Her body is shaking, her lungs wants to give up, even her eyes started to see blurred background. Panay ang pikit ni Belle habang inaabangan ang kanyang sarili na mamatay na lamang. Paunti-unting lumalabo ang kanyang mata hanggang sa mapansin ang isang anino ng tao na papalapit sa kanya. She wants to resist pero heto at tuluyang nagdilim ang paningin ni Belle.

    “Frank… until my last breath… I love you.”

    ******

    Two weeks later.

Hindi pa rin gumising si Franklin habang si Charm ay kahit paano ay unti-unting nakakabawi ang katawan mula sa trahedya.

    “Ma? Nasaan si Papa?” tanong ni Charm kay Manang Karing.

    “Nagpaalam siya sa akin, inaasikaso niya ang n—nangyari. Ang sabi ko si Gael na lang para sana mabantayan niya ang kondisyon ni Jaica.”

    “Si Belle?” tanong ni Charm.

    Yumuko si Manang Karing hanggang sa lumuha na lamang ito. “She’s dead.”

    Umiling si Charm at tinakpan ang bibig. Napatingin siya sa payapang pagkakahiga ni Franklin. Muli niyang ibinalik ang paningin sa kanyang ina at hinawakan ang kamay nito.

    “Sigurado ba? Ma, ikamamatay ni sir… hindi niya kaya kung mawawala si Belle," wika ni Charm pagkatapos ay tumingin kay Gael.

    Biglang nagsalita si Gael. “Wala akong magagawa… iyon ang sinabi ng mga tauhan ni sir. Abo na lamang siya habang ang engagement ring nila ni Sir Frank ang nandoon kung saan daw siya huling nakita. Hindi ko rin alam kung siya mismo ang pumatay kay Joseph," tugon ni Gael pagkatapos ay pinunasan ang luha nito sa kanyang mga mata.

    “Wala rin akong alam sa nangyari. Si Jaica? Kumusta siya?" Tanong ni Charm.

Mas lalong umagos ang luha sa mga mata ni Garl bago ito tuluyang makapagsalita. "She—she's still in comatose. I don't know when she will wake up. Ang panalangin ko lang na hindi siya maparalisa dahil  sa malubhang tama ng baril."

Nanatiling tahimik ang lahat hanggang sa marinig nila ang mahinang ungol ng amo.

"Uggh," he groaned. Pilit niyang ginalaw ang daliri hanggang sa marinig na nila itong magsalita. "Belle… Belle."

"Sir, be careful. Hindi pa po kayo masyadong okay," pagpigil ni Gael.

"Belle, where is she?" Tanong ni Franklin hanggang sa mabuksan niya ang mga mata.

Ang makinis niyang braso ay nadaplisan o nagkaroon ng lapnos mula sa pagsabog. Mabuti na lamang ay naiwas ang kanyang mukha kung hindi, siguradong matutulad siya kay Henry at Tristan. "I said! Where is she?! I saw her in my dreams! She's running! Please, I wanna see her!"

Biglang tumalikod si Manang Karing at sinimulan na umiyak. Hindi niya napigilan ang labis na lungkot dahil hindi nila alam kung paano sisimulan na sabihin kay Franklin ang pagkawala ni Belle.

Nang dahil sa ginawa ni Manang Karing, mabilis  ang mga mata ni Franklin at nakita niya ito.

"Why—why are you crying? Tell me! Huwag niyong itago sa akin!" Sigaw ni Franklin kaya mas lalong kinabahan si Charm pati na rin si Gael.

"She's dead…" mahinang sinabi ni Gael.

"No? That's impossible."

"She's dead, confirmed  by our men," tugon ni Gael pagkatapos ay lumabas upang kunin ang natirang ala-ala kay Belle.

Hindi alam ni Franklin kung paano siya kikilos hanggang sa makalapit si Gael at inabot ang isang plastik. It was her ring, her last memory. Paunti-unti itong nilukot ni Franklin hanggang sa hinatak niya ang dextrose. "No! No! She's alive! She's fucking alive! Hindi pwede!"

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin