Chapter 11

4.2K 196 60
                                    

Chapter 11

I was still holding her when I came up with a bright idea. Hinigit ko siya sa kama at lihim na napangiti dahil nagpatangay siya sa akin.

I tapped the bed, and she sat beside me with an exasperated sigh. Humarap ako sa kanya.

"Dahil sinabi mo kay Mama na nagka-cutting ako at sinabihan mo rin ako na mag-focus pag-aaral, bakit hindi mo ako tulungan? Let's be study buddies."

"I don't want to."

Napabuga ako ng hangin saka muling hinawakan ang braso niya. "Dali na. Balita ko matalino ka."

Nilingon niya ako. "What you heard is simply a rumor."

Dinalawang kamay ko ang hawak ko sa kanya. "Please? Tina-try ko naman mag-aral mabuti, pero mismong mga libro at lessons na talaga ang sumusuko sa akin."

"Nothing in life is free. What do I get in return?"

Hindi ko ipinahalata ang pagkamangha sa sinabi niya.

Smart, indeed.

"You name it." Hindi ko matagalan ang tingin niya kaya nag-iwas na ako at binitiwan siya. "Hindi ako genie, pero bibigyan kita ng three wishes."

Nang hindi siya sumagot ay muli kong ibinalik ang tingin sa kanya.

"You're acting like a child."

"Please?" I begged with a pout.

"No."

"Okay." Ibinagsak ko ang katawan sa kama at ipinikit ang mga mata.

Akmang tatayo siya pero mabilis kong hinablot muli ang braso niya.

"'Wag mo nang tangkain umalis. Malalagot ako kay Mama."

"Do you think I care if your mom gets mad at you?"

Umiling ako. Kahit hindi ko buksan ang mga mata ay alam kong naiinis siya sa akin. "Just stay. Please?"

Hindi siya sumagot. Nagmulat ako at nahuli ko siyang titig na titig sa akin. Clearing her throat, she quickly looked away.

Bumangon ako at sinilip ang mukha niya. "You'll stay, right?"

Tumayo siya at lumapit sa bintana. Binuksan niya ito. Batid ko na tila na rin ang ulan dahil malamig ang pumapasok na hangin dito sa kwarto.

"You're so annoying," she commented.

Tumayo ako at tinabihan siya. Kumawala ang ngiti sa mga labi ko. "I know."

"Just go to bed. It's cold here."

The view outside my window was what I liked most about this house. Malaya kong napagmamasdan dito ang buwan at mga bituwin. Sa ngayon ay dilim lang ang makikita sa langit pero ganoon pa rin ito sa paningin ko, maganda pa rin.

"Thank you!"

Ramdam ko ang paglingon niya sa akin.

"For what?"

"For everything you've done for me."

There was a long silence between us. I looked at her, and she was staring at the sky.

"I didn't do anything," she almost whispered.

Ngumiti ako at muling ibinalik ang tingin sa langit. Nakakalma ako nito sa tuwing gulung-gulo ang isip ko.

"I'm sleepy." Iniwan niya ako at lumapit siya sa kama. Lumibot ang tingin niya sa kwarto, mukhang may hinahanap.

"Rain?"

Raindrops on Flowers (Muse Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon