuya secret lang natin" pabirong wika ko

"Sabi ko na nga ba eh, ikaw ito. Bakit mag-isa ka ngayon? Bakit hindi mo sila kasama?" Natutuwa niyang wika

"Eh kasi ano po eh---"

Iniiwasan ko po sila.

"B-busy po sila, tama busy sila" sabay kamot ko sa ulo.

"Ganun ba? Pasensiya ka na ha, importante kasi itong litrato na ito sa akin eh kaya natandaan kita"

"Bakit po parang sobrang importante sainyo yung picture?"

"Eh kasi dahil sa picture na ito tuwang tuwa yung bunsong anak ko, hinahangaan niya kasi ang magkakapatid na Marcos kaya pinadevelop agad yung picture na yan"

"Talaga po? Nasaan na po yung anak niyo ngayon? Bakit hindi niyo po siya kasama?" Nawala ang ngiti sa labi ni kuya.

"M-may nasabi po ba akong masama?"

"Naku wala wala, pasensiya ka na namiss ko lang bigla yung anak ko. Maaga kasi siyang kinuha sa amin dahil sa sakit niya, for sure masaya siya ngayon na makita kang kumakain ulit ng Ice Cream na benta namin" wika niya at pilit na ngumiti.

Path of a Lost FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon