Kaibigan ang taong di ka iiwan
Pag ikay nasaktan ay laging maasahan
Katuwaaan, kalokohan, kadramahan man o kaya kalungkutan
Sila ay lagi mong karamay sa lahat ng pinagdadaanan
Di ka iiwan sa gipit man o kapahamakan
Kaibigan mong tunay na laging maasahan
Di ka kayang siraan kahit kanino man
Pero kaya kang gaguhin kapag kayo kayo lang
Di magsasawang ikay unawain
Topakin o artehan man ay lagi kang iintidihin
Pagsasabihan ka man pag may maling gawain
Kaibigang tunay yan di ka babalewalain
Nahanap mo na ba ang kaibigan mong di ka iiwan?
O nakita mo na siya kaya lang ay di mo napahalagahan
Kahit ganoon ay katabi at karamay mo pa din sa iyong pinagdadaanan
Kaibigan yang tunay wag mong iiwan!