Monster ♂ Chapter 45

Saturn's POV

Uuwi na ako sa Pilipinas sa isang araw. Hindi na nga ako makapag-intay. Gustong-gusto ko na siyang makita. Halos apat na taon na ang nakalipas pero medyo nagkakalabuan na kami minsan ni Chloe dahil nga madalas ay hindi nagkakatama ang schedule naming dalawa. Minsan naiinis na din ako sa kanya kasi kapag may time na akong makausap siya, siya naman ‘tong nawawala. At ngayon mahigpit isang Linggo ko na siyang hindi nakakausap.

Araw-araw ko siyang tinatawagan pero hindi ko talaga siya ma-contact. Nasubukan ko na ding i-contact ang barkada pero sabi nila ay okay naman daw si Chloe at tsaka hindi na naman daw sila madalas nagkikita-kita dahil nga busy din sila sa kani-kanilang buhay. Medyo kinakabahan ako. Hindi ko maintindihan pero parang may mali. Kaya naman gusto ko nang umuwi kaagad. Gagraduate lang ako tapos uuwi na ako kaagad para makadalo sa graduation ni Chloe. Sobrang miss ko na talaga siya, hindi na ako makapag-antay.

Kinuha ko ang aking cellphone at sinubukan ko ulit na tawagan si Chloe. Nagbabaka sakali pa rin akong makausap ko siya bago man lang ako umuwi.

Ini-dial ko ang number niya at ilang minuto na ang nakalipas pero walang sumasagot. Ring lang ito ng ring.

Napapikit na lang ako ng mariin at napahigpit ang hawak ko sa cellphone ko. Bakit ba hindi niya sinasagot? Ano bang ginagawa niya?

“Chloe, aswer me please.” bulong ko.

Pagkatapos ng paulit-ulit na pagtawag ko sa kanya ay sa wakas may sumagot na sa kabilang linya.

[Hello?]

Muli akong napapikit nang marinig ko ang boses niya. “Chloe, k-kamusta?”

Hindi ko mapigilang mapangiti. Sobrang bilis din ng tibok ng puso ko. Pagkatapos ng apat na taon na magkalayo kaming dalawa ay hindi pa rin nababago ang pagmamahal ko sa kanya. Parang nawala ang lahat ng inis ko sa nangyayari dahil sa simpleng ‘Hello’ lang niya.

[Huh? I'm sorry. Who's this?]

Biglang napawi ang ngiti sa labi ko. Naramdaman ko ang pagkirot ng puso ko pero mas pinili kong ikalma ang aking sarili. Paanong hindi niya ako nakilala? Sa boses ko pa lang—kinalimutan na ba niya? Napapikit na lang ako ng mariin. Syempre naman hindi. Paano niya ako makakalimutan? Baka sa sobrang dami niya lang ginagawa ay hindi na niya nakita ang screen ng cellphone niya.

“Chloe, si Saturn ‘to. Ilang Linggo lang tayong hindi nakakapag-usao, nakalimutan mo na kaagad ako?”

Sinubukan kong gawing magaan ang pakikipag-usap ko sa kanya at pilit kong itinago ang sakit na nararamdaman ko. Sana ako pa rin.

Matagal siyang hindi sumagot. Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa hanggang sa magsalita na siya. Sa boses niya pa lang ay halata kong gulat na gulat siya.

[A-Ah, Saturn! P-Pasensya ka na kung hindi ako nakakasagot sa mga tawag mo, ah? Busy lang talaga ako ngayon.]

Napabuntong-hininga na lamang ako. “It’s okay. Naiintindihan ko namang madami kang ginagawa.]

[I’m really sorry. Hayaan mo, babawi na lang ako—Mommy! Mommy! Who’s that? Si Dad ba ‘yan?]

Natigilan ako dahil sa isang boses ng batang lalake. Nagsimulang manginig ang kamay ko. M-Mommy? Did he just call Chloe his Mommy?

"W-Who's that kid Chloe?" kinakabahang tanong ko sa kanya.

[U-Umm, I need to go. I’m really sorry.]

Ibinaba na niya ang kabilang linya. Magtatanong pa sana ako pero hindi na ako nakaabot. Hindi ko alam kung anong iisipin ko. Sino ang batang tumawag sa kanya ng ‘Mommy’? At parang may isang bagay na tumama sa akin, is it possible na anak iyon ni Chloe? Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko at para makapag-isip ako ng maayos. Posible iyon dahil apat na taon kaming magkahiwalay. Pero alam kong hindi magagawa ni Chloe iyon sa akin. Nangako kami sa isa’t-isa na mag-aantay kaming dalawa. Magiging asawa ko pa siya, eh. Anong nangyayari?

He's a MonsterBasahin ang storyang ito ng LIBRE!