Chapter 12: The Party

Third Person’s POV

“You’re so beautiful” sabi ng binata sa babae habang patuloy ang paggalaw nito sa ibabaw nya. Nag-iba sila ng posisyon at ang babae naman ang nasa ibabaw ng binata. Napangisi ang binata dahil sa posisyon nilang dalawa ngayon…

“And I’m hungry, I want to eat you” mas lalong nag-init ang binata dahil sa nakakaakit na boses ng dalaga. Jackpot kumbaga. Nakilala lang niya ito kanina at hindi siya nagsisisi na kasama niya ito ngayon. Sobrang ganda kasi ng dalaga, sobrang ganda higit pa sa kahit sinong babae…

Unti-unting bumaba ang mukha ng babae sa leeg niya. Napangiti ang binata… ‘Hahalikan niya ang leeg ko’ paniguradong isip ng binata pero nanlaki ang mata niya ng kagatin siya nito sa leeg. Akala niya ay ginagawa lamang ito ng dalaga para magbigay ng sensasyon sa kanya pero huli na ang lahat ng mapagtanto niya ang nangyayari. Inuubos na ng dalaga ang dugo niya! Nagwawala ang isip at kalamnan niya pero hindi niya magawang igalaw ang katawan niya. Anong nangyayari!? Unti-unti na siyang nanghihina at pakiramdam niya ay nauubos na ang dugo niya sa katawan. Hindi na niya alam ang gagawin hanggang sa malagutan na siya ng hininga…

Humiwalay naman ang dalaga sa katawan ng walang buhay na binata na ginawa niyang hapunan para sa paghahanda niya mamaya sa Ball na magaganap. Pinunasan niya ng palad niya ang dugo sa kanyang bibig. Idinampi ng dalaga ang kanyang hintuturo sa dibdib ng binata at sa isang iglap ay naging abo ito. Dumiretso siya sa banyo at nagbabad sa maligamgam na tubig. Napangiti ang dalaga ng maisip ang mga plano niya, siguradong magugulat silang lahat sa pagbabalik niya. Sisiguraduhin niyang gagawin niyang miserable ang mga buhay ng nilalang na nagpahirap sa kanya at sa kanyang pamilya…

Muli niyang ibabangon ang apelyido niyang ‘Cray’, ang pamliya ng mga bampira na minsan na ding naging katunggali ng mga Walker. At ngayong lahat ay umaayon sa plano, magiging maganda ang kahahantungan ng kanyang paghihirap…

Matapos maligo ay nagbihis na ang dalaga, suot ang elegante niyang damit na talagang pinagawa niya pa sa isang sikat na designer sa mundo. Inayos niya ang kanyang sarili, kaunting make-up lang ang nilagay niya sa kanyang mukha at hinayaan niya lang ang kulot at mahaba niyang buhok na nakalaylay sa likudan niya. Tumingin siya sa salamin… “Ang ganda mo talaga, hindi malayong mapasayo ulit si Van” sabi niya sa babaeng kaharap niya sa salamin kundi siya. Natawa na lamang siya. Bakit ko nga ba kinakausap ang aking sarili? Naisip niya. Masyado lang siguro siyang naeexcite sa mangyayari mamaya…

Pumunta na siya sa may sala at inantay na lamang ang maid niya…

“Young Lady, handa na po ang sasakyan sa labas, kayo na lang po ang inaantay” sabi ng maid sa Young Lady niya na nakaupo sa pulang couch habang may hawak na wine glass na puno ng dugo. Tumayo ang dalaga at tiningnan ang kanyang sarili sa salamin. Hindi niya mapigilang mapangiti dahil tunay namang napakaganda niya...

“I’m coming back, Van Rei Isaac Fenier Walker and get ready for my revenge” isip ng dalaga at sumakay na siya sa limousine papunta sa pagdadausan ng Grand Ball...

***

Kisha’s POV

“Sigurado ka bang bagay talaga sakin yan?” tanong ko kay Farrah habang nakatingin sa isang pulang evening dress na nakalatag sa kama ko...err..namin ni Van. It holds so much memory. Nag-init naman ang mukha ko ng maalala ko ang mga ginagawa naming sa kamang ‘to. God, Kisha. Ano ba ‘tong mga iniisip mo?

“Oo nga sabi eh” Tapos iniharap na niya ako sa may salamin at sinimulang ng ayusin ang buhok ko... “Isang tanong mo pa kakalbuhin kita” Okay. Sabi ko nga hindi na ako magtatanong eh. 

The Perverted Vampire (PUBLISHED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!