PBAP 12 part 2

3.7K 87 1

Nang imulat ko mata ko naibungad sa akin ay puti yep! Puro puti.

"Buti naman at gising ka na" Sabi ni..... Jhake?

Umupo ako kinapa kapa ko yung kama kung asa tabi ko yun bag ko, ngunit wala duon, "Bag ko?" Tanong ko.

"Wag ka muna umalis dito" Sabi niya.

"By the way, ano ba ginagawa ko dito?" Tanong ko bigla naman pumasok yung doktor? So asa ospital pala ako akala ko clinic ng University.

"Good Morning, buti naman at Nagising ka na" Sabi ni Doktora.

"Bakit ho pala ako andito?" Tanong ko.

"You lose conscious, nainom mo ba yung vitamins?" Oh shit! Di ako nakainom! "I guess di ka naka inom base sa mukha mo....France kailangan mong inumin two times a day yung gamot mo para sa health niyo ni Baby, at wag kang magpaka-stress dahil makakasama sa bata at kaya ka nawalan ng malay isa narin yun dahil mahina ang kapit ng bata kaya, iwas stress muna mommy a, and Daddy pakialala lang kay mommy ang pag inom ng vitamins niya" Explain ni Doc at nagpaalam na ito at naiwan kaming dalawa.

Walang may gustong bumasag ng katahimikan, kahit ako ayuko siyang kausapin..

"Bakit hindi mo ininom yung gamot mo?" Tanong nito na ikinalingon ko..

"Bakit ba?" pagtataray ko, pagkakaalam ko ayaw niya toh panagutan.

"France anak ko din--"

"Wow! Ngayon sinasabi mo na anak mo toh, kanina lang ayaw mo tong panagutan ah" Pasigaw kong sabi.

"Wag kang sumigaw France" Sabi nito na halatang irita.

"Hindi ako sumisigaw" Pag susungit ko

"Hihintayin na lang natin si Dr. Astorga kung pwede ka ng lumabas" Pag iiba ni Jhake..

"Bahala ka" Bulong ko at humiga na lang...at nanood na lang muna ng TV.

Tinignan ko kung anong oras na at what the?! 3pm?! Seriously?! Bakit ganun katagal natulog? 8 hours?!

"Seriously Jhake? Bakit 8 hours akong tulog?" Tanong ko.

"Aba't ewan ko? Katawan ko ba yan?" Sarcastic nitong sagot kaya inirapan ko na lang ito.

"Gusto ko ng umuwi" Sabi ko at niyakap yung isang unan "Ayoko dito, wala akong magawa"

"Mas gusto mo pang kumilos? Diba nga sabi ng Doktor bawal kang magpagod" Nag aalala ba ito?

"Nag aalala ka ba?" Tanong ko at nilapit ko mukha ko sa kanya.

"Hindi--"

"Ano pa nga ba maaasahan ko sayo" Di ko alam kung bakit bigla ako nagtampo

"Hinde---"

"Wag mo kong kausapin" Sabi ko na maiiyak na shit! Hormones stop na!

Tinalikuran ko siya at pilit na matulog at tagumpay naka tulog ako.

Pregnant By A PlayboyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!