Chapter 12

1.5K 61 1
                                    

Enjoy po :)

--Mimi's POV--

"A-ahhm, K-kauro, pwede mo naman akong hindi samahan kung ayaw mo, I won't tell them.." Kasalukuyan kaming bumababa sa hagdanan habang sinasabi ko sa kaniya yan, nauuna lang siya ng konti saakin. Ayokong mapagod si Kauro dahil lang sa nagpasama ako sa kaniya..

"Stop. How many times did I told you that, it's okay! Hindi ka ba makaintindi O kailangan pang sinisigawan ka bago mo maintindihan!?" O-okay.. Sabi ko nga.. Nanahimik na lang ako baka ano pang masabi niya saakin eh.

"S-sige.." Yan na lang ang sagot ko T^T

Papasok na sana ako sa Backseat nang magreklamo siya..
"Hoy, what do you think of me?? Your driver!?" Sigaw ni Kauro..

"N-no.. I thought you don't want me to sit next t-to you." Pagpapaliwanag ko.

"Sa tingin mo ba iisipin ko pa yan kung magmumukha naman akong Driver!?" Sabi ko nga.. Ito na palipat na nga oh! Uupo na nga sa tabi mo oh. Dali-dali akong umupo sa tabi ng Driver Sit. At isinara ang pinto ng Kotse niya.
"Mag-ingat ka nga! Alam mo bang bago itong kotse ko!? Mas mahal pa ito sayo!" Sigaw niya.. Lagi na lang syang nakasigaw.. At ang masakit ay mas pinapahalagahan niya pa yung kotse niya kesa saakin. Kaya ko rin bumili ng ganito! Bibigyan ko pa sya!
"S-sorry.." At dahil sa hindi ako makasagot ay yan na lang ang nasabi ko..

Agad naman kaming nakarating sa Super Market. Ako na ang kumuha ng Cart at nagtulak nito, siya naman ay naka sunod lang saakin..
Pumunta muna kami sa Ingredients Section.
Soy Sauce ✔️
Suka✔️
Paminta✔️
Patis✔️
Asin✔️
Ketchup✔️

Yung mga nakaplastik/naka pack na:
Sibuyas✔️
Bawang✔️
Kamatis✔️
Luya✔️
Sili✔️

Nang matapos ako sa ingredients section ay pumunta naman ako sa mga frozen Foods:
Hotdog✔️
Eggs✔️
Chicken✔️
Beef✔️
Pork✔️
Fish✔️

Tinulak ko ulit ang Cart sa Vagetable Section.
Pechay✔️
Sitaw✔️
Cabage✔️
Tomatoes✔️
Bitter Gaurd✔️
Etc.✔️ (A/N: hindi mahilig sa gulay si Author kaya wala akong gaanong alam 😂)

Medyo mabigat na yung cart pero kaya ko pa naman ^_^
Tumingon ako sa likod ko pero sana hindi ko na ginawa kasi, nakatingin din sya saakin tumaas pa ang kilay nung nakita niya akong lumingon! Daig pa may PMS netoh! Naka headset pa siya kaya hindi ko na inistorbo, pumunta naman ako sa Snack and Junkfood section. Kuha lang ako ng kuha ng gusto ko, pero syempre kinuhanan ko na din si Kauro~
Nang matapos kami dito ay sa Drinks section naman.
Kukuha na sana ako ng Wilkins na mineral pero inabot niya agad ang Viva Mineral. "Mas okay ito kaysa sa Wilkins.." Simpleng sabi niya..
"Wilkins ang iniinom ko ever since.." Pagdadahilan ko.
"Wala akong pake bas--" naputol ang pakikipagtalo niya ng may tumawag sa kaniya..
"Kauro!?.. What is this!?" Mataray na tanong ni Clarisse. Yes, siya nga.
"A-ah, Clarisse, i-it's nothing sinasa-"
"Sinasamahan mo siya, and then me!? I texed you kanina na magpapasama ako pero ang sabi mo ay may lakad ka! Tapos makikita kong kasama mo ang babaeng yan!?" Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa habang si Clarisse ay masamang nakatingin saakin. Actually natatakot na ako sa kung anong mangyayari..
"Bu-" -kauro. "I HATE YOU!" Sigaw ni Clarisse sabay nag Walk Out at ito namang si Kauro ay sinundan si Clarisse. Nang makalayo sila ay napabuntong hininga na lang ako.. Parang ganito, ganito ang nangyari nung may nangyaring masama saakin sa Zambales. Pero this time hahayaan ko na lang. Alam ko naman na kahit pigilan ko si Kauro sa paghabol kay Clarisse ay magiging Nonsense lang iyon, hindi rin naman ako pakikinggan ni Kauro eh.
Mabuti pang ipag patuloy ko na ang pamimili.. Para maka- OMO! Paano ko mabubuhat ang mga ito!? .... Tama! Dudukutin ko sana ang Phone ko sa bulsa , ito na naman tayo! Napahampas na lang ako sa noo ko >_< bahala na si Superman!
Nang matapos ako sa drinks ay dumeretso ako sa Counter..

"8,657.75 po lahat ma'am.," ibinigay ko ang credit Card ko at hinanda na ng Bagger ang apat na malalaking Plastik. Jusko T^T paano ko ito mabubuhat.. "Ahh, Ma'am. Gusto niyo po bang ako na ang maghatid sa inyo sa sasakyan niyo? " offer nung Bagger. Sa tingin ko nasa 20's lang sya. Ang gwapo ni kuyang bagger eh.
"Ayy nako, wag na po atsaka nasa labas lang ang boyfriend ko..!kaya ko na.." Pagsisinungaling ko nakakahiya kasi eh. Sa tingin ko kaya ko naman..
Binuhat ko na ng tig dalawa sa isang kamay ko ang apat na plastic.

O.o jusko.. Ang bigat..

"Ma'am kaya niyo po ba talaga??" Tanong ulit nung bagger.
"Oo naman kuya! Kahit ganito ako malakas ako! Hehe!" Masiglang sabi ko habang may awkward na ngiti at nagmadali na akong lumabas ng SuperMarket kahit na iika-ika akong lumakad sa sobrang bigat T^T

Sinubukan kong hanapin si Kauro pero Failed. Wala na siya. Hinabol nga nya si Clarisse. Pumwesto ako gilid ng kalsada kung saan nag-aabang ang iba ng taxi. Magta-taxi na lang ako.. T-teka.. Parang kumulimlim? Bubuhatin ko na sana ang mga plastik pero huli na. Biglang bumuhos ang malakas na ulan T^T bakit ganito ang nangyayari saakin? Mangiyak ngiyak na ako dahil basang basa na ako at ang pinamili ko. Pero nagulat ako ng may humintong black Chivalri sa harap ko.. At biglang bumukas ang pintuan at iniluwa ang napagwapong nilalang na napakatangkad at napaka puti.. Joke si Alestair iyon. Napangiti ako ng makita ko siyang tumakbo papunta saakin. Nabasa na rin tuloy siya.
"Mimi! What are you doing in the middle of heavy rain?" Tanong niya ng may pag-aalala..
"Nagmo- I mean, pasakay na sana ako ng taxi ng biglang bumuhos itong ulan hindi naman agad ako maka-alis kasi yung mga pinamili ko basang basa na rin!" Sigaw ko naman at agad niyang binuhat lahat ng iyon at isinakay lahat sa kotse niya ako naman ay dumeretso sa tabi ng Driver sit. Nang makapasok na rin siya ay pinaandar na niya agad.
"Ano bang nangyari? Bakit mag-isa kang namili ng ganyang karami?" Tanong niya habang nakatingin sa daanan.
"Kasi.. Ang totoo niyan.. Kasama ko s-si kaur--" unti unti kong sabi pero nagulat ako sa sigaw niya.
"Si Kauro!? Eh nasaan na yun!? Iniwan ka na naman ba niya!?" Ang HB din nitong lalaking ito eh.
"H-hindi may nangyari lang kaya k-kailangan niya u-umalis.." Pagdadahilan ko.
"Ahh." Tanging sagot niya pero halatang hindi siya nakuntento sa sagot ko.

Maya-maya lang ay nakarating na kami sa bahay, pinapasok ko muna siya kasi basang basa din siya at hindi pa rin tumitigil ang ulan. Pagkapasok ko sa bahay ay wala pa si Kauro.. Bigla na naman akong nakaramdam ng kirot..

"Ito,Alestair.. Gamitin mo muna pamunas." Binigyan ko muna ng isang towel si Alestair. "Wait kukuha lang ako ng kape, para saating dalawa.." Agad naman akong tumungi sa kusina at nagtimpla. Pagka-timpla ko ay bumalik agad ako sa Salas dala ang kape.

"Salamat nga pala, Alestair.. Nakoo~ kung hindi ka dumating malamang Nandun pa rin ako hanggang ngayon.." Pagpapasalamat ko.

"Wala iyon, atsaka may pinuntahan kasi ako kaya napadaan ako sa SuperMarket. Actually papunta rin ako dito para kamistahin ang kalagayan mo.." Ang bait talaga ni Alestair. Siguro kung hindi ko mahal si Kauro malamang si Alestair ngayon ang nasa puso ko..

"Sala--" naputol ang sasabihin ko ng may magsalita galing sa pintuan..

"Maayos na siya kaya makaka-alis ka na,pare.." Matabang na sabat ni Kauro..

"Pare, ikaw pala." -Alestair.
"Kauro.." Wala akong masabi.. Matapos niya na naman akong iwan ay magsusungit pa siya kay Alestair.

"Bakit nga pala kayo magkasama? Tanong ni kauro habang naglalakad papuntang kusina.. Nang makabalik siya ay may dala siyang baso ng tubig at ininom niya iyon. Sasagutin ko na sana ang tanong niya ng biglang magsalita si Alestair.
"Nadaanan ko kasi siya,pare. Basang basa habang may dalang Apat na mabibigat na plastik na pinamili niya sa SuperMarket. Naawa ako at bilang ISA sa NAGMAMALASAKIT sa kaniya ay Tinulungan ko siya at hinatid dito kasi mukhang iniwan na naman siya ng kung sinong GAGO." Kalmadong sagot ni Alestair at ako naman ay kinabahan na..
--

Hope you'll like it.

~purple

My Possesive Fiancé [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon