4 months passed...

Candy's POV

"Next week na. Excited ka na ba, Candy?" tanong ni Akira. I nodded and smiled.

"You look nervous. Don't worry, thats normal. Wag ka masyadong kabahan." sabe ni Sully.

"Thats the worst thing you could say to a bride to be." sabe ni Akira. Sully rolled her eyes.

"Well... I just wanna ask. Ikaw ba, Sully ano ba naramdaman mo bago ka lumakad sa altar?" mahina kong tanong. She looked at me intently.

"I felt nervous and excited at the same time. It's like I'm gonna vomit any moment. But... It's still a wonderful feeling for me. Mostly, the time that the door opened and I saw him there, smiling and waiting for me in front of the altar. " naka-ngiti niyang sabe. You can really see the happiness in her eyes.

"Wow. I never thought that you could say those such things, Sully." pabirong sabe ni Akira. Napailing naman si Sully.

"Don't worry. Ikaw naman tatanungin namin pagkatapos mo ikasal." sabe ni Sully kay Akira. She even gave her a cheeky smile. Akira just stick her tongue out.

I'm really nervous. I know that everything is ready and nothing could go wrong. Maybe, you really do feel this kind of feeling when you are about to walk the aisle. And maybe, Sully is right. It really can be a wonderful feeling.

Especially, you marrying the one you truly love. You couldn't ask for more. I know I sound strange but, I think I have grown more. I have matured.

"You, Akira. Kelan mo ba balak magpakasal?" tanong ko. She shrugged.

"Next year. Month of february." sagot niya. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Mukhang pinagplanuhan mo na talaga to ah." sabe ko. She laughed.

"Obvious ba? Well, just some minor things." sabe niya.

"Like?" tanong ni Sully.

"Wedding photos, flowers, venue, honeymoon, and other stuff." napatawa naman kami ni Sully sa sagot niya.

"Minor things? Seriously? Parang ikaw na din nagplano ng lahat. Ano pa ba maitutulong ni Jiro?" sabe ko. Napasandal siya sa upuan.

"Siya magbabayad." sabe niya sabay smirk. Grabe talaga to.

"Kawawa naman si Jiro. Mukhang kasal niyo palang ubos na pera. Pano pa kaya kapag may anak na kayo." natatawa kong sabe. Nagpout naman siya.

"It's just a once in a lifetime experience ya' know. Atsaka, wala siyang choice." sabe niya. Napailing nalang si Sully sa kanya.

"Kelan ba bridal shower mo?" tanong ni Akira.

"To be honest, ayoko magbridal shower. At syempre, ayoko din magpa-stag party si Lucas." sabe ko.

"You should trust, Lucas. Wag ka masyadong nagiisip ng kung ano ano." sabe ni Sully.

"She's right. Payagan mo na. Sabihin mo nalang na no girls allowed at inuman lang ang pwede. And if you want, two day before the wedding kayo magpa-party." sabe ni Akira. They do understand me.

Ayoko lang kasi mangyari ang dati. It actually gave me a big trauma. Baka lang kasi.... you know, may mangyari nanaman na katulad nun.

I sighed. "Fine. Pero pakisabihan na din sila Jiro at Rain na bantayan and do as I say. Wag nila pabayaan si Lucas. Wag na rin sila masyadong maglasing para mabantayan si Lucas. Hayaan nalang si Lucas na uminom." sabe ko. They nodded.

Sweet DespairBasahin ang storyang ito ng LIBRE!