Chapter 14 - New Classmates Again?

251K 5.3K 289
                                    

TFLGIAN

Chapter 14 (edited)

New Classmates, again?

A/N: Revised. Please be aware of some fouls words.


















"Pahiram nga ako ng ice-pick"

Sofia's POV


Nakanunot noo akong tumingin kay Cally, Ice-pick? Anong kailangan niya sa bagay na iyon?

"Para san?" wika ni Tiffany habang kumakain ng potato chips.

"Isasaksak ko lang sa babaeng dikit ng dikit sa asawa ko" narinig kong bulong niya, akala niya siguro ay hindi ko narinig.

"Ano?"

"Wala, Althea. Halika samahan mo ako sa canteen, ililibre kita ng pizza kung gusto mo" pag-iiba niya sa topic. Tama nga ang hinala ko. Bakit hindi man lang niya sinabi?

"Aba, hindi ako tumatanggi diyan. Tara"

Napailing nalang ako sa mga inasal nila. Akalain mong kaya ka palang patayin ng dalawang babaeng iyon sa isang iglap?

Dahil sa may sariling mundo nanaman si Tiffany at si Minchi naman ay natutulog, panandaliang lumabas ako ng classroom upang makapag lakad-lakad. Maraming puno dito sa University kaya maganda ang simoy ng hangin.

Napukaw naman ng pansin ko ang isang malaking puno sa di kalayuan. bukod sa taas at laki nito, napansin ko din ang taong nakaupo sa ilalim nito.


Naramdaman siguro niya na may nakamasid sa kanya kaya naman nagpalingon-lingon ito, umangat naman ang gilid ng labi niya nang madako ang kanyang tingin sa aking kinatatayuan.

Tinging malamig lang ang ipinukol ko sa kanya. Talagang nababagay sa kanya ang scenaryong ito. Nililipad ng hangin ang buhok. Ba't parang ang cool niya?

Agad naman akong umalis sa aking pwesto at bumalik sa room, pera iba na ang naabutan ko.

So close na pala sila?

Hindi ko ine-expect ang makikita ko, talaga bang nakikipag usap si Althea sa ibang tao bukod sa amin? Kay Rain Hwang?

Si Minchi rin, nakikipag usap sa pinsan ko. Trake, hanggang kalian mo itatago ang sakit na nararamdaman mo kahit abot-kamay mo na siya?

I sighed. Wala ako sa tamang posisyon para magsabi sa inyo. Hindi ako si Trake; at lalong hindi ako si Minchi.

Tinungo ko ang aking upuan at umub-ub ngunit hindi ako maka idlip dahil sa dalawang taong nag uusap sa gilid.

Si Tiffany at Kenneth.

Napatingin naman sa akin si Tiffany na nag peace sign lang. Childish.

The Famous Legendary Gangster is a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon