41. Rage at the Academy

63.8K 2.3K 211
                                    

"Bitaaaaaw!" malakas at nakabinging sigaw ng dark master sa aking utak. Nakikinita ko na ang panlilisik ng mga umaapoy nitong mata at ang paglalangitngit ng nanggigigil nitong mga ngiping nangingitim. "Bitawan mo ang babaeng 'yan ngayon din!"

Makapangyarihan ang utos na 'yon. Halos bumulwak sa dibdib ko ang natataranta kong puso. Alam ko na ang susunod niyang gagawin kapag hindi ko pa pinakawalan si Lara. Gigisingin nito ang natutulog kong halimaw sa braso na si Manya. Alam kong 'yon ang magiging susunod niyang hakbang para makuha si Lara. Si Manya, ang isa sa pinakamakapangyarihang tenebris at natatanging tenebris sa aking braso.

Pinigil ko ang panaghoy na namumutawi sa aking mga labi. "L-Lara. I'll keep you safe." Bulong ko kasabay ng panginginig ng buo kong katawan.

Limang segundo ang lumipas. Nagkaroon uli ng sariling buhay ang kanan kong braso. Tila may nga higanteng naghahabulan sa loob ng namimilipit kong kamay. Malamang ay nakikipagtunggali na naman ang mga mabuti kong summons sa makapangyarihang si Manya.

"Manya, ikaw na ang bahala sa kutong lupang may hawak sa sinumpang braso. Dalhin mo saakin ang babaeng Hearthopia." Narinig kong utos ng dark master. Napakalakas ng pagkakasabi nito. Halos mabasag ang aking bungo.

Naramdaman kong pumintig ang nga ugat sa aking braso. Nandoon na naman ang mainit na tila asidong dumadaloy sa aking ugat. Tila isang toneladang bakal na naman ang nakapatong sa kanan kong bisig. Shit! Gising na si Manya! Crap! No!

Narinig ko ang tawa ni Manya sa aking utak. Singlinaw at singlakas na gaya ng tawa niya noong keepers olympics. "Dark Master," tumawa uli ito. Nakakainsulto sa dark master ang pagatawa nito kung tutuusin. Nagpatuloy si Manya, "ang mahinang binatang may hawak ng sinumpang braso... Siya ang aking susundin. Sa kanya ako sumumpa at nangako ng katapatan sa oras na kailangan niya."

What? Sinuway ni Manya ang pinakamakapangyarihang demonyo ng Tenebris? Kahit kailan ay napaka-unpredictable talaga ni Manya. Kahit papano'y para akong nabunutan ng isang napakalaking tinik sa dibdib nang marinig kong saakin pumapanig ang isa sa pinakamakapangyarihang halimaw sa aking braso. S-salamat M-Manya. Nasambit ng isip ko ng di oras.

"Hmmmm. Huwag mo akong pasalamatan hangal. Hindi dito natatapos ang hidwaan nating dalawa. Alam mong kailangan kitang ipagtanggol dahil sumumpa ako sayo matapos mo akong gapiin kasama ng mga hunghang mong nga kaibigan. Ngayon sa oras na mamatay ka sa kamay ng dark master, mamamatay din ako at magbabayad ang kalukuwa mo saakin." Babala uli ni Manya bago bumalik sa lungga niya.

"Pagsisisihan mo ito Manya. At ikaw, sumumpa kang dadakpin mo ang babaeng Hearthopia kapalit ng kalayaan niyo ng kapatid mo. Ngayon, hindi mo talaga ibibigay saakin ang babaeng yan?" Anang dark master.

"Magkamatayan na. Hindi!" Matigas kong sabi habang mahigpit na yumakap sa tulog na si Lara.

Habang nagtatalo kami ng dark master ay mahimbing na nakapikit si Lara sa aking braso. Umikot ito at nag-iba ng posisyon. Yumakap ito saaking likuran at sumiksik sa aking leeg. Nag-init ang aking mga pisngi. Pinatong ko ang aking baba sa tuktok ng kanyang ulo habang mahigpit na nakayakap sa kanya kasabay ng paglipat-lipat ng aking tingin sa buong silid.

I won't let them take you... I promised. Naibulong ko.

I felt Lara's lips touched my neck. Napapikit ako at nagpigil. I didn't want to take advantage of her. I have an enormous respect that reciprocates my love for this girl. Napahaplos na lang ako sa buhok nito. I kissed the crown of her head and closed my eyes then hugged her tight.

Nagwawala parin sa utaknko ang dark master pero nilabanan ko 'yon ng buong lakas. I would risk everything just to protect her even if it would kill me.

The Keepers [TKS#1-Published Under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon