Chapter Thirty Five

58K 696 13

CHAPTER THIRTY FIVE

"Binyagan na natin." Sabi ni Jack.

Pabalik na kami ng Maynila at kasalukuyan kaming nasa biyahe.

"Ha? Puwede na ba nating binyagan ang nasa sinapupunan pa?" Pagbibiro ko kahit 'di ko pa rin siya ma- gets.

Ano bang sinasabi niya? Basta na lang siya bumanat ng ganun. He's so weird. Napansin kong napatawa siya.

"Ang bagong bahay." Sagot niya.

Anak ng! Akala ko kung ano na.

"Babe! Nakakainis ka, akala ko kung ano na." Sabi ko.

Kasura tatawa- tawa pa. Pero gusto ko 'yung idea niya. Haha joke.

"Babe, bukas na nga lang tayo lumipat. Sa condo muna tayo matulog ngayon." Sabi niya.

"Bakit?" Tanong ko.

Kasi akala ko gusto na niyang binyagan namin 'yung bigay ng parents niyang bahay. Hehe. Tapos biglang nagbago ng isip.

"Gusto mo na ba talagang lumipat?" Sabi niya habang tatawa- tawa.

"May sinabi ba ako? Akala ko lang kasi. Ewan ko sayo ang gulo mo." Sabi ko.

Hinawakan niya ang kamay ko.

"Ang sakit kasi ng katawan ko. Magpahinga muna tayo sa condo. Gusto ko ring magpahinga ka muna baka mapagod ka na kanina pa tayo bumabiyahe." Sabi niya.

"Okay." Sabi ko.

Pagkarating namin sa condo ay nagpahinga na nga kami. Pagkakain ay natulog na rin ng magkayakap.

Ang bilis ng araw, nakalipat na kami sa bagong bahay namin. Nakabalik na rin sa trabaho si Jack. Nag- hire kami ng kasambahay na makakasama ko habang nasa trabaho si Jack. Kukuha pa nga kami ng isa pa para kapag nanganak na ako ay may umalalay pa sakin.

TRICIA'S POV

First day sa work para sa panibagong posisyon. Simula na rin ang araw ng panggu- gulo ko sa mag- asawa. Napapangiti ako sa naiisip ko.

Bumaba na ako ng kotse at nagtungo na sa opisinang papasukan ko. Alam na kaya ni Jack na dito pa rin ako sa kompanya nila nagta- trabaho? Kung hindi pa, puwes ipapaalam ko.

"Oo ibigay mo na 'yan ngayon kay  Mr. Jack Santaniel." Sabi nung isa na kasalubong ko papasok ng opisina.

Napangiti ako. Ang pagkakataon nga naman.

"Excuse me, puwedeng ako na lang ang mag- abot niyan sa kanya?" Tanong ko sa kasalubong ko.

"Di ba ikaw 'yung secretary niya dati?" Sabi niya.

"Yes dati, kasi dito na ako ngayon, kasama niyo. I'm Tricia." Sabi ko.

"Ah ganun ba, sige salamat. I'm Liza. Sabihin mo na lang na ipinabibigay ni Miss Larosa." Pagpapakilala niya.

Mukhang marami pa siyang gustong itanong pero hindi na ako interesado sa mga itatanong niya kaya kinuha ko na 'yung mga papel na dadalhin kay Jack.

Ipinatong ko muna sa table ang mga gamit ko atsaka nagpunta kay Jack.

"Nandiyan na ba si Jack?" Tanong ko sa bagong secretary ni Jack. Medyo may edad na.

"I mean si Sir?" Sabi ko kasi nagtaka sa kawalang paggalang ko.

"Ah yes." Sabi niya.

"Ibibigay ko lang sa kanya 'to. Pakisabi galing kay Miss Larosa." Sabi ko.

"Ako na lang ang mag- aabot." Sabi nung secretary.

"Hindi puwede. I mean, may kailangan kasi akong i- explain sa kanya." Pagdadahilan ko.

THE ONE NIGHT NEGOTIATIONBasahin ang storyang ito ng LIBRE!