Special Chapter

78.4K 940 47

Special Chapter

"Ano okay na ba kayo?" Tanong ni Mama pagkababa namin ng hagdan.

Nakahalata na sigurong may tampuhan kaming mag- asawa kanina.

"Halik lang pala ang katapat ng asawa ko Mama." Si Jack habang tatawa- tawa.

Hinampas ko nga ang walanghiya. Anong halik ang sinasabi niya! Loko talaga siya hindi na nahiya kay Mama! At tatawa- tawa pa.

"Naku, kayo talagang mga bata kayo. Kaya pala ngayon lang kayo bumaba eh." Sabi ni Mama.

"Ma!" Saway ko kay Mama. Nakakahiya kasi. Mabuti na lang at kami lang tatlo ang tao sa sala.

"Batang 'to. Mag- asawa na naman kayo eh." Sabi ni Mama.

"Oo nga naman Babe." Sang- ayon ni Jack.

"Isa ka pa, nakakainis." Sabi ko na lang habang nilalambing ako ni Jack.

Bigla namang dating ni Bianca. Si Bianca? Bakit siya nandito?

"Bestfriend! Hi Jack, hi Tita." Bati niya samin.

Gumanti naman kami ng bati kay Bianca.

"Bianca! Na- miss kita. Pero paano mo nalamang nandito ako?" Tanong ko nung matapos niya akong yakapin.

"Galing ako sa bahay niyo kaso wala namang tao kung hindi 'yung kasambahay niyo. Miss na rin kasi kita." Sabi niya.

"Sinabi ng kasambahay namin na nandito ako kina Mama?" Tanong ko.

"Tumawag si Zandro sakin at sinundo niya naman ako sa inyo." Sabi niya.

"Si Zandro?" Pagtataka ko. Tapos biglang pasok ni Zandro.

Napaubo ako. Tama ba itong naiisip ko? Sabagay ang tagal na naming hindi nagkakasama ni Bianca tapos busy pa kami ni Jack sa buhay namin. Hindi naman posible pero hindi ko talaga ine- expect na sila ni Zandro, close?

"Hoy Zayl! Alam ko 'yang nasa isip mo ha. Friends lang kami."

Bulong niya sakin.

Hindi na ako nag- react. May dala si Zandro at ipinatong sa mesa sa sala.

"Oo nga pala gumawa po ako ng baked macaroni para sa ating lahat." Nakangiting sabi ni Bianca.

"Naku salamat iha. Saglit lang at magpapakuha ako ng mga platito. Maupo na kayo diyan." Sabi ni Mama.

Kaming apat na lang ang nasa sala.

"Bagay kayo. Di ba Babe?" Sabi ko sa kanilang dalawa ni Bianca at Zandro at tumingin ako sa asawa ko.

Tumaas lang ang dalawang kilay ni Jack bilang pag- sang- ayon.

Wala kasing nagsa- salita. Nung tumabi kasi si Zandro kay Bianca ay umurong na yata ang dila ni Bianca. Pansin ko naman ang pamumula ni Bianca.

Bigla namang dating ni Papa.

"Anong meron?" Tanong ni Papa habang nakangiti.

Tumayo naman kami para mag- beso kay Papa.

Pero teka lang, bakit may dalang isang bungkos na mga bulaklak si Papa?

"Pa? Bakit may dala kayo niyan?" Tanong ko.

Kahit nahuhulaan ko na kung bakit.

"Mukhang madaming saksi sa panliligaw ko sa Mama mo." Sabi niya.

"Really? Okay na ba kayo?" Tanong ko. Sabi ko na nga ba.

Nakangiti lang si Papa.

"Diyan muna kayo. Puntahan ko lang si Lucy." Sabi ni Papa.

THE ONE NIGHT NEGOTIATIONBasahin ang storyang ito ng LIBRE!